44

20.8K 414 15
                                    

"My half let's talk."

Malamang nagulat ako. Pero pinatigas ko ang anyo ko, sa tingin ko masyado na akong kilala ni Luvdix. Alam niya kung kelan ako titiklop pero kailangan kong labanan ang sarili ko.

"Look Mr. Klein sa tingin ko wala tayong dapat pag-usapa. Sige na mauna na ako sayo,tutulungan ko pa si Miyu." Akmang aalis ng pigilan ako ni Luvdix.

"Wait..." Napatingin ako sa kamay nito na nakahawak sa bisig ko at ibinalik ulit ang tingin ko sa kanya.

"BITAWAN.MO.AKO." Malamig kong saad.

"Woah.Okay." Sabay taas ng dalawang kamay nito.

"What do you want to talk?" Nakita ko na naging uneasy agad ang binata.

"I miss you."

"Oh talaga?" Mukhang na frustrate ito sa sinabi ko dahil napahawak agad ito sa sariling buhok.

Pero nagulat ako sa susunod na ginawa nito. Basta na lang akong niyakap ng mahigpit.

"Damn it Luvdix!...bitawan mo ako!Ano ba!!" Panay ang tulak ko rito pero parang bakal ang mga kamay ni Luvdix na nakayakap sa katawan ko.

"P-please kahit saglit lang My half. I miss you so much. A-akala ko hindi ko na magagawa ito." I heard his voice cracked. But I smirk. Sa tingin yata ng gago na to mauuto na naman niya ako.

Naiinip na hinintay ko na matapos ang yakap-yakap mode niya. I hate him. Bakit kailangan niya pang imarte ng ganito? Hindi pa ba sapat ang sakit na ipinaramdam niya sa akin dati?

Ng maramdaman yata nito na hindi na ako pumapalag ay mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin. I just rolled my eyes. Nakakaasar!

"Ang tagal huh! Nangangawit na ang paa ko." Angal ko sabay padyak-padyak sa nangangawit kong paa. Binitawan niya na din ako sa wakas.

"Ivanie...I love you. I still love you." Nagpantig yata ang tenga ko sa narinig at mabilis ko siyang nasampal. Mali siya ng napiling salita dahil biglang may bumuhay sa galit ko dito sa puso ko.

"Liar! Ang KAPAL din talaga ng mukha mo Luvdix no?!" Nanggigil kung saad. Wala akong pakialam sa namumula na ngayong pisngi ni Luvdix. Kulang pa yan! "Ano bang tingin mo sa akin? Tanga? Boba? Ay oo nga naman pala, kasi nga tanga pala ako at boba noon sayo no? Pero putangna naman Luvdix ganun na ba talaga ang tingin mo sa akin para maniwala pa sa sasabihin mo ngayon?" Nanginginig ako sa sobrang galit.

"I-ivanie." Nakita ko na namumula na din ang mga mata ni Luvdix.

"Kulang pa ba talaga Luvdix?" Ng hindi ito sumagot ay itinulak ko ang dibdib niya. "Putangna sumagot ka! Nakulangan ka ba sa sakit na ipinadanas mo sa akin na hanggang ngayon ay gusto mo pa din akong saktan?!" Yumuko lang si Luvdix.

"M-minahal kita Luvdix. Ilang beses akong nagpatawad, pero anong ginawa mo?! Ilang beses akong nagmakaawa sayo na pakinggan mo ako. Ilang beses Luvdix! at ito ka ngayon walang kaabog-abog na sasabihin na mahal mo ako. Gago ka! Hindi mo sisirain ang taong mahal mo Luvdix. Hindi ka marunong mag mahal. Sarili mo lang ang palagi mong iniisip! Wala kang kwenta!" Hindi ko na napigilan ang pag iyak sabay sapo sa mukha ko. Hindi niya dapat akong makitang umiiyak pero wala eh. Hayup!

"Ivanie..."

"Bakit Luvdix? Bakit ang bilis mo akong bitawan noon? Bakit napakahirap sayo na paniwalaan ako? Ikaw? Ilang beses mo akong niloko pero ilang beses din naman akong nagpatawad sayo ah..." Huminga ako ng malalim at pinahid ang mga luha ko. "Mahal mo ako huh?! Nah baliw na siguro ako kung paniniwalaan kita. Never na akong maniniwala pa sa sasabihin mo Luvdix tandaan mo yan at kahit nagsasabi ka pa ng totoo never pa din kitang paniniwalaan." Mabilis akong sumakay sa elevator at pinindot ang close button. Napangiti ako in the same time naiiyak. Parang nabunutan kasi ako ng tinik. Para nailabas ko ang galit ko na kinimikim ko sa loob ng limang taon.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon