12

18.3K 324 4
                                    

Tahimik lang siya sa buong byahe. Actually, medyo naiinis na siya sa mga kasamang babae nina Karl at Miles. Ewan yung apat kasing babae eh ang ingay tsaka yung isa mukhang nakikipag flirt pa kay Luvdix, buti na lang at hindi naman pinapansin ni my half ko.

"Okay ka lang?" Tanong nito sa kanya. Nasa iisang van sila lahat at nasa gilid siya ng bintana nakapwesto. Katabi naman ni Luvdix sa kabilang panig ang nag ngangalang Carla. Maganda so Carla kaso parang fake ang ilong at labi.

"Yup...okay lang ako my half." Nginitian siya ng binata.

"Don't worry malapit na tayo." Medyo nahigit niya ang paghinga ng isubsob ni Luvdix ang mukha nito sa leeg niya. Lumanding naman ang isang kamay nito sa bewang niya. Nakita niyang tumaas ang kilay ni Carla at bahagya umingos pa. Sabi niya na nga ba at may gusto ito kay Luvdix, babae din siya at alam niya ang radar ng kalahi niya.

"Bango naman ng my half ko, amoy baby." Bulong nito.

"HOY!! wag nga kayong mag landian jan." Pasinghal na saad ni Miles pero nakangiti naman.

''Inggit ka lang." Sagot naman ni Luvdix. "Wag niyo kaming pansinin dito, nag momoment kami ni My half ko." Namula siya sa sinabi nito.Kaya mahal na mahal niya talaga ang binata eh, hindi ito nahihiya.

"Tsk, nang iingit ka lang eh." Saad naman ni Karl. "Tayo din Miyu, mag moment din tayo." Baling nito sa katabing babaeng. Tinaasan lang siya ng kilay ni Miyu sabay tingin sa labas. Si Miyu lang ang tahimik sa apat babae at mukhang napipilitan lang ito na sumama.

"Aww snob ako." Daing na lang ni Karl. Binully naman ito nina Miles at Luvdix na nauwi na naman sa batuhan ng mga dala-dala nilang gamit. Natigil lang ng sa wakas at narating na nila ang Hotel resort.

Agad silang nag check in. May sari-sarili silang suite.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong nito ng pasakay na sila ng elevator, nauna na sila sa iba. Tumango siya.

"Nag ca-crave ako ng spaghetti with chicken. May jollibee ba dito?" She heard Luvdix chuckled.

"Bat hinahanap mo pa so Jollibee eh nandito naman ako." Tiningnan niya ito kung seryoso ba ito sa sinasabi pero nagulat siya dahil seryoso ang bukas ng mukha nito.

"Sira ka talaga." Niyakap niya ang binata. "Chicken and spaghetti ang gusto ko at hindi si jollibee." Ang cute talaga nito. Minsan nahihiwagaan siya sa inaakto nito na ngayon niya lang na didiskubre.  Masaya siya sa ipinapakita nito.

"1497, here's your room." Saad ni Luvdix at ito na mismo ang nag insert ng key card. Ng tuluyan siyang nakapasok ay nagandahan siya sa magiging room niya pero nanlaki ang mata niya ng makita ang bathtub. Kitang-kita kasi dito sa kama kung maliligo ka at tanging salamin lamang ang harang pero okay lang naman yun dahil siya lang naman mag isa sa kwartong iyon.

"Okay na ko my half. Punta naman tayo sa room mo para ma check natin." Agad namang tumalima ang binata at napaskill sa mga labi nito ang isang pilyong ngiti.

"Anong ngini-ngiti mo jan?" Umiling ito at hindi sumagot. Katabi lang pala niya ang room ni Luvdix, same lang sila ng design ng kwarto ni Luvdix except sa hindi kita ang bathroom nito. Pero natigilan siya ng makita ang isa pang pinto.

"Connected room ang atin." Mabilis na saad ng binata sa nagtatanong na mukha niya. Binuksan nito ang pinto. "So anytime ay makakapunta ko sa kwarto mo." Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas doon.

"NO!!" Sa wakas nahanap niya na ang boses. "Mygash hindi pwede, nakita mo ba yung bathroom ko? Pano pag bigla kang pumasok habang naliligo ako?...No lilipat na lang ako ng ibang suite." Angal niya. Nakita niya naman na umiling ang binata at humilata sa kama, itinaas nito ang dalawang braso at prenteng nakahiga.

"Full na ang suite dito at kung hindi nga gamit ng connection ko ay hindi tayo makakapag check in dito." Walang anuman na sabi nito.

"Tatabi na lang ako sa ibang babae or doon kay Miyu." Isip niya ng ibang paraan.

"Those girls won't share rooms, Im so sure about that and for Miyu baka pumayag pa siya pero si Karl naman ang hindi papayag my half." Cool na saad nito. Naiinis na siya dahil parang hindi big deal sa binata ang senaryong ito.

"P-pero...."

"Don't worry kakatok ako pag papasok ako." Hindi pa din siya kombinsido. Kasi naman eh, sino ba ang design nong suite na iyon, bakit kailangan kitang-kita ang loob ng bathroom.  Hindi ba nila inisip na may conservative pa sa mundong ito.

"Halika nga dito." Kahit nag aatubili ay marahan siya lumapit sa binatang ngayon ay nakaupo na sa kama.

Hindi niya napag handaan ang gagawin nito kaya napatili siya. Pano ba naman kasi, hinila siya ng binata pahiga and she's lying on his top.

He's looking at her seriously. Kaya nakipag titigan din siya sa binata, yung pakiramdam na Hindi na nila kailangang mag usap dahil sapat na ang tinginan nila para maintindihan ang nararamdaman.

"You are so beautiful my half." He said with a husky voice. Dahan-dahang inilapit ni Luvdix ang mukha sa dalaga para halikan ito pero nabulahaw sila sa malakas na katok.

"Luvdix..Ivanie! Maya na kayo mag sex, maaga pa." Sigaw ni Miles sa kabilang pinto at narinig nila ang tawanan.

"Gago talaga yang si Miles." Nasabi na lang ni Luvdix ng makitang pulang pula ang mukha ni Ivanie. Akmang tatayo na si Ivanie ng humigpit ang hawak ni Luvdix sa bewang niya.

"I'm not done yet..." At tinuloy na nga ng binata ang paghalik sa kanya. Napapikit na lang siya at ninamnam ang halik nito.

"HOY!! Luvdix maya mo na iraos yan at kumain muna tayo." Mas lumakas ang katok nila Miles.

"P@tngna talaga nitong si Miles!!" Malutong na mura ni Luvdix. Pinitik niya ang labi nito.

"Wag ka ngang mag mura..."Tuluyan na siyang bumangon. Para namang tinatamad si Luvdix na bumangon. Inabot niya ang kamay nito at hinila patayo. Nakasimangot pa din ito pero bumangon na din.

Nakaakbay na ito sa kanya at ng akmang bubuksan na nito ang pinto pero hinarap muna siya nito.

"I'm not done yet Ivanie." Muntik na siyang himatayin sa klase ng titig nito na parang hayok na hayok sa kanya. "Kumain ka ng madami mamaya dahil kailangan mo yun mamayang Gabi." Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya papunta sa kanyang mukha.

Tuluyan na nitong binuksan ang pinto habang siya ay tulala pa din. Kung hindi pa siya tinawag ni Karl at hindi pa siya matatauhan.

Puchat naman kasi 'tong si Luvdix eh kinabahan tuloy siya.

Bahala na nga.

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now