2

23.1K 396 9
                                    

"Naman Ivanie ano'ng oras na, bilisan mo naman! Kupad ng gagang to!" Nailayo na lang ni Ivanie ang cellphone sa tenga ng marinig ang sigaw ni Luvdix sa kabilang linya. Naka-sigaw na naman ang binata sa kanya. Ewan niya ba, kahit parati naman galit at nakasigaw ang binata sa kanya ay hindi pa din siya nasasanay.

"O-Oo eto na." Hindi siya magkanda-ugaga sa pagbitbit ng food supplies ni Luvdix. Wala daw kasi ang kasambahay nito kaya siya muna ang pinaki-usapan nito na mamili. Buti na lang at pinayagan siyang umalis ng Mama niya.

Ng makasakay siya sa Elevator paakyat sa unit ni Luvdix ay nakahinga siya ng maluwang. Alam niyang gutom na ang boyfriend niya at kailangan niya pa ito'ng ipagluto. Hay talo niya pa ang ay may anak ah.

Mabilis na tinap niya ang passcode sa unit nito at nagmamadaling pumasok sa loob.

"Nabili mo ba lahat?" Natigilan siya ng mapagmasdan ang boyfriend. Topless lang ito at ang abs. Maganda ang pangangatawan nito at sa tangkad nitong 6'1" ay maari itong maging isang modelo. Hindi ito maputi at hindi din maitim, katamtaman lang talaga. May maipagyayabang nga naman talaga ang boyfriend niya.  "Ano? Nabili mo ba?!" May irita sa boses nito.

"Oo nabili ko na lahat...teka ano ba ang gusto mong kainin at ipagluluto na kita?" Tanong niya rito habang inaayos ang supplies nito sa lagayan. Hindi ito sumagot sa halip ay nagkal-kal sa mga dala niya. Amoy na amoy niya ang paborito niyang pabango ng binata.

"Oh nasaan na yung protein milk shake ko?!" Busangot kaagad ang mukha nito ng hindi makita ang gusto. "Bakit iba yung binili mo? Diba yung old brand yung pinapabili ko?" Inis na sabi nito. Napalunok siya. Nawala sa kanyang isipan na yung ibang brand pala ang gusto nito.

"I'm sorry...sige bibili na lang ako ulit." Paumanhin niya dahil ayaw niyang tuluyan itong magalit sa kanya.

"Ano? Ilang oras na naman ako mag aantay? Naturingan ka na matalino pero simple instruction hindi mo makuha?! Akina nga yan!" Naglakad na ito pabalik sa kwarto habang dala-dala ang maling protein milk shake na nabili niya. Napa buntong hininga na lang siya, pakiramdam niya wala na siyang nagawa na tama sa mata nito Luvdix.

Sinundan niya ang binata sa kwarto kung ano ang gusto nitong kainin. Natigilan siya ng maabutan niyang nagsisindi ito ng sigarilyo. Naninigarilyo talaga ito. Kung makakasalubong mo siguro ito sa hallway. Mag aalangan ka na batiin ito dahil sa pag karami ng tattoo sa braso sabayan pa ng matapang na mukha. 

"What?!" Tanong nito ng mapansin siyang nakatunga-nga lang sa harapan nito. Nakapameywang siyang pinagmasdan ito.

"Tsk! Luv alam mo naman na masama yang paninigarilyo mo diba.." Sumimangot na naman ito ay winasiwas ang kamay.

"Stop lecturing me Ivanie. You're not my mother and of course I know the consequences. Pwede ba bigyan mo ako ng kapayapaan Ivanie." Hinithit pa nito ang sigarilyo at nagbuga ng usok. Napailing na lamang siya. Alam niyang baka kung ipagpipilitan niya ang kagustuhan niyang itigil na ng binata ang paninigarilyo ay baka mag-away sila. Ayaw na ayaw niyang mangyari iyon sa kanila.

"Ano pala ang gusto mong kainin?" Tanong niya lamang.

"Kahit ano...basta masarap." Sagot nito at itinabi ang sigarilyo sa ashtray. Busy na ito sa kung ano man ang ginagawa nito sa cellphone nito.

Kaya tahimik na bumalik siya sa kitchen at nagluto ng Kaldereta. Paborito ni Luvdix iyon. Habang naghihiwa siya ng mga rekado ay naisipan niyang buksan ang flat screen an TV ni Luvdix.

Napangiti siya bigla ng bumungad ang mukha ni Candice. Yes, her super model na best friend niya. Almost four years na din ito na wala sa Pilipinas at hindi niya akalain na magiging modelo ito. Aminado siyang maganda ang best friend niya pero kasi noon wala talaga itong kaamor-amor sa mga magazines at kahit mag ayos man lang. Napaka simple lang nito pero sobrang ganda.Tipong kahit pinag papawisan na ay hindi pa din dugyot tingnan.  Ngayon sa magazines at television ay madalas mo na ito makikita roon.  

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now