25

18.9K 422 39
                                    

Habang naglalakad siya patungo sa unit ni Luvdix ay hindi niya mawari kung bakit siya kinakabahan. Hindi siya tanga para hindi maramdaman na may mali. At ang matalinhaga na saad ni Miyu sa kanya at ang kanyang narinig sa comfort room at ang pagbabago ng ugali ni Luvdix.

She's praying na sana mali ang kanyang iniisip. Hindi niya kakayanin kung totoo man iyon. Someone texted her na pumunta siya sa unit ni Luvdix kaya pumunta kaagad siya.

Nanginginig na tinatap niya ang code ni Luvdix pero ng akmang last code na ang kanyang itatap ay may pumigil sa kanyang kamay. Napatingin siya doon at nagulat siyang si Karl iyon.

"W-wala si L-Luvdix jan." Pero binuksan na niya ang pinto at napaiyak siya ng may makitang mga damit na nagkalat doon. Hindi siya tanga para hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin noon.

"L-look its not what you think. Luvdix is not here. I'm with someone..." Natigilan siya.

"Anong ibig mong sabihin?" Pakiramdam niya ay umatras ang kanyang luha.

"H-hindi ....Mali ang iniisip mo. I'm with someone." Natigil ang luha niya.

"Anong ibig mong sabihin? Si Miyu ang nasa loob?" Tanong niya.

"O-oo." Marahan niyang pinahid ang luha. Mali naman pala ang kanyang iniisip eh. Gusto niyang tuktukin ang ulo niya para mag isip ng masama kina Candice at Luvdix.

"O-okay. Naiintindihan ko. Hindi ko kasi natawagan si Luvdix eh...ano ba yan napaiyak pa ako. Sige na Karl at aalis na ako." Tumalikod na siya at sumakay sa Elevator. Pinindot niya ang ground floor.

----

Napabuga na lang ng hangin si Karl. Tinext ba naman ni Miyu si Ivanie na pumunta ito sa unit ni Luvdix. Alam niyang mali ang pagtakpan ang kagaguhan na ginagawa ng kanyang kaibigan pero naawa siya para kay Ivanie. Naawa siya na kapag nalaman nito na tinraydor siya ng dalawang taong importante sa kanya na nasa loob ngayon ng unit na ito.

Alam niyang walang sekreto na hindi nabubunyag at natatakot siya para sa kanyang kaibigan. Paano kung pagsisihan nito ang ginawa? Paano kung maling desisyon pala ang pinili nito?

-----

Habang sa loob ng unit.

Alam niyang parehas silang nakakaramdam ngayon ng guilt ni Candice pero mahal nila ang isa't-isa. Oo nakaramdam siya ng espesyal din sa kanya si Ivanie pero ng muli niyang makita si Candice ay tila bumalik lahat ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Tulog  na ang dalaga ngayon. He was about to stand up ng matigilan siya ng makita si Ivanie sa bukana ng pinto at umiiyak. Pakiramdam niya ay itinulos siya sa kinauupuan ng makita ang itsura nito.

"B-Bakit Luvdix?" Garalgal na tanong nito.

"I-Ivanie.."

"I trusted you...."Tila hirap na hirap na saad ni Ivanie. Doon naman nagising si Candice at nanlaki din ang mata nito ng makita si Ivanie.

"I-Ivanie." Nasabi na lang ni Candice habang tinatakpan ang sariling katawan. "I-Ivanie patawarin mo ako..."

----

Ivanie's POV

Hindi siyang tuluyan na umalis dahil alam niyang may mali. Muling siyang umakyat patungo sa unit ni Luvdix at chineck kung nandoon pa ba si Karl. Ng makita niyang wala na doon ito ay muling niyang sinubukan na buksan ang unit ni Luvdix.

Habang dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa kwarto ni Luvdix ay piping hiniling niya na sana mali ang nasa kanyang isipan pero hindi siya pinagbigyan ng tadhana dahil ang dalawang taong mahalaga sa kanya ay hubad na nakahiga sa kama.

"B-Bakit Luvdix?" Garalgal na tanong niya sa binata. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon at gusto niyang murahin ang mga ito. Gusto niyang saktan ang mga ito para maramdaman nila kung gaano kasakit ang ginawa nila sa kaniya.

"I-Ivanie.."

"I trusted you...."Tila hirap na hirap na saad ni Ivanie. Doon naman nagising si Candice at nanlaki din ang mata nito ng makita si Ivanie.

"I-Ivanie." Nasabi na lang ni Candice habang tinatakpan ang sariling katawan. "I-Ivanie patawarin mo ako..." Mariin niyang tinitigan ang kaibigan. Hindi niya akalain na kaya pala siyang traydurin nito.Itinuring niya itong kapatid pero nakakatawa lang.

"Nakakadiri kayo!" Nakita niyang nasaktan si Luvdix sa kanyang sinabi pati na si Candice. Halos manlabo na ang kanyang mga mata dahil sa luha niya, gusto na niyang umalis doon pero parang wala siyang lakas na maglakad palayo sa lugar na iyon. Napa-upo siya sa sahig at panay ang iyak niya.

"UMALIS KA NA IVANIE!" Natigilan siya ng marinig ang boses ni Luvdix. "WAG MO NG SAKTAN ANG SARILI MO..."Napaawang siya. "HINDI KITA MINAHAL. GINAMIT LANG KITA. ANO MASAYA KA NA?" Hindi makapaniwalang napatingin siya sa binata. Parang hindi na ito ang taong minahal niya.

 "DAPAT MATAGAL NA KAMI NI CANDICE PERO DAHIL SAYO KAYA HINDI NAGING KAMI NOON. NAGPARAYA SIYA DAHIL SAYO. DAHIL MAKASARILI KA!" Umiling-iling siya.

"KELAN BA KITA SINABIHAN NG MAHAL KITA? DIBA HINDI MO NARINIG SA AKIN ANG SALITANG IYON? KASI HINDI KITA MINAHAL." Patuloy na saad nito. "ANG TANGA MO KASI EH. GINAMIT LANG NAMAN KITA! NGAYONG WALA KA NG SILBI SA AKIN AY SANA UMALIS KA NA SA BUHAY KO."

"PAANO BA AKONG MAGKAKAGUSTO SA ISANG TULAD MO? PANGIT KA AT MAHIRAP. BUTI NGA AT MAY UTAK KA NAPAKINABANGAN KO PA KASO BOBO KA DIN PALA." Para siyang pinagsasampal ni Luvdix sa sinasabi nito ngayon. Halos hindi na siya makahinga sa naririnig rito.

"ANO WALA KANG SASABIHIN? MAG SALITA KA?!" Umiling siya.

"I-I hope someday I'll wake up on this nightmare that you gave to me. Pero thank you....thank you dahil kahit papaano naramdaman ko na may halaga din ako sa iyo noon. Alam ko..hindi ako bingi at bulag para hindi makita at malaman ang mga pinaggagawa mo sa likod ko Luvdix. Alam ko din na ginagamit mo lang ako at na si Candice ang mahal mo. A-alam ko ang lahat pero alam mo yun nag bulagan ako...kasi mahal na mahal kita Luvdix. K-Kung kasalanan ko man lahat patawarin mo ako kasi nagmahal lang ako."

Marahan siyang tumayo sa pagkakasalpak sa sahig. Nakita niyang natigilan ang dalawa.

"I knew it from the start Luvdix pero sumugal ako. Mahal na mahal kita eh. Alam mo when we are in love we tend to believe kahit na harap-harapan nang nagsisinungaling....Pero talo yata ako. Congrats Candice finally you got him. Don't worry hindi ko kayo guguluhin at tinatapos ko na ang pagkakaibigan natin." Mabilis na siyang naglakad palabas ng unit ni Luvdix.

Ang sakit!

Kasalanan ko ang lahat. Alam ko naman sa simulat sapul na ginagamit niya lang ako kaya ito ako ngayon nasasaktan. Alam ko ang mga pambabae niya at ang pagbangit niya sa pangalan ni Candice tuwing tulog siya o lasing noon. Pikit mata akong nagpanggap na hindi ko alam ang lahat. Pero ang sakit pala kasi umasa ako na baka pwede na lang ako ang mahalin niya. Pero hindi pala...

Kanina pa ring ng ring ang phone niya at hindi niya sana sasagutin ng sunod-sunod ang text na natangap niya.

Muling may tumawag ulit.

Bakit tumatawag si Aleng Choleng? Kapit bahay nila ito.

"H-Hello." Pinilit niyang inayos ang kanyang boses at wag ipahalata na umiiyak siya.

"I-Ivanie.."

"Bakit po kayo napatawag Aleng choleng?' Takang tanong niya. Pinilit niyang wag ipahalata na umiiyak sya.

"I-ivanie...w-wag kang m-mabibigla......Iha p-patay na si Slyva. Inatake sa puso ang nanay mo kanina." Nabitawan niya ang kanya cellphone.

Hindi.... nagbibiro lang si Aleng Choleng at tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman.

My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now