Chapter 25

18K 448 30
                                    

#ILoveParty2x! *smile*

Namangha si Catherine sa lugar na pinagdiriwangan nitong birthday party.Akala niya kasi sa hotel gaganapin.Hindi pala. Isang mansiyon pala ito. Nakumbinsi din siya kasi ni Arthur na sumama.Ang laki ng mansiyon na ito. Ang lawak pa.

Ang ganda naman dito. Sa isip niya.

Sobrang yaman siguro ng nakatira rito. Di niya talaga maiwasan ang mapamangha.First time niya kayang makapasok sa tinatawag na mansiyon.
"Mahal,nakakahiya naman dito." Bulong niya kay Arthur habang naglalakad sila patungo sa kinaroroonan ng mga panauhin. Napapahigpit tuloy ang hawak niya sa mga braso ni Arthur.
"Relax sweetheart. I'm here." Bulong din ni Arthur sa kanya. Tapos ngumiti pa ito. Paano siya makapag-relax kung puro sosyal ang mga panauhin rito?At sigurado siyang mga kilalang tao sa siyudad ang mga narito.

Tango at tipid lang na ngiti ang sagot niya kay Arthur.

Nang malapit na sila sa mismong venue ng party,bumalagta sa kanila ang isang banner na Sebastian-Flores Engagement party sa may entrance mismo. Akala niya ba birthday party.

Napatingin siya kay Arthur.At sabay pa sila. Pati ang kasintahan ay nakakunot din ang noo.

Kaya ngumiti lang ito sa kanya at nagkibit-balikat.Siguro nagulat din ito.

"Arthur!Welcome." Nakangiting salubong ng isang babae sa kanila.Nagbeso-beso pa ito sa nobyo niya.Maganda ang babaing ito. Sexy pa.Class ang dating.Kaya di niya maiwasan tuloy ang manliit sa sarili.At siyempre, may kaunting selos din siya sa ginawa ng babaing ito sa boyfriend niya.

"Thanks for inviting us,Railey." Lumingon pa ang nobyo sa kanya. Us daw? It means,pati siya kasama sa invitation?

"You're welcome Art.So siya pala ang sinasabi mo?" Nakangiting sagot nito at tiningnan siya. Napayuko tuloy siya. God!Ayaw niya ng ganito.Pakiramdam niya, di siya nararapat sa party na ito. Lalung-lalo na sa class na lugar,kagaya nito.

"By the way Ley, this is my girlfriend." Pakilala ni Arthur. Kinuha pa nito ang kamay niya at hinawakan.Medyo nagulat pa siya dahil di man lang nag-alinlangan na ipakilala siya ni Arthur bilang girlfriend.Siguro kasi walang camera rito. Kaya malaya itong magagawa ang gusto. "And sweetheart, this is Railey Flores.Kaklase ko nung college." Dugtong pa nito. Kaya nag-angat siya ng ulo.Nakangiti ito sa kanya at nagbeso pa.Nahiya tuloy siya.

Flores? Di ba Flores din yung nakalagay dun sa engagement party.Siya ba ito? Naisip niya tuloy.

"Wow Art.Ang ganda naman ng girlfriend mo. Finally,nagkaroon ka na ulit ng...ops sorry." Tinakpan pa nito ang bibig.Nakita pa ni Catherine na pinanlakihan ito ng mga mata ni Arthur.

"Thank you." Tipid na sagot niya. Tumatak kasi sa isip niya yung sinabi ng Railey na ito. Bakit ganun na lang ang reaction ni Arthur?

"Come.Ihatid ko na kayo sa magiging table niyo.Nandoon ang barkada Art." Sabi nito.

"Nandito silang lahat?" Gulat na tanong ni Arthur.

"Nah.Wala pa si Benjamin. At si J-jacob..." Halos di pa mabanggit ang pangalan ni Jacob. "....di ko na inimbita Art." Dugtong nito.

"It's ok. I'll understand.So let's go?" Si Arthur. Nakaholding hands pa rin silang dalawa.

Kaya siya,heto di maka-relate sa usapan ng dalawa.Si Benjamin at Jacob lang ang alam niya.

"Careful sweetheart." Inalalayan pa siya ni Arthur.Kahit papaano kasi naka-light blue dress at nakablack high-heels sandal rin siya.Binilhan na siya ni Arthur kanina nung umuwi ito.Naiilang tuloy siya sa mga mapanuring tingin ng mga tao na naroon sa ngayon.

"Ay ang sweet mo Arthur. Kinikilig ako." Di na napigilan ang kilig ni Railey.

"Siyempre Ley. Love ko to eh." At kinintilan pa siya ng halik sa noo.

"Nakakainggit naman kayo.Tsk!" Naiiling pang kumento nito.Napangiti na lamang siya sa reaction ni Railey.

"There they are." Itinuro ni Railey ang isang table na mayroon ng mga nakaupo.

"Arthur Romero/Arturo!" Sabay-sabay pang tawag ng mga kabarkada raw ni Arthur. Nagsitayuan pa ang mga ito. Nakipagbeso at nakipagkamay naman ang mga lalaki kay Arthur.Kaya binitawan niya ang kamay ni Arthur. Busy kasi ito sa mga kabarakada nito.

"Ehem! Guys enough first.May nakakalimutan yatang ipakilala si Arthur sa inyo." Si Railey.Agad namang nagsilingunan ang mga ito. Si Arthur naman ay dali-daling tumabi sa kinatatayuan niya.Pakiramdam niya tuloy,out of place siya sa mga ito. Which is true naman.Ngayon nga lang niya nakita ang mga ito.

"Excuse me guys.Am I late?" Anang isang babae na kakarating lang.Kaya naputol ang pagpapakilala ni Arthur sa kanya.

"You're back?" Sabay na namang tanungan ng mga kabarkada nito.Parang reunion ang nagaganap sa ngayon.At siya lang ang hindi kilala ng mga ito. Sana pala nagpaiwan na lang siya.

"Princess. How are you?" Agad na lumapit si Arthur sa kakarating lang na babae. Maganda ito at sexy pa.Bongga ang pananamit.Dress na mukhang gown?Di niya masabi.Basta,color mint green ito. Backless ang likod at siyempre, spagheti strap ito. Kahit mahaba ito pero mayroong slit sa gilid.Kaya sa tuwing naglalakad ito,lumilitaw ang mapuputi at makikinis nitong balat na namumula-mula.Sa wari niya ay laking ibang bansa ito.Sinabayan pa ng sandals nito na napakatulis ng takong at sa tantiya niya, 5-6 inches ito. Kaya lalong nakikita ang alindog ng babaing ito.

Pero di nakaligtas sa kanya ang pagtawag rito ni Arthur ng Princess.

Gusto niya tuloy umalis rito at iwan ang lalaking minamahal na may tinatawag na princess. Naiinis siya talaga.

"Oh.May kasama ka pala Arthur?" Lumakad ito papunta sa kanya. Parang slow motion pa ang peg ng paglakad nito. Dahil nga katabi niya si Arthur, ito ang unang niyakap ng babaing ito.

"I miss you Arthur." Sabi pa nito.

"I miss you too princess." Sagot ni Arthur.Tama ba ang mga narinig niya sa sagot ng kasintahan?Kahit di niya man aminin, pero nasasaktan siya ng sobra. At the same time,nagseselos.Gusto niya tuloy umiyak.Ngunit pinigil niya.Isinama lang ba siya dito ni Arthur para pagselosin at saktan ang damdamin niya? Halos napatulala na siya.

Napansin niya na lang na nasa harapan niya na ang nasabing babae.

"Hi.I'm Jychel Mae Olivarez.Girlfriend of Arthur Romero." Deretsong pagpapakilala nito.

Tama ba ang narinig niya?Pakiramdam niya tuloy parang niyanig ang mundo niya.Pakiramdam niya,anytime ay mabubuwal siya sa kinatatayuan niya.

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now