16

17.8K 331 5
                                    

"Tulungan na lang kaya kita?" Nag aalalang suhestion ni Ivanie kay Luvdix. Pero ang hot nito sa suot na apron less mo na duon ang shirt. Abs!

"No! I told you to just stay in sofa. Don't mind me here, wag na matigas ang ulo Ivanie." Alanganin na sumunod siya. Ang kalat na tuloy ng kusina nito.

Gusto kasi siyang ipag luto ng binata pero mukhang hirap na hirap naman ito.

"Sh*t!!" Panay ang mura nito sa kitchen. Nasa condo sila ng binata. Kating-kati na ang kanyang kamay na tulungan ito.

Pumasok na lang siya sa kwarto ng binata pero iniwan niyang bukas ang T.V. Makalat talaga kapag lalake eh.

Niligpit niya ang mga damit nito sa Kama at inayos ang pag kakasalansa ng mga libro. Alam niyang kahit nag mamatigas ito na hawakan ang mga business ng ama ay interesado ito doon , isa na ang pruweba ang mga libro nito sa kwarto.

Alam niyang maraming insecurities ang binata lalo na sa nakakatandang kapatid nito. Ang alam niya kasi matapos mag hiwalay ng parents ni Tyron ay ang Mama ni Luvdix ang naging pangalawang asawa.

Luvdix's dad love her mom so much at hindi nito natanggap na namatay kaagad ang pangalawang asawa dahil sa panganganak. Iyon ang naging dahilan kung bakit malayo ang loob ng ama nito pero alam niyang na realize na ni Tito na Mali ang sisihin si Luvdix yun nga lang masyado ng malayo ang agwat ng mag ama.

Hindi niya din masisi si Luvdix dahil nong bata pa ito ay sinubukan nito ang lahat para makapasok sa puso ng ama pero tanging si Tyron lang ang nakikita ni Tito. Kaya ng mag binata si Luvdix ay naging rebelde ito.

She wished na sa Sana maging okay na ang mag ama.

"Hey!" Muntik na siyang mapatalon sa gulat.

"Nubayan!!" Nasabi niya na lang.

"What are do..tsk bat mo nilinis?!"

"Eh ang kalat eh. Tapos na ba ang niluluto mo Chef Pogi Luvdix?"

"Dapat ako na lang naglinis eh, ayaw nga kitang mapagod...Yup." He looked nervous.

"Lets eat. Gutom na ako ah, mukhang mabango at masarap." Saad ko at nagpatiunang lumabas ng kwarto kaso biglang siyang pinigilan ni Luvdix.

"Alam ko naman na gutom ka na sa akin eh. At oo mabango ako palage at....masarap." Ngumiti ito ng pilyo, she just rolled her eyes. Perv!

"Umandar na naman yang perv mo huh!"

"Nag sasabe lang ako ng totoo, try natin?"

"Ako Luvdix Klien ah, tigil-tigilan mo ako!!" Tawa naman ng tawa ang lalake.

"Ang cute mo talaga mapikon, pa kiss nga!" Bago pa siya maka-iwas ay nahuli na nito ang kanyang labi.

"Ahmm mas masarap ka, kaw na lang kainin ko." Bago pa sila magkainan este mag kaasaran ay nauna na siyang lumabas sa kwarto.

Napangiti siya ng alalayan siya ni Luvdix umupo. Sweet.

"Teka ano nga pala 'tong niluto mo?" Takang tanong.

"Steak?" Sagot nito. Hindi niya ipinahalata na nagulat siyang steak pala yun.

"Wow mukhang masarap ah, let's eat na." Nilagyan siya nito ng pagkain sa plato. Ng hiwain niya ang steak ay napangiwi siya sa tigas noon pero ngumiti pa din siya sa binata.

"What do you think?"

"A-mmm good." Saad niya ng matikman iyon. Kinain niya iyon ng walang pag aalinlangan. Medyo raw pa iyon pero sunog sa labas.  Tinikman naman ni Luvdix ang niluto nito at nagulat siya ng bigla nito iyong niluwa.

"Ang sama ng lasa!" Angal nito pero patuloy pa din siya sa pagkain. Ang mash potato naman ang isinabay niya sa steak nito.

Pero nagulat siya ng ilayo nito ang kanyang plato.

"We'll buy something outside." Malamig na saad nito.

"Why? Okay naman ah." Seryoso na ang mukha ni Luvdix ngayon.

"Bakit hindi ka nagpakatotoo Ivanie? Dapat hindi mo kinain kasi hindi naman talaga masarap. Kaya mo lang naman kinain dahil ayaw mong masaktan ang feelings ko. Ayaw ko sa lahat ay yung kino-comfort ako ng hindi totoo." Mahabang paliwanag nito. Bumuntong hininga siya bago pinunasan ang bibig gamit ng table napkin.

"Kinain ko kasi madaming nagugutom...." Pero pinutol nito ang kanyang sasabihin.

"What a b*llsh*t reason. Dapat kung ayaw mo sabihin mo sa akin." Inis na saad nito.

"My half pwede bang pakingan mo muna ang side ko?" Nakatingin naman ng matiim ang binata sa kanya.

"Okay, kinain ko siya dahil gawa mo yan. Wala naman akong paki alam kung ano pa ang lasa niyan, nag effort kang lutuan ako at kung alam mo lang kung gaano ko na- appreciate ang ginawa mo. Second, hindi naman ako madalas kumain ng steak, kaya hindi ko alam kung ano ang standard mo sa panlasa ng steak kasi okay naman siya para sa akin. Third, kahit mag dil-dil lang tayo ng asin basta kasama kita hindi ako aangal."

Ilang minuto na ang lumipas ay nakatitig lang sa kanya ang binata. Naiilang tuloy siya.

"So pwede ko na bang kainin ang niluto mo?" Tanong niya sa kaharap.

"Halika ka nga dito." Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito pero tumayo na lang siya at lumapit rito para walang gulo, topakin pa naman ang nilalang na ito.

"Sit here.'' Luvdix tap his lap. Parang maamong tupa na sumunod naman siya. Napangiti siya ng yakapin siya nito.

"I don't know what I did before to deserve and have someone like you in my life Ivanie now." Grabe kinilig siya sa narinig, buti na lang at nakasubsob ang kanyang mukha sa leeg nito hindi nito nakita ang kanyang mukha.

"Kain na tayo." Hinarap niya na ang lalake, nakasampa na ang kanyang kamay sa leeg nito.

"Sige pero may spare food naman ako sa ref, hindi din kasi ako confidence sa niluto ko." She chuckled.

"Amm..my half." Tawag ko ng akmang kukunin na nito ang pagkain na sinasabi nito na nasa ref.

"Oh?"

"A-ah mag sisimba ako mamaya, sama ka?" Natigilan ito. "Pero okay lang kung ayaw mo...''

"Sama ko." Napa sigaw na lang siya ng yes. This would be the first time that they are going to go to church together. Lagi kasi siya nitong hinihindian noon eh.


My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now