28

19.3K 402 19
                                    

Marahan siyang umiling sa narinig na offer ng mga Dela Rosa sa kanya. Gusto nito na mag trabaho siya sa kompanya ng mga ito.

"Pasensya na po Ma'am pero hindi ko po matatangap ang offer niyo..may trabaho na po kasing nag aabang din sa akin." Pag sisinungaling niya. Hangga't maari ay ayaw niya munang maglandas ang buhay nila ni Candice.

"Ganuon ba?Basta kung may problema ka o kailangan ka ay wag kang mag alinlangan na tawagan kami." Tumango na lang siya at nagpaalam sa mga ito. Tumingin siya sa paligid. Pan limang araw na ng burol ng kanyang Ina ngayon at ngayon araw na din ito ililibing.

Masakit pero kailangan niyang harapin ang katotohanan na wala na nga ang kanyang Mama. Nauna na lang naman siya pero alam niyang sa huli ay magkikita-kita din sila sa huli. Walang mangyayari sa buhay niya kung puro na lang siya iyak at panigurado na hindi din iyon magugustuhan ng kanyang Mama kung iyak lang siya ng iyak. Gusto niyang mapanatag na ito kung nasaan man ito ngayon.

"Hey." Nabaling ang tingin niya sa taong dumating. Isa ang taong ito na pinasasalamatan niya ng sobra-sobra. Nginitian niya ito.

"Hi." Tipid niyang bati.

"Okay ka lang?" Tanong nito.

"Oo...salamat Tyron huh...salamat ng marami." Ito ang nagbayad ng lahat nilang gastusin. Wala naman kasi siyang pera sa ngayon lalo na at wala pa siyang trabaho.

"Ikaw pa. Malakas ka sa akin eh. Basta lutuan mo lang ako ng Kaldereta at bayad ka na." Hindi niya napigilan ang matawa.

"Loko-loko ka talaga...hay ilang araw na din akong hindi tumatawa at ang sarap sa pakiramdam ulit, dahil na naman sayo. Grabe lubog na lubog na naman ako ng utang sayo. Pero wag kang mag aalala pag okay na talaga ako ay paglulutuan kita ng Kaldereta."

"Kaldereta lang sapat na. Makita lang kitang sa wakas na nakangiti na ay parang bayad na ako.Halika nga.." Hinatak siya nito at pinanggigilan ang kanyang pisngi. "Ang cute mo talaga." Namula siya bigla dahil ang lapit na ng mukha nila. Hindi siya bulag para hindi makita kung gaano ka gwapo si Tyron. Kapag ngumiti ito ay lumalabas ang dimples nito at kay tangos din ng  ilong nito. Parang biglang lumakas ang tahip ng dibdib niya.

"Bat namumula ka?" Biglang tanong nito.

"Ah w-wala mainit lang kasi." Sabay paypay ng mukha gamit ang kanyang sariling mga kamay. Ano ba itong iniisip niya. Dapat niyang alalahanin na kapatid nito ang nanloko sa kanya pero magkaiba si Tyron at Luvdix. Traydor talaga minsan ang isang isipan.

Bigla na naman niyang naalala si Luvdix. Kamusta na kaya ito? Nililinis niya kaya ang condo niya? Kumakaen kaya siya ng mabuti ngayon o baka puro na naman fast food ang laman ng tiyan niya. Aaminin niya kahit ang sakit ng ginawa nito sa kanya ay mahal niya pa din ito. Wala eh. Kahit mag deny at magkunwari siya ay siya lang naman ang mahihirapan. Tatangapin niya na lang ang latotohanan na mahal niya pa din ang binata sa kabila ng lahat. Tanga no? Hay wala eh. Mahirap kalimutan.

Hindi niya isisi kay Luvdix lahat dahil Simula pa lang ay alam niyang hindi naman talaga siya mahal ito, umasa siya at nabakasakali ngunit kailangan niya na sigurong tanggapin na hindi siya kailan man mamahalin ni Luvdix.

Naglakad siya papunta sa kabaong ng kanyang Mama. Hindi na naman niya napigilan na umiyak, akala niya kasi drained na eh meron pa pala.

"Mama m-magpapakatatag ako. Pangako ko yan." Naramdaman niya ang kamay ni Tyron sa balikat niya.

"It is the time Ivanie." Tumango siya at sumenyas si Tyron na isara na ang kabaong. Hinayaan niya lang ma patuloy malaglag ang luha niya.

Matapos sa simbahan ay sa wakas inihatid na si Slyvia sa huling hantungan nito.

She pray harder na malagpasan niya ang pagsubok na ito at sana mapunta sa mabuting kamay ang kanyang Mama kung saan man ito naroroon.

"P-paalam M-mama...salamat sa lahat." Nanginginig ang kamay na hinagis niya ang bulaklak. Dahan-dahan ng ibinaba ang kabaong hanggang tambakan na ito ng lupa.

Kasabay non ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nagpaalam na ang mga nakiramay sa kanya hanggang sila na lang ni Tyron ang naiiwan. Nakatingin pa din siya sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng kanyang Ina.

"Tara na Ivanie?"

"Sa tingin mo Tyron..kakayanin ko kaya?" Tanong niya rito.

"Of course sweetie. You are brave. Malalagpasan mo din to dahil napakabuti mong tao. Wag kang mag alala at nasa likod mo lang ako palage." Ngumiti siya bahagya.

"Yeah kakayanin ko ito...sa tingin ko ay dapat umalis na tayo." Tumingin muna siya sa lapag bago siya dahan-dahang tumayo.

"Bye Ma..alam ko na kahit hindi kita nakikita ay nasa paligid ka lang."

Naglakad na sila ni Tyron pabalik sa sasakyan nito.

"Salamat ulit Tyron." Saad niya ng mahatid na siya nito sa labas ng bahay nila.

"Dito na lang kaya ako matulog para may kasama ma..kasi naman dapat pumayag ka na sa unit ko muna..

" Mabilis siyang umiling.

"Napag usapan na natin ito diba? Don't worry kaya ko ito. I'm brave right?" Parang napipilitan na tumango na lamang si Tyron.

"Okay bukas pupunta ako dito ng maaga para sabay tayong mag breakfast." Tumango siya at binuksan na ang pinto ng kotse. Hinintay muna niyang makaalis ang kotse nito bago siya nag desisyon na pumasok sa loob ng bahay.

Huminga siya ng malalim. Ang lungkot na lalo ng bahay. Biglang niyang naalala ang kanyang Ina kung saan palage sa paborito nitong pwesto na upuan at nakangiti na bungad sa kanya pag galing siya sa school. Marahan siya umupo doon at pumikit habang nauunahan na naman ang kanyang mga luha.

"Mama....mama ko." She cried out. Natigil siya sa pag iyak ng makaramdam ng kaluskos sa labas. Bigla siyang kinabahan dahil baka may magtangka sa kanya ng masama lalo na at nag iisa na lamang siya ngayon.

Sumilip siya sa bintana at nanlaki ang Mata niya ng may maaninag siyang anino. Nanginginig ang kamay  na kinuha niya ang plorera. Nagtago siya sa gilid ng ref habang nakaangat ang kaliwang kamay hawak ang vase.

Kinakabahan na siya lalo na at may yabag siyang narinig banda sa sala. Juiceko Ma gabayan niyo po ako. Wag niyo po akong pababayaan. Piping niyang dasal.

Palakas ng palakas ang yabag na ang ibig sabihin ay palapit na ito sa kusina.

Tumigil ang yabag kaya tinangka niyang silipin kung sino ang intruder. Naibagsak niya ang vase ng makilala kung sino ito kaya lumikha iyon ng ingay.

Nagulat din ang lalake at napatingin sa gawi niya.

"M-my half."

****


My Bad Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon