41

19.8K 423 4
                                    

Ng makarating ako sa unit ni Kuya Gun ay nakasalubong ko siya. May importante daw itong lakad at baka bukas na ito makauwi. Kaya maaga akong natulog pero nagising din ako ng makaramdam ng pag kauhaw. Hindi na ako nag abalang buksan ang ilaw dahil may dim light naman sa sala.

Pagkainom ko ng tubig ay akmang babalik na ako pero nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Napakunot ang noo ko, akala ko ba bukas na uwi si Kuya.

"Yes. I have a good flight. Nope but I was thinking of it. We'll talk this tomorrow. Okay good night." Nanlaki ang mga Mata ko ng marinig ang boses na iyon. Bakit siya nan dito? Anong ginagawa niya rito? Shit Hindi ko napaghandaan to na ganito ka aga ko siyang makikita.

Mabilis akong nagtago sa ilalim ng mesa. Napamura pa ako ng mauntog ako sa pagmamadali.Biglang bumukas ang ilaw at nakikita ko ang paa ni Luvdix na patungo sa refrigerator.  Nakatalikod ito kaya mabilis kong kinuha ang remote control ng ilaw at pinatay iyon.

"Fuck!" I heard him curse. Nakita ko na naglakad ito patungo sa switch ng ilaw tsaka muli iyong binuksan. Nabigla ako ng umupo ito at muntikan ng masipa nito ang aking mukha dahil nagkukuyakoy pa ang gago, mabuti na lang at nakaiwas ako.

Shit papaano ba ako makakabalik sa kwarto ko? Mukhang magtatagal pa ang isang ito rito.

In off ko ulit ang ilaw gamit ang remote control.

"Damn it. Sira ba tong ilaw?! Tanginang Gun to nagkukuripot na naman." Uminit ang ulo ko ng marinig ang pagmumura nito kay Kuya kaya bago pa nito mahawakan ang switch ay pinindot ko muli ang on sa ilaw. Muntik na akong matawa ng makita ang pag atras nito bahagya. Takutin ko nga ang hayup na ito.

Akmang babalik na naman ito sa pagkakaupo ay mabilis kong in off ang ilaw.

"Sang gala! Kung sa tingin mo ay natatakot ako sayo multo ay nagkakamali ka!!" Pakiramdam ko ay dudugo na ang labi ko sa pagkagat dahil sa pagpipigil ng tawa. Pinatay-sindi ko na ang ilaw at nakita ko ang pagtakbo ni Luvdix.

Bakla!

Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at buti na lang kasabay ng pagsara ko ng pinto ay ang pagbabalik ni Luvdix. Wew!

"Nasaan ka ba?!" Narinig ko na may kausap si Luvdix.

"Ay pucha pare may multo na yata dito sa unit mo. Biruin mo nagpatay sindi ang ilaw!" Rinig kung sumbong nito kay Kuya Gun.

"She's here?" Natigilan ako at mabilis na inilock ang kwarto ko. "Kelan pa siya dumating?"

"I see. Okay good night." Pinakiramdaman ko ang nasa labas. So alam na niyang nandito ako pero bakit siya dito nagpunta? At isa pa ito si Kuya Gun hindi niya man lang ako nasip.

Bumalik ako sa kama at napatitig sa kisame.

"Please Luvdix pakinggan mo naman ako oh." Kulang na lang ay lumuhod ako sa harapan niya. Hindi ko alintana ang mga empleyado na nakatingin sa akin dahil nandito ako sa companya nila. Ilang araw na akong pabalik-balik rito at sa wakas ay natiyepuhan ko siya.

Nagulat ako ng bigla niya akong hatakin palayo sa nakakarami at binalya ako sa pader. Hindi ko na ininda ang sakit ng pagbabalya nito sa akin.

"Ivanie tama na. Siguro nga hindi tayo para isa't-isa."

"Bakit ka ganyan. Bakit ng dali mo akong isuko. Bakit parang balewala lang sayo na nasasaktan ako. Bakit ba ang hirap mong mahalin. Bakit ba parati mo na lang akong sinasaktan!" Pinagsusuntok ko ang dibdib niya para man lang makaganti sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now