46

20.6K 364 8
                                    


"Layla..hey babe!" Natigilan ako bigla at napatingin ako sa mukha ni Carrick. Bahagya itong sumimangot. "Daya mo naman. Kasama nga kita pero parang ang layo mo naman. Limang beses ko pa dapat tawagin ang pangalan mo bago ko makuha ang attention mo." Nagtatampong saad nito.

"Sorry Bacon, wait yan na ba ang mga napili mo?" Tanong ko sa damit na kinuha nito sa mga rack. Ang isang mens wear na iyon ay isa sa mga brand na minomodel ni Carrick kaya hindi nakakapagtaka na ang mukha nito ay nasa wall ng botique na iyon.

"Why are you spacing out?" Takang tanong nito sa akin.

"May naalala ako bigla. Tara sukatin mo na 'to..pero feeling ko naman ay kasya na sayo ang mga iyan eh." Pang-iiba ko. Mukhang na divert naman ang isipan.

"Sukatin ko na. Para makapag model ako sa harap mo." I rolled my eyes and Carrick walk inside the change room. Umupo ako at hinintay ang paglabas ni Bacon ng muli na naman akong lamunin sa mga sinabi ni Luvdix sa akin one week ago.

"Liar. Kung mahal mo ako hindi mo ako basta-basta hihiwalayan Luvdix. Tell me ilang beses mo ba akong niloko? Ilang beses din naman akong nagpatawad diba? Kasi mahal kita at handa ako magpatawad kahit mali man. Pero ngayon sasabihin mong mahal mo ako? Impossible Luvdix. Siguro naiingit ka lang kasi okay na ako ngayon kaya may balak ka na naman saktan ako. Hindi ka ba napapagod na saktan ako? Kasi ako pagod na pagod na." Naiiyak na naman ako. Bakit ba patuloy niyang ginugulo ang mundo ko!

"Oo naiinggit ako sayo dahil sa loob ng limang taon parang okay lang sayo na wala na ako sa buhay mo, while me? I'm fighting with my life." Natigilan ako. Gusto ko sana siyang murahin. Sa tingin niya ba ganun kadali sa akin iyon? Madali ba ang gabi-gabi na mugto ang mga mata ko sa kakaiiyak?!

"I'm dying Ivanie." Napaawang ako.

"Is this kind of joke or trick para makuha mo na naman ako?!" Gigil kung tanong.

"Sana nga Ivanie... Sana nga."

"Ano ang ibig mong sabihin?!" Kinakabahan kong tanong.

"Hey I'm just kidding!Hindi pa ako mamamatay." Natatawang saad nito sa akin. Naikuyom ko ang kamao ko baka mapatay ko siya ngayon. Seryosong usapan tapos biglang mag-jojoke!

"Alam mo Luvdix pinatunayan mo lang talaga na dapat hindi ko na paniwalaan ang bawat salita na lumalabas jan sa bibig mo!" Asar na asar kong saad sabay talikod. Nahawakan ko na ang doorknob ng muli itong magsalita.

"Almost Ivanie...Almost. I'm a cancer survivor." Natigilan na naman ako at hindi ko alam kong maniniwala ako o hindi pero nakakalokong tiningnan ko lang siya muli.

"Really? Buti nabuhay ka pa?" Sarcasm ko na sagot. Malungkot na ngumiti ito na tila ba nawawalan na ng pag-asa na maniwala pa ako sa kanya.

"Yeah. But sometimes I wished na sana hindi na lang." Naglakad ito palapit sa akin kaya bigla akong napaatras. "There is one person who keeps bugging into my mind while I was fighting for my life." Mapait na ngumiti ito bago lumapat ang mga labi sa noo ko."Good night my half." Tatalikod na sana ito ng pigilan ko.

"W-wait...a-are you t-telling me the truth?" Bigla nag-init ang mga mata ko. She wished that this is something joke.

"Bakit maniniwala ka ba?"

"Damn it Luvdix! 'Wag mo akong bigyan ng sagot na patanong din. Answer my good damn question!" I snapped.

"Yes."

"K-kelan?" Tanong ko.

"Five years ago." Hindi makapaniwala na napatitig ako sa mukha ni Luvdix.

My Bad Half(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora