5

19.1K 336 3
                                    

Pansin ni Ivanie na medyo naging tan ang kulay ng boyfriend niya at bumagay ito roon. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ang binata sa sobrang miss niya rito.

"H-hey..I-I can't breath." Angal nito na pilit siyang nilalayo.

"Ay..sorry. Na miss kasi kita masyado my half eh." Sagot niya at niluwagan ang yakap. "So ano'ng ginagawa niyo doon? Kwento ka naman?" Biglang hindi makatingin sa kanya ng diretso si Luvdix na tila'y nag-iisip pa ng sasabihin.

"A-ah okay lang. Nag t-training kami doon kaya medyo umitim ako tsaka ng swimming din kami. Ah teka may mga pasalubong pala ako sayo." Biglang pag-iiba nito ng topic. Pumasok ito sa kwarto nito at pag labas ay bitbit na nito ang madaming plastic.

"Sakin lahat ito?" Nakita niya ang mga manggo bars, piyaya, otap, danggit at more sea foods.

"Yup." Simpleng sagot nito.

"Ang dami naman nito, siguro papamigay ko yung iba." Sagot niya dahil hindi niya lubos maisip kung papaano niya uubusin ang lahat ng iyon.

"Ayoko..ako bumili ng lahat niyan then ipapamigay mo lang." She rolled her eyes, kadamutan at posissiveness nito, tumango na lang siya.

Nag usap-usap pa sila sa mga bagay-bagay ng biglang may dumating na hindi inaasahang bisita. She's intimated by the visitor.

"T-Tito Zach....k-kamusta po kayo?" Saad niya. Ito ang Ama ni Luvdix at hindi ipagkakaila iyon dahil parang batang version lang ang boyfriend niya sa Ama nito. Mukhang nagulat ang ginoo ng makita siya but he managed to be polite.

"Okay lang naman Ivanie...Would you mind if I'll borrow my son for a while ?" Mukhang hindi maganda ang pag uusapan ng mag ito pero magalang na sumagot siya.

"Wala pong problema Tito..sige po at aalis na ako. My half, text na lang kita ah. Bye." Dala-dala na niya ang plastic palabas ng unit nito pero bago niya tuluyang isara ang pinto ay narinig niya ang sigawan ng mag-ama.

Gusto niya sana makialam pero sa tingin niya ay problema ng mag Ama iyon. She need to give Luvdix privacy though nag aalala siya para rito.

----

"What the hell is your doing Luvdix?!" Agad na um-echo ang tinig ng kanyang Ama sa kanyang unit. Kung noon ay manginginig siya sa galit pero ngayon ay balewala na sa kanya iyon. Sanay na siya rito.

"What do you think am I doing?" Balik niyang tanong. Hindi niya alam kung ano na naman ang pinuputok ng butse nito at gayon na lang kung makasigaw.

"Baka akala mo hindi ko alam ang mga pinag gagawa mo? Hindi ka na nahiya at pinapagawa mo pa lahat kay Ivanie ang mga dapat mong gawin at ikaw nagpapakasasa doon sa boracay? Kailan ka ba titinong bata ka? Stop acting like you're four years old, grow up." Agad ng pantig ang tenga niya sa narinig pero pilit niyang kinalma ang sarili.

"So what's the issue here? For me using Ivanie or for having fun in Boracay? Please enlighten me father." Sarcasm voice.

"Damn it Luvdix. Stop being a childish at magtino ka na. Puro ka na lang sa  girlfriend mo umaasa at hindi lingid sa kaalaman ko ang kagaguhan na ginagawa mo sa likod ng girlfriend mo. Hindi ka na nahiya! Ginagamit mo lang ang dalaga sa sarili mong interes." Sermon pa nito. Pasok sa kaliwang tenga labas sa kanan.

"Dad mana-mana lang yan." Nakakaloko niyang sagot. Well kanino pa ba siya magmamana kung hindi sa kanyang pinag-mulan. Natigilan naman ito ng marinig ang kanyang sinabi. Sapul kasi. "Teka ano ba ang kailangan niyo sa akin?" Imposible na pinuntahan lang siya nito para sermonan kaya alam niyang may kailangan ito.

"May business ako'ng ipapahawak sayo." Tinatamad na binalingan niya ng tingin ang kanyang ama.

"Weh? Bakit? Nasaan na ang paborito mong anak?" Tukoy niya sa kanyang Kuya. Ang perpektong anak sa mata nito. He's Tyron na hindi niya maka sundo.

"He's on vacation." Simple sagot nito.

"Ah kaya pala naman pala ako ang ginugulo mo....my answer is NO."

"Be responsible enough to face your responsibilities Luvdix." Tinatamad na kinamot niya ang kanyang noo.

"Hindi ko reponsibilidad na hawakan ang negosyo na meron ka. Hindi ako nanghihingi sa inyo ng pera kaya wala kayong karapatan na pasunurin ako sa gusto mo. May sarili akong buhay. Now, if you'll insist me to handle your business, then expect the worst." Panakot niya rito though nag sasabi naman talaga siya ng totoo.  He doesn't want to get involve on his father's business. In short -wala siyang paki-alam rito.

"You're impossible Luvdix. I'm giving you chance to prove yourself, because seriously you are useless. I wonder what Ivanie that such bright lady found in you. You are nothing but a baggage." Nasaktan siya sa sinabi ng ama pero magaling siyang mag tago ng nararamdaman. Pabigat daw siya? Bakit kahit kailan ay hindi siya lumapit rito ah. Sariling pera ng kanyang namayapang ina ang kanyang ginagastos kaya anong karapatan nitong sabihin iyon.

"Thanks to my looks, and Oh I got from your genes." Simpleng saad niya na lalong ikinainis ng kanyang Ama. Parang nawawalan ng pag asa na umiling na lang ito at nag simula ng maglakad papunta sa pinto.

"Tama nga ang sabi ng iba..you are a mistake Luvdix, BIG mistake at mas lalo mo iyon pinatunayan sa araw na nabubuhay ka."Huling saad nito bago tuluyan umalis. Nasuntok niya na lang ang sofa sa sobrang inis.

How he despise his own father. How he wants to hurt him so much. Yes, he's a mistake, kasi kung hindi ba naman isang gagong babaero ang kanyang ama eh di sana hindi siya mabubuo. Anak lang siya sa labas.

Hindi lingid sa kaalaman niya na gusto ng kanyang Ama si Ivanie hindi para sa kanya kung hindi kay Tyron ang nakakatanda niyang kapatid. Pero bago pa man maka-base ang kapatid ay inunahan na niya ito, at symepre isa lang iyon sa dahilan kung bakit pinag-lalaruan niya si Ivanie. Someday magagamit niya din ang babae papalapit kay Candice. She can't wait to see her true Love, kung hindi ba naman harang itong si Ivanie di sana sila na ni Candice. But her Candice give way for her damn best friend.

Pero pasaan ba't mapapasakanya ulit si Candice. Kailangan niya lang munang mag hintay ng tamang panahon. As forn the moment tyagaan muna niya si Ivanie, malake pakinabang naman din ang dalaga.


My Bad Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now