19

17.1K 304 8
                                    

Ivanie's POV

Naalimpungatan siya ng tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang orasan sa side table at bahagya siyang nainis ng makitang alas tres pa lang ng madaling araw.

Sino bang ponsyo pilato ang tatawag sa ganitong oras?!

Pero tuluyan na siyang nagising ng biglang pumasok sa kanyang isipan si Luvdix. Wala naman kasing ibang tumatawag sa cellphone niya kung hindi ito lamang.

"M-my half." Bungad niya kagad. Nawala talaga ang antok niya lalo na't ng i-check niya sa screen ay si Luvdix nga iyon.

"I-I'm s-sorry n-nagising na naman kita.." Napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa biglang niyang pagbangon ay nahilo siya kaya muli siya bumalik sa pagkakahiga.

"Hey ano ang problema?" Nag aalalang tanong niya rito. Malungkot ang boses nito at duda siyang baka nag kasagutan na naman sila ng ama nito.

"Can you go outside? I'm here." Walang pag aalinlangan na lumabas siya. Kulang na lang mag super sayan siya para mapuntahan agad ang binata sa labas.

"Aray!" Pero bago iyon ay nauntog pa siya dahil nakalimutan niyang yumuko paglabas ng pintuan nila. Ni hindi na nga siya nakapag ayos pa at wala pa siyang pangyapak na suot.

Agad niyang nakita ang sasakyan nito kaya agad siyang pumasok.

"My half ano'ng problema?" Agad niyang hinawakan ang mukha nito. Ewan niya ba, ayaw na ayaw niya itong nalulungkot. Nakita niyang titig na titig ito sa kanya kaya na conscious tuloy siya dahil alam niyang gulo-gulo pa ang kanyang buhok.

"A-ano..Bakit..teka anong problema my half?" Natataranta niyang saad. Bakit ang gwapo nito kahit may problema?

"It was just so frustrating my half." Saad nito at yumokyok pa sa manibela.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang problema my half." Pag e-encourage niya rito.

"Can you go with me? I want to talk it somewhere." Saad nito kaya tumango na lang siya at ng pinaandar nito ang sasakyan ay isinandig na niya ang kanyang ulo sa headrest. Inaantok pa talaga siya at kahit anong laban niya sa antok niya ay hindi na niya nakayanan.

"My half..." Narinig niya ang pag tawag ni Luvdix pero dahil inaantok pa siya ay hindi niya iminulat ang kanyang mata. Bakit parang ang bilis naman nitong nakarating sa kinaroroonan nila? O super nakatulog lang talaga siya?

"Hey..Ivanie we are here...C'mon wake up na." Naramdaman niyang bahagyang pagtapik nito sa pisngi niya. Nasa labas na ito ng passenger seat at nakabukas na pala ang pinto doon. Kahit lutang pa ang pag-iisip niya ay inabot niya ang kamay nito at nakapikit siya habang naglalakad. Super antok pa talaga siya.

"Pumila na lang po kayo ng maayos Sir Ma'am." Nagtataka siya kung bakit may ibang boses siyang narinig kaya iminulat niya ang kanyang mga mata at ganuon na lang ang hindak niya.

"Anong ginagawa natin dito?!" Gulantang na tanong niya kay Luvdix na noon ay nakangiti, teka akala niya ba at may problema ito at ano ang ginagawa nila doon sa lugar na iyon. Pero sa halip na sumagot ay tinulak lang siya nito at biglang may machine na doon siya dumaan at kinapkapan siya ng guard.

"Hoy?! Ano ang ginagawa natin dito? Sino ng susunduin natin?" Pangungulit niya at takte wala siyang tsinelas kaya pala ang lamig sa paa. Nahihiya na siya sa mga tingin ng mga tao lalo na at nakapangtulog pa siya, butas pa nga ang t-shirt niya eh.

"We'll be going out of country my half. Surprise!" Habang ang mukha ni Luvdix ay tuwang-tuwa at excited, siya naman ay nakanga-nga lang.

"NABABALIW KA NA BA? HINDI KO DALA ANG PASSPORT KO AT WALA AKONG DAMIT NA DALA. TINGNAN MO ANG SUOT KO! NAMAN LUVDIX WALA AKONG PERA AT NAKAYAPAK LANG AKO AT BUTAS PA ANG T-SHIRT KO!" Ng makahuma at mag absorb ng kanyang isipan ang sinabi nito ay wala na siyang paki kung nasigawan na niya ang binata dahil sobra ang  shock niya. Biruin niyo yun parang kakabangon niya lang sa kama at sumakay sa kotse nito at ngayon ay sasabihin nito na mag aa--out of the country sila.

"Don't worry everything was settle my half....Here nandito na ang lahat ng kailangan mo." Napatingin siya sa bag na hawak nito at ng buksan niya iyon ay puro gamit niya ang laman. Nagtatakang napatingin siya rito.

"Nagpatulong ako sa Mama mo. Sige na mag bihis ka na don mag hihintay ako dito." Parang wala pa din siya sa sarili habang naglalakad papunta sa comfort room at ng makita niya ang sarili sa salamin ay parang gusto niyang suntokin iyon.

Gulo-gulo ang kanyang buhok.

May muta pa siya.

May bakas pa ng banig ang kanyang mukha.

"HAY KUNG HINDI LANG KITA MAHAL AY NASAKAL NA KITA LUVDIX KLEIN!" Inis niya saad buti na langa y mag isa siya roon.

Nag desisyon na siyang pumasok sa isa sa mga cubicle doon para mag bihis at nag toothbrush din siya dahil may morning breath pa siya. Grabe parang lutang pa din ang pakiramdam niya.

"Are you okay?" Sinalubong siya ni Luvdix at may dalang pagkain ang binata. Tumango na lang siya. "Hey wag ka ng magalit my half..gusto ko lang talaga na isurprise ka." Tango ulit ang sagot niya.

"Here mag coffee ka muna para mahimasmasan ka." Tinanggap naman niya iyon at inakay siya nito sa isa sa mga upuan doon. "Mga 4:30 pa ang flight natin kaya pwede pa tayong mag breakfast." Patuloy pa din nito habang siya ay ininom na lang niya ang kape na ibinigay nito.

"We will be going in Thailand my half." Naibuga niya ang ang kape wala sa oras, buti na lang at hindi siya nakaharap dito.

"Ano?! Anong gagawin natin doon?" Nahihindak na tanong niya. Pero hindi ito sumagot sa halip ay niligpit na nito ang cup na hawak-hawak nito at biglang hinawakan ang kanyang kamay.

"Tara na at baka maiwan pa tayo." Napatayo na lang siya at nag simula na silang maglakad.

"Bakit doon? Ano ang gagawin natin doon?"

"Sasakay ng Elephante My half." Nahihintakutan na napatingin siya sa binata kung nag jojoke ba ito o kung ano.

"Don't give me that kind of look dahil sasakay talaga tayo." Umiling-iling siya pero tumango-tango naman ang binata.

"There's no turning back my half...There's no turning back." Paulit-ulit na nag echo iyon sa kanyang  pag-iisip hanggang tuluyan na silang nakapag check in.

Elephante? Juicecolored!

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now