42

20.7K 409 9
                                    

I know why we are here at Public place. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa isipan nitong si Carrick. Carrick is famous actor at kadalasan ang role nito ay badass pero nakadagdag sa points nito iyon dahil humaling na humaling ang mga kababaehan dito. Ilang awards na ang natanggap nito pero hindi pa din makontento.

Fil-Am ito. Fillingero at Ambisyoso. jk!  Nakilala ko siya dahil kay Candice at kinukulit ako nito na mag date kami. Pinagbigyan ko hanggang naging magkaibigan at ngayon nga engaged kuno kami.

"So what's the plan?" Tanong ko na hindi alintana ang tinginan ng mga tao sa amin. Obviously nakilala nila si Car at hindi na ako magtataka kung ang mukha ko bukas ay nasa pahayagan na.

"PDA." I rolled my eyes pero hindi ako nag alala na makita ng mga tao ang ginawa ko dahil naka sunnies ako. Celebrity nga talaga itong si Carrick gusto lagi pinapagusapan. Pinagbigyan ko na lang kapalit ang ito ang magiging ambassador ng bake shop ko. Mariing tumanggi ito noon dahil bake shop nga naman eh di sweet tapos bad boy pa ang image nito. Pero napilit din namin siya ni Candice kapalit nga nito. Hindi lingid sa kaalaman ko kung gaano karaming fans ng mokong na ito kaya magagamit ko siya sa business.

Tumayo ito at inabot ang kamay ko. Nakangiting tinanggap ko ang kamay nito at nag HH kami.

"Siguraduhin mo lang Car na tutupad ka sa usapan kung ayaw mong ibigay ko sa mga paparazzi ang mga picture mo na naka brief lang. Bacon brief!" Banta ko rito.

"I know.I know." Natatawang saad nito sabay akbay sa akin. Kahit mukhang gago ang isang ito ay mabait naman. Kami lang ang nakakaalam ni Candice na may itinayo itong mga paaralan at may mga scholar din ito sa ibat-ibang bansa. Mabuti ang puso nito mukha lang talagang gago kasi iyon ang gusto nito ipakita sa madla.

Nagulat ako ng hawakan nito ang batok ko at akmang hahalikan.

"Subukan mo lang bacon brief." Banta ko pero nakangiti. Pero idinikit pa nito ang mukha lalo.

"Don't worry Lala hindi pa ako nababaliw na halikan ka. Ang mahal kaya ng talent fee ko tapos ibibigay ko sayo ng free." Ang lapit ng mukha namin. "Ayan nakunan na yata tayo ng litrato." Tsaka ako nito binitawan. "Smile fiancé. Alalahanin mo ang bake shop mo." Lumawak ang ngiti ko ng maalala ang bake shop ko.

"Saan tayo baby?" Tanong ko rito. Patuloy pa din ang sunod ng mga tao sa amin at ang mga kislap ng camera.

"Gutom ka na ba? Bakit pa ba ako nagtatanong? Malamang mukha ka ng kalansay sa payat mo. Parehas lang kayo ni Candice may pera nga hindi naman kumakain ." Wala talagang araw na hindi ito nambubwesit.

"Aray!" Angal nito pero nakayakap ako rito para hindi mahalata na kinukurot ko siya.

"Umayos ka bacon brief . Mabubuhay ako kahit hindi ikaw ang maging ambassador ng bake shop ko pero Ewan ko lang sayo pag lumabas ang bacon brief mo! Tingnan natin kung buhay ka pa." Panakot ko rito.

"Joke lang baby. Ikaw naman hindi mabiro. Sige na tama na ang pagyakap sa akin dahil naiipit na ang 8 packs of abs ko. Pinaghirapan ko yan wag mo naman molestyahin baka umatras sila." Hindi ko mapigilan ang hindi matawa sa kayabangan nito.

Pinakawalan ko na siya at naglakad na. Tinungo namin ang Audi niya buti na lang ay nagtaxi lang ako papunta rito. Pinabuksan ako nito ng pintuan bago tumakbo sa drive door.

Nakatanggap ako ng text galing kay Kuya Gun at pinapauwi ako.

"Ihatid mo ako sa Fairmont condo. Pinapauwi ako ni Kuya."

"Okay Senyorita bananalala." I rolled my eyes. Nagpapatugtog ito habang nagmamaneho.

"Baby magpost ka nga sa Instagram ng picture natin." Inabot nito ang cellphone sa akin.Walang choice na sumunod ako. Nag selfie kami habang nag mamaneho si bacon. Bahagya itong umakbay sa akin.

"Anong caption ilalagay ko?"

"Yung lyrics na lang ni yeng. Ikaw ang pag ibig na binigay sa akin ng maykapal." Ikinanta pa nito.

"Ewww." Pero nahanap ko na lang ang sarili na tinatap ang lyrics na ikinanta nito at shinare.

Huminto na ang sasakyan nito at nasa Fairmont condo na kami. Ibinalik ko ang phone nito.

"Here. Just text me if kelan tayo mag dadrama." Akmang bubuksan ko na ang pinto ng pigilan ako nito.

"Wait sama ako.I want to see you unit."

"Gusto mong masapak ni Kuya?"

"What? Bibisita lang naman ah."

"Whatever."

"Yes!" Tuwang-tuwa na saad nito. Magkasabay kaming naglakad papasok and as usual yung mga tingin ng mga Babae kay Bacon, kung hindi nanlalaki ang mata ay magtatalon sa kilig. Oo gwapo talaga itong si Bacon aminado ako pero Ewan ko ba hindi ako tinatablan ng karisma niya kaya siguro komportable din sa akin si Bacon.

"Look." Sabay pakita sa akin ng phone niya.

"What the Fff.. 2 Million in just a minute?!" Windang ako kung gaano kadami ang likes ni Bacon.

"Wala eh. Alam ko na ikinagagalak mong maging boyfriend ang isang tulad ko. Aba dapat lang bananalala isang Carrick Flitt ito."

''Baka magalak ako." Kayabang talaga nito. Tinap ko na ang passcode sa unit ni Kuya at ng binuksan...

"SURPRISE!" Nagulat ako ng makita sila Miles, Karl at Miyu. Niyakap ako ng mga ito. "Welcome back Ivanie." Medyo teary eyed ako ng makita sila kaya gumanti din ako ng yakap.

"I miss you guys."

"Grabe ang ganda mo na Ivanie." Si Miyu na malaki na ang tiyan. Nagpakasal na sila ni Karl at inimbita nga ako nito pero dahil hindi pa akong handa na umuwi noon ay nag apologize ako na hindi ako makakapunta. Naaintindihan naman daw nilang dalawa iyon.

"Omygosh ang laki na ng tiyan mo." Sabi ko at hinawakan ang umbok na tiyan ni Miyu.

"Hayop kasi tong si Karl eh. Teka ikaw ang ninang huh!" Napatingin ako kay Karl na natatawa sa sinabi ng asawa.

"Sure."

"Teka natatandaan mo pa ba ako Ivanie. Ang pinaka gwapo na si Miles." May balbas na ito ngayon. Ang mamatured na nilang tingnan ngayon.

"Oo ang babaero sa lahat." Supalpal ko.

"Ouch naman." Sabay hawak sa dibdib nito. Nakita ko na lumabas sa kitchen si Kuya at Luvdix. Nagkatitigan kami ni Luvdix pero ako din ang mabilis na bumawi.

"Oh nanjan ka na pala..." Natigilan si Kuya at tumingin sa likuran ko. Ayts may kasama pala ako.

"Oh I'm sorry. By the way guys I'm with Bacon este Carrick. Car they are my friends and Kuya Gun is my brother."

"Hello guys." Polite na bati ni Bacon.

"OMG. Carrick Flitt!" Tili ni Miyu.

"Hoy buntis umayos...aray!" Binatukan kasi ni Miyu si Karl.

"Don't worry I love you Karl. Papicture ako Carrick."

"Sure."

"Hay sana maging kamukha mo ang anak ko." Natawa ako sa sinabi Miyu habang nakasimangot naman si Karl.

"Tara na kumain na tayo." Si Kuya. nagsipuntahan na ang iba sa kitchen.

Hinila ko si Bacon sa kwarto ko at nakita ko na nakita iyon ni Luvdix pero paki ko!

"Woah!! Wala sa usapan ito pero kung gusto mo talaga...."

"Hoy bacon na Feel-Am tumigil ka. May sasabihin ako sayo." Umupo naman ito sa Kama ko.

"What?"

"Act as if paparazzi is around. Got it?"

"Layla!" Narinig kung tawag ni Kuya.

"Coming." Balik kung sigaw.

"Okay." Sagot ni Bacon.

"Good Bacon at tara na sa labas." Nakaakbay pa ito sa akin habang palabas kami ng kwarto ko.

My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon