27

19.2K 430 12
                                    

Natigilan si Ivanie ng makita kung sino ang nakikiramay. Ang mga Dela Rosa.

"Iha ikinalulungkot ko ang nangyari kay Sylvia. H-hindi ko akalain at sobrang nagulat ako sa balita na aking nasagap. Condolence Ivanie." Saad ng Mommy ni Candice.

"Salamat ho." Simpleng sagot niya. Nakita niya na papalakad sa direksyon nila si Candice. Patlang na tiningnan niya lang ito. Banaad naman sa mukha ni Candice ang pag-aalinlangan at halo emotion ang lumarawan sa mukha nito.

"I-Ivanie c-condolence."  Mahina na saad ni  Candice sa kanya. Isang tango lang ang isinagot niya at nagpaalam na sa mga ito. Lumabas muna siya sa funeral house para mag pahangin. Parang pakiramdam niya ay nasu suffocate siya dahil iisa lang amg lugar ng hinihingaan nila ni Candice.

Pansin niyang madami din ang nakiramay sa kanila at kadalasan noon ay mga kapitbahay nila.

Pakiramdam niya ay manhid na siya at naubos na yata ang luha niya sa kakaiyak. Pilit siyang nagpapakatatag dahil wala na siyang matatakbuhan kung hindi ang sarili niya. Iyon na lang ang choice niya ang maging matatag siya. Sarili lang meron siya.

"Ivanie." Napapikit siya ng mariin. Hindi ba nito naiintindihan na ayaw niya itong makita o siguro sadyang makapal ang mukha nito. Matagal na niyang kaibigan ito pero hindi pa nga niya siguro kilala ito ng lubusan.

Humarap siya sa babaeng ipinalit sa kanya. Isang babae na pangarap ng mga kalalakehan. Babaeng nasa kanya na ang lahat. Babaeng minahal niya at itinuring na niyang kapatid. Napailing siya sa huling naisip. Naglalaro tuloy sa kanyang isipan kung ganun din ba ang trato nito sa kanya but she doubt it. 

Tinitigan niya lang ito at pinili niyang huwag magsalita.

"I-Ivanie patawad..sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka." Umiiyak ngayon si Candice.Mahabang katahimikan ang bumalot bago muli itong nagsalita.

"Please Ivanie magsalita ka. Murahin mo ako o di kaya sampalin mo ako. Tatangapin ko yun." Muling saad ni Candice.

"Anong gusto mong marinig mula sa akin Candice?" Tanong niyang balik rito.

"Magalit ka sa akin...sampalin mo ako para makaganti ka." Umiiling siyang nakangisi.

"Hindi ako ganyang tao Candice. Halatang guilty ka lang lalo na at wala na si Mama. Pero alam mo ng malaki na tayo Candice. We already knew the what is wrong and right. And you already choose...you choose to hurt me at nirerespeto ko ang pinili mo." Nakita niyang patuloy pa din ang mga luha ni Candice.

"Matagal ko ng gusto si Luvdix at nagparaya ako para sayo Ivanie...Para na kitang kapatid kaya mas pinili ko ang umalis. Pero ng magkita ulit kami ay muling bumalik ang nararamdaman ko sa kanya at naiingit ako kasi masaya na siya sayo. Ako naman ang nauna Ivanie ah..Mas una ko siyang nagustuhan sayo." Mahabang saad ni Candice.

"Sa una pa pala at tinraydor mo na ako." Mahinahon niya saad. "We promised to honest to each other and I think you failed. Kung naging honest ka lang sana ay maiintindihan ko naman eh. Alam mong mahal kita Candice at kung handa kang magparaya ay ako din gayon." Hindi na niyang napigilan ang pag crack sa boses niya. "Pero kahit ano pa ang sabihin natin dalawa ay hindi na din naman natin maibabalik ang kung anong merong pagkakaibigan tayo kung itinuring mo nga ako na kaibigan. I love you Candice at ang sakit lang kasi kaya mo pala akong saktan ng ganito...siguro maiintindihan ko pa kung si Luvdix ang manakit sa akin dahil hindi niya ako mahal...pero ikaw. Hindi ko napaghandaan 'to ni sa panaginip man lang. Pero nandito na eh, siguro nga walang forever. Lumake ako na nasa isip ko na kakampi kita. Grabe! Hindi ko akalain." Parehas silang umiiyak ni Candice.

She hug Candice at halatang nagulat ito. Sobrang sakit ng ginawa ni Candice sa kanya. Pero  ayaw niya mag tanim ng sama ng loob. Lilipas din ito..hindi niya alam kung kelan at saan pero ang mahalaga sa kanya ayang mag patawad kahit sobrang skit. Yun ang asal na nakuha niya sa Mama nya and for the last time susundin niya ang bilin nito. 

"I already forgive you diba sabi ko sayo noon ay handa akong magpatawad..." Naramdaman niyang gumanti din ito ng yakap habang lalong lumakas ang pagiyak nito. Siya na ang unang bumitaw.

"S-salamat Candice."

"May gusto lang sana ako hilingin sayo.."

"Ano iyon?" Kalat na ang maskara ni Candice sa kakaiyak.

"Sana kung muling maglandas ang buhay natin...act like we didn't know each other." Napahawak na lang si Candice sa bibig habang pinipigilan ang paghagulgol. Tumango-tango ito.

"Malake tulong iyon sa akin.Salamat sa lahat Candice.." Iyon ang huli niyang sinabi bago tumalikod. Masakit din para sa kanya sobrang sakit dahil kabilang sa buhay niya si Candice pero kailangan niyang gawin iyon dahil iyon ang sa tingin niyang tama.

"Ang bait mo talaga." Pinahid niya ang kanyang mga luha ng biglang may nagsalita. 

"Tyron."

"I'm sorry narinig ko lahat." Tumango na lang siya at malalim na nagbuntong hininga. "Paano...bakit parang ang dali lang sayo na magpatawad?" Rinig niyang tanong ni Tyron.

"Dahil iyon ang tama. Kahit naman nasaktan ako ni Candice ay mas madami pa din kaming pinagsamahan non. Hindi ko pa din naman nakakalimutan ang mabubuting bagay na ginawa niya para sa akin. Ang hirap Tyron sobrang bigat sa pakiramdam. Sana hindi nag sabay sabay."

"Grabe ang bait mo talaga." Umiiling na saad na lamang ni Tyron. "Eh bakit sinabi mo pa na kung magkita ang landas niyo act like both of you didn't know each other?"

"Dahil awkward?...sa akin na lang iyon Tyron.''

"So si Luvdix din ba ay madali mong mapapatawad?" Natigilan siya.

Kaya niya na bang patawarin ang lalakeng iyon? Ng muling maalala si Luvdix ay kumirot na naman ay puso niya.

"I don't know....still don't know. Isang bagay lang ang alam ko, I will guard my heart now Tyron. Hindi ko na hahayaan na mabasag ulit ang puso ko, mahirap na at baka sa kabaong na din ang bagsak ko. Baka this time ako naman. Sarili ko naman ang mahalin ko. Ang masakit kailangan muna mawala si Mama bago ako matauhan." Nakita niyang natigilan si Tyron at tumango-tango na lang.

*****

My Bad Half(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt