33

20.5K 338 71
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula ng ganapin ang birthday ni Miles. Pinindot ni Ivanie ang buttom ng makasakay ng Elevator. She's nervous but she wanted to do this, this maybe will make her happy again. Ng bumukas muli ang elevator ay lumabas na siya doon at sinumulang tunguhin ang unit na madalas niyang puntahan noon.

Nag breath in at breath out siya. Kaya mo ito Ivanie. She press the buzzer. Rinig niya ang mabilis na tibok ng puso niya.

"M-my my half." Gulat na saad ni Luvdix ng mapagbuksan siya ng pinto. Tila hindi pa ito makapaniwala na nasa harapan siya nito.

"Hi." Kiming ngumiti siya. "Pwede ba akong pumasok?" Tanong niya sa lalake na noon ay para bang natulala na ewan.

"S-sure...halika pasok ka." Ng sa wakas ay matauhan si Luvdix. She step in. Tama nga siya ng kalkula sa ganitong oras ay tulog pa din ang lalake at halatang kagigising lang nito. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata na bahagyang pag ayos nito sa sariling buhok.

Hindi na niya hinintay na imbitahin siya na umupo dahil nag kusa na siyang umupo sabay libot ng kanyang mga mata sa paligid. Kalat!

"Can I fix myself first Ivanie?" Mukhang nag aalangan na paalam nito sa kanya. Can you also fix me? Nais niya din sanang itanong din rito pero iba ang lumabas sa kanyang bibig.

"Sure.'' Mabilis namang tumalima ang lalake patungo sa sarili nitong kwarto at naiwan siya napaisip bigla. Actually kanina pa na nangangati ang kanyang kamay na linisin ang unit ni Luvdix. Hindi na siya nakatiis at niligpit ang mga kalat ni Luvdix at inayos ang mga gamit na nakasalansa. She even cook breakfast for him.

Nakarinig siya ng yabag kaya napaharap siya. She saw Luvdix looking so fresh. Tumutulo pa ang buhok nito.

"Nilinis mo?" Tanging natanong ni Luvdix sa kanya at marahan siyang tumango.

"Kumain ka na." Nag aalalangan na tumingin ito sa kanya pero sa huli ay umupo na ito sa mesa. Magana itong kumain na para bang ngayon lang ito nakakain ng fried egg and bacon. Ng nasa kalagitnaan na ito ng pagkain ay bigla ito nag angat ng mukha.

"Teka, ikaw kumain ka na ba?" Natawa siya bigla. Halos paubos na nito ang breakfast nito at noon lang siya nito naalala. "S-Sorry." Paumanhin nito.

"Dont worry tapos na ako." Tumango naman ito at tinapos na nito ang kinakain. She was just staring him at tila naman naiilang na ito kaya tinigilan na niya ang pang aasar rito. Tumayo siya para pumunta sana sa sofa ng bigla siyang pigilan ni Luvdix.

"W-wag kang umalis." Napatingin siya sa kamay nito na nasa kamay niya. Muling bumalik ang tingin niya sa mukha ni Luvdix na noon ay mababanaad ang takot. Takot para saan?

"Huh? Hindi naman ako aalis eh. Sa sala muna sana ako." Saad niya. Nag bago ang bukas ng mukha ni Luvdix na tila ba'y nakahinga sa maluwang sa kanyang sinabi.

"O-okay." Narinig niyang saad nito na halos pabulong lamang.

"A-ah pwede mo ng bitawan ang kamay ko para makapunta na ako doon." Natauhan naman si Luvdix at binitiwan naman kaagad nito ang kamay niya. Tumungo na siya sa sala pero hindi niya napigilan na mapangiti ng palihim.

Marahan na umupo siya sa sofa at nagawi ang tingin niya sa mini table ni Luvdix. Inabot niya ang isang picture frame. Thailand Days. Sino mag aakala na magkakagulo sila matapos nilang mag Thailand. Akala niya wala ng katapusan ang kasayahan niya, yun pala pinatikim lamang siya.

Ibinalik na niya ang frame kung saan ito nakalagay tsaka naman dumating si Luvdix. Umupo ito sa kaharap niyang upuan.

"Alam ko na nag tataka kung bakit ako nandito.." Panimula niya. Tinatagan niya ng mabuti ang kanyang loob para sabihin ang nais niya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Luvdix. Nandito ako para sabihin sayo na kung...kung pwede pa ba natin subukan ulit?" Nakita niya kung paano napaawang ang labi ni Luvdix. Tila may dumaan na anghel dahil binalot ng katahimikan ang unit ni Luvdix.

Habang binabalot sila katahimikan ay tila naman ay may nagrarambulan sa dibdib niya sa kaba kung ano ang maaaring maging sagot ni Luvdix. Wether it will be broke her heart again or will fix her broken heart.

Tila nawalan na siya ng pag-asa ng hindi pa din ito sumasagot.

"Well m-mukhang nahihirapan kang sagutin, sa tingin ko ay babalik na lang ako o tawagan mo na lang ako kung ano ang magiging kasagutan mo." She decided to leave kesa naman makita siya nitong umiiyak na naman.

"Wait." Natigilan siya ng marinig ang boses nito. Hindi na siya nag abala na muli pang humarap, hihintayin niya na lamang ang magiging sagot nito. Pero parang alam na niya ang posibilidad na magiging sagot nito. Kasi naman eh umaasa pa din siya, pero At least nakatalikod siya kapag sinabi nito na I'm sorry, I can't so mag wa-walk out na lang siya ng mabilis. Oo ganun kadali tapos sasakay siya ng jeep pauwi...

Nawala siya sa huwestyon na pag iisip kung ano ang maaring magaganap ng maramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. Nakalagay ang isang braso nito sa leeg niya habang ang isa ay sa bewang.

Grabe na ang lakas ng tibok ng puso niya. Miss na miss na niya talaga ang binata. Kahit na nakikita niya naman ito sa school pero hindi pa din maalis sa puso niya ang lalakeng ito. Heaven knows how she tried but she always end up of hurting herself.

"Hindi ko talaga alam kung ano ang meron ako kung bakit kahit sinaktan na kita ay bumabalik ka pa din sa akin. Wala akong excuse sa mga ginawa ko at aaminin ko na Mali ako. Panghabang buhay ko siguro iyong pag sisihan....Oh gad this past few days na alam kung hindi ka na akin ay para na akong mamamatay. Mahal na kita Ivanie."

Uminit bigla ang kanyang mata. Walang kasing sarap pakingan na mahal ka ng taong mahal mo.

"Kalimutan na natin ang lahat. Let's move on my half ang importante ay we are back to each other again. Mahal na mahal kita na kahit ano pa ang kasalanan mo ay hindi pa din mawawala ang pag mamamahal ko sayo, ni hindi nga man lang nabawasan eh. I choose you, I'll choose you over and over and over again. Without pause, without doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing you my half. "

"Gad I almost lost you, I almost lost you. Thank you, thank you so much my half for giving me a chanc again. I was about to court you again pero binibigyan pa muna kita ng space..."

"I love you." And she claimed his lips noong una ay halatang nabigla ang binata pero sa huli ang tumugon din ito.

"Tayo na ulit my half?" He asked.

"Oo, wala eh ang lakas talaga ng tama ko saiyo eh." Natatawa niyang sagot habang bahagyang lumayo.

"Halika nga dito. Namiss talaga kita, pakiramdam ko napilayan ako ng mawala ka sa akin."

And then he just melt her heart.

***

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now