23

17.1K 313 10
                                    

She was so busy on reviewing here in Library and she know that she kind of neglected her boyfriend this past few weeks. Graduating and running for Cum Laude kasi siya kaya ganun na lang ang puspusan niyang pag aaral ngayon. Buti na lang at naiintidihan siya nito. Pero kahit na anong gala nila ni Luvdix ay nagagawan niya pa din ng oras ang pag-aaral. Of course may grade siyang kailangang i-maintain dahil kapag bumaba iyon ay matatangal siya sa pagiging scholar at pag nangyari iyon ay hindi niya alam kung saan siya pupulutin dahil napakamahal ng tuition fee ngayon.

Biglang nag vivbrate ang kanyang cellphone at nakita niyang galing kay Luvdix ang message.

From: MyHalf

My half kumain muna tayo nandito ako sa Grill Restaurant. I'll wait you here.

Mabilis na niyang niligpit  ang mga libro at inilagay iyon sa bag. Nasa harap lang naman ang Restaurant na iyon kaya kalkula niya ay mga 15 minutes ay nandoon na siya. Ilang weeks na talaga siya sobrang busy at pati din si Candice ay hindi na niya nasasamahan sa alis nito.

"Hi." Agad niyang niyakap si Luvdix ng makita ito sa loob ng Restaurant. Minsan na lang sila nag kikita eh. "Sorry talaga my half hayaan mo babawi talaga ako." Paliwanag niya.

"Hey its okay. I understand. Here take a sit at kumain na tayo. Ikaw tingnan mo yang katawan mo, nangangayayat ka na." Sita pa nito. Eh kasi naman minsan nakakaligtaan na niyang kumain dahil sobrang dami project na isusubmit.

"Yaan mo malapit ko ng matapos ang research ko kaya tataba na naman ako." Saad niya sabay ngiti. Pero kasi hindi talaga siya tabain kahit anong lamon niya ay ganun pa din ang kanyang katawan. Magkatabi sila sa upuan kaya malayang inaakbayan siya ni Luvdix, tahimik lang silang dalawa ng mabulabog sila ng mag vibrate ang kanyang cellphone. Nakita niya na si Candice iyon.

"Hello bestfriend." Bungad kaagad niya.

(Nasan ka? Nandito ako sa harap ng school niyo.)

"Huh? Naku nandito kami sa Grill Restaurant front lang yun punta ka rito kasama ko si Luvdix." Saad ko. Mukhang natigilan ang nasa kabilang linya dahil matagal ito hindi nakapagsalita.

 (Okay punta ko jan.)

''Bakit daw?" Takang tanong ni Luvdix.

"Nandito daw siya. Hindi na sinabi ang dahilan dahil pinapunta ko na dito." Sagot niya. Maya-maya ay nakita na niyang papasok na ang kanyang kaibigan. At obvious na pinagtitinginan na naman ito.

"Hello bestfriend." Sabay yakap sa kanya. "Na miss kita, sobrang busy mo na kasi eh." Saad nito.

"Sorry na po. Teka umupo ka nga muna para maka order na tayo ng kakainin." Saad ko at umupo naman si Candice sa harapan nila. Paganda ng paganda talaga ang kanyang best friend at blooming pa, pansin niya.

"I already order our food pero hindi kasama si Candice dahil hindi ko alam na pupunta siya." Sabat ni Luvdix ng biglang napadaan ang waiter kaya tinawag ito ni Luvdix. "Just have Pasta Ala Pobre and a slice of red velvet cake." Order ni Luvdix para kay Candice. Nagtataka siya kung bakit hindi na tinanong nito si Candice at ng tingnan niya ang kaibigan ay parang paborito pa nito ang inorder ni Luvdix.

 "So bestfriend samahan mo naman akong manood ng sine oh. Naku hindi na tayo nakakapag bonding eh." Natigilan siya at napatingin kay Luvdix. Sobrang dami niya pang gagawin eh.

"A-ah naku Candice sorry...kasi madami kasi akong gagawin ngayon eh." Nanlumo ang mukha ni Candice. "Sorry talaga bestfriend."

"Its okay...hay ganyan talaga pag Cum Laude madaming gagawin. Eh sino na ang kasama ko manonood?"

 "Gusto mo samahan kita? Wala akong gagawin ngayon." Parehas silang natigilan ni Candice at sabay na napatingin kay Luvdix. "A-ano total busy si Ivanie ngayon." Saad pa nito.

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now