1

29K 456 10
                                    

Halata sa itsura ni Luvdix ang sobrang inis at kabado. Paano ba naman, alam naman ni Ivanie na pasahan na ng Thesis at wala pa din ngayon. Makakatikim talaga ang babae na iyon.

"Pre wala pa din ba?" Alam niya na kinakabahan na ang group mate slash kaibigan niya na si Miles. Kung hindi magpapakita ngayon si Ivanie ay tumatagktak na singko ang magiging grade nila. Patay sila sa parents nila pag nagkataon. Though he doesn't care about his grade and even his Dad pero ibang usapan kasi kung sa kaibigan niya.

"Damn. Humanda lang sa akin ang babae na iyon kapag hindi niya dinala ang pinagawa ko sa kanya." Sa likod ng kanyang utak ay nais na niyang sakalin si Ivanie. Alam naman nito na ayaw niya sa lahat ay yung pinaghihintay siya ng matagal. He hates waiting for something that isn't going to happen.  Napabuga na lang si Luvdix. 

"W-wait s-si Ivanie na yata yun oh." Biglang saad ni Karl na isa din sa  kaibigan niya. Nanghaba kaagad ang leeg nila sa kakahanap kay Ivanie. Nakita niya na tumatakbo ito patungo sa kanila.

"P-pasensya na kayo at l-late ako. W-wala kasi a-kong masakyan e-eh." Hingal na hingal ito at pawis na pawis dahilan siguro ng pagtakbo. Agad na kinuha ni Luvdix ang hawak-hawak ng dalaga sabay pasok sa loob ng room. Wala man lang siyang pasalamat sa dalaga na gumawa ng Thesis nila.

Nakahinga ng maluwang si Luvdix ng tanggapin pa iyon ng proffesor nila. Dinaan-daan na lang niya sa pa cute ang proffesor nilang bakla kahit nasusuka na siya. No offense sa mga bakla dahil may mga kamag-anak din naman siyang bakla pero ang isang iyun napaka na lang.

"Woah...buti na lang tinanggap pa." Si Miles na parang nabunutan ng tinik.

"Uy...Luvdix sorry na oh. W-wala lang talaga akong m-masakyan eh." Paliwanag ni Ivanie ng lagpasan niya ang dalaga. Sa totoo lang jinowa niya lang ang babae dahil may pakinabang ang utak nito dahil sa totoo lang wala itong ka appeal-appeal. Nothing special to her at never niya talaga itong pinag-interesan. Why settled for less? Ang daming magagandang babae ang nag hahabol sa kanya at tatiyagaan niya lang ang isang ito. Napakalaking tanga niya pag-nag kataon.

"Bakit kasi hindi ka gumising ng maaga para hindi ka ma late. Alam mo naman na pasahan ng Thesis ngayon diba?! Ano gusto mo talaga akong bumagsak no? Para makaganti ka!" Inis na bulyaw niya sa dalaga. Nahuli kasi nito na nang babae siya,asa naman itong si Ivanie na magiging faithfull siya. Ilang beses na yata siyang nahuli nito na may kasamang babae pero sa huli ay napapatawad pa din siya nito. Ganuon kabaliw ang Ivanie na ito sa kanya. Sa anong dahilan nandidiri siya na tingnan ito. 

"H-hindi...w-wala na sa akin yun Luvdix." Agad na umiling ang inosente dalaga.

"Okay wala na akong pake-alam sa explanayon mo. Basta ang term paper gawin mo na din. Wag mo akong galitin kung gusto mong maging okay tayo Ivanie. Kilala mo ako." Banta niya rito. Ganuon niya lang naman napapaikot ang dalaga eh, as simple as that. Tatakutin sabay tsaran magkukumahog na ito. 

"O-Oo gagawin ko yun." Hindi niya pinakita na napangiti siya. Isang taon na lang at hihiwalayan na niya ang babae, sakto pag kagraduate niya ay wala ng silbi ito para sa kanya. He seriously doesn't care about this plain girl.

"Good." Hinalikan niya ang noo nito at agad naman itong namula. Ganuon lang ang dalaga konting lambing ay okay na. Nakita niya din ang pag ngisi nila Miles at Karl. Alam din nila kung paano mapapasunod kaagad ang babae.  

Sabagay, alam naman ng buong University kung ano siya kay Ivanie. Tanging ang gagang Ivanie lang ang hindi nakaka-alam.

"Ang galing mo talaga Ivanie. Salamat." Si Miles habang ngumiti lang si Ivanie.

"Ang mabuti pa ay ilibre natin si Ivanie...tara kain tayo." Si Karl. Muntik na niyang masuntok ito, gusto na nga niyang umalis eh. Nag hihintay pa sa kanya si Bianca, isa sa mga babae niya.

"Ano? Diba pare may gagawin pa tayo?" Pinanlakihan niya ng mata si Karl. Mukhang nakuha naman kaagad nito ang mensahe na ipinapadala niya.

"Ay oo nga pala...ano na lang, sa susunod Ivanie." Palusot nito.

"Okay lang Karl, walang problema." Ngumiti ulit si Ivanie.

"Sige na aalis na kami. Yung term paper ah." Tumango naman si Ivanie at iniwan na niya ito. Nakasunod ang dalawa niyang kabigan habang nag lalakad sila palayo sa dalaga.

"Pre ang swerte mo dahil may girlfriend ka na tulad ni Ivanie. Ayusin mo kaya ang trato sa kanya." Si Karl.

"Hindi pa ako nababaliw." Sagot ni Luvdix. Napailing na lang ang dalawa, sa isip-isip ng dalawa ay ang gago ni Luvdix para lokohin si Ivanie, ano pa ba ang hahanapin nito sa babae eh parang na kay Ivanie na ang lahat yun nga lang may pagka-manang ang babae. Pero kung labanan sa utak, matalino si Ivanie kaso bobo lang talaga pag dating kay Luvdix. Ganun talaga siguro, kapag matalino ay bobo sa pag ibig.

 "Saan pala tayo papunta Luvdix?" Tanong ni Miles.

"I wanna get laid." Balewalang sagot ni Luvdix na parang isang normal na salita lang ang sinabi.

"Gago ka talaga Luvdix." Si Karl.

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Kawawa naman ang girlfriend mo." Si Karl ang medyo matino sa kanilang tatlo at parating nanernermon sa kanya tungkol kay Ivanie pero wala din naman itong magagawa eh.

"Tsk. Bat naman kawawa? Kawawa siya kung physical ko siyang sinasaktan and she'll never find out. You know last night, I met this girl. Her name is Bianca and she's f*cking sexy." Tila nasa langit na wika ni Luvdix.

"Pre karma mo lang." Pasukong saad na lang ni Karl sa kabigan.

-----

Nasundan na lang ng tingin ni Ivanie ang boyfriend habang papalayo kasama ang dalawang kaibigan. Alam niyang badtrip ang binata sa kanya dahil late siya. Kagabi kasi ay may handaan sa bahay nila Tita Rinda kaya puyat siya dahil tinulungan niya ang kanyang Mama.

Pasamalat siya na umabot ang papers nila Luvdix kung hindi ay yari siya sa binata. Pero kahit napaka moody at sungit ng lalakeng iyon ay mahal niya pa din.

"Uy Ivanie." Napalinga siya sa paligid ng hanapin ang tumawag sa kanya.

"Alex." Tawag niya rito. Kaklase niya ang binata sa humanities.

"Hind ka pumasok kanina, may quiz at activity pa naman."

"Late na kasi ako pumasok eh." Alam niyang may quiz sila pero mas inuna niya kasi ang papers nila Luvdix.

"Sayang...sige." Umalis na ang lalake. Inayos niya na lang ang salamin  sa mata at nag simula ng maglakad sa next class.  Pero wala siyang kaalam-alam sa katarantaduhang ginagawa ngayon ng boyfriend.


My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now