Chapter 32

16.5K 424 18
                                    

A/N: Short UD lang ito ha.Thank you sa lahat.Lalung-lalo na sa mga silent reader.Di man kayo nag-iingay,atleast nagbabasa pa rin kayo.


Dahil wala si Arthur,naisipan ni Catherine na pumunta sa grocery store.Wala na kasi silang stock ng grocery.First time niya ngayon ang mang-grocery na siya lang.Kadalasan kasi si Arthur eh.Kaso lately,napaka-busy ng boyfie niya.Naawa naman siya kaya nagpresenta na siya.Mabuti nga dahil pumayag din ang nobyo. At isa pa,bored din siya na mag-isa sa condo.

Ng matapos na siyang mag-grocery ay nag-abang na siya ng taxi para magpahatid pauwi.Pero malas niya lang kasi walang taxi na dumadaan.At bibihira ring may mga tao rito.

Medyo naiinis na siya sa kakaantay.Napansin niya na lang na may humintong kotse sa harapan niya.

May bumaba na tatlong lalaking naka-uniform yata ang mga ito kasi pare-pareho ang suot. Naka-short sleeves white polo at naka-slack pants ang mga ito. Kaya mga mukhang desente naman.Pero abot-abot pa rin ang kaba niya.Siya lang kasi ang tao dito ngayon eh.

Papunta sa kinaroroonan niya ang tatlong tao na ito.

"Miss,pwede ka ba namin maimbitahan." Unang nagsalita ang naunang nakarating sa kinaroroonan niya.

Kinabahan lalo tuloy siya.

"Ha?Bakit po?S-saan po?" Nauutal na tanong niya.

"Kay boss.Gusto ka daw niya makausap." Sagot naman ng pangalawang lalaki.
Kay boss?Sino naman yun?Sa isip-isip niya.

"S-sino po ba ang boss niyo?" Kunot-noong tanong niya.

"Ah basta miss.Sumama ka na ng matiwasay para di na kami mapilitang kaladkarin ka pa." Doon na siya naalarma.

"Ano ba ang balak niyo sa akin?Kung p-pera lang ang gusto niyo,wala akong maibibigay sa inyo. Kaya please po.Ayokong sumama sa inyo." Nahintakutan siya lalo.Ano ba ang balak ng mga ito sa kanya?Wala naman talaga siyang pera eh.Oh baka naman...oh no!Wag naman sanang mangyari yung nasa isipan niya. Baka repin siya ng mga ito. Sa iisiping iyon,parang nanginig siya sa takot.

Paano na si Arthur?Naisip niya ang nobyo.

Kaya tatakbo na lang siya.

Pero ng akmang,ihahakbang niya na ang mga paa niya,agad siyang nahablot nito sa braso ng isang kasama ng mga ito.

"Miss,ayaw namin itong gawin sa iyo.Pero ayaw mo talagang sumama ng maayos eh.Kaya pasensiyahan na lang tayo." Anito. "Sige, ipasok na siya sa kotse.Bilis!" Utos pa nito sa mga kasamahan.

"Bitawan niyo ako!Ayokong sumama sa inyo. Mga hayop kayo!" Pagpupumiglas niya ng pinipilit na siya ng mga ito na ipasok sa kotse.Pero sadyang malalakas ang mga ito kaya ibinalibag siya sa loob ng kotse.

Agad ding sumakay ang tatlo. Naiwanan pa nga niya ang mga ginorocery.

"Kung sumama ka na lang sana ng maayos miss,wala ng kaladkaran na naganap." Sabi ng nagda-drive.

"At bakit naman ako sasama sa inyo?!Mga hayop kayo!" Sigaw niya sa mga ito.At pinaghahampas niya pa ang dalawang katabi niya.Kaya pinigilan ng mga ito ang kamay niya.Ano ba talaga ang balak ng mga ito sa kanya? Lalo na yung tinatawag nilang boss.

Wala na siyang magawa.Ano nga ba ang laban niya sa tatlong ito.

"A-ano po ba ang kailangan niyo sa akin?" Napahagulhol na tanong niya sa mga ito. Galit na galit na siya. At gusto niyang pagsisipain ang mga ito.

"Tumahimik ka na lang kasi!Malalaman mo rin mamaya kapag kaharap mo na si boss." Kalamanteng sagot ng katabi niya na nasa kanan.Napapagitnaan kasi siya ng dalawa eh.

"Sino ba kasi ang boss niyo na iyon?!Kapag ako nakawala rito, papatayin ko kayong lahat!" Sigaw niya.Makakawala pa kaya siya rito?Makikita niya pa kaya ulit si Arthur pagkatapos nito? Paano kung hindi na?Masasaktan niya ng sobra ang minamahal niya.Sa iisiping iyon,ay lalo siyang napahagulhol.

"Mga kuya,please naman oh.Pakawalan niyo na po ako.Parang awa niyo na po." Pagmamakaawa niya rito. Kailangan niyang magmakaawa sa mga ito.

"Patahimikin niyo na nga lang yan. Malilintikan pa tayo kay boss kapag na-palpak tayo." Utos ng nagda-drive.At sa tantiya niya,ito yata ang may mataas na position sa kanilang tatlo kasi ito yung nang-uutos kanina pa eh.

"Areglado bossing." Sagot ng isa. Dumukot ito ng panyo sa bulsa. "I'm sorry miss.Pero kailangan mo munang matulog at manahimik." At agad siyang tinakpan ng panyo sa ilong. Magsasalita pa siya sana pero nawalan na siya ng ulirat.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Unti-unti siyang dumilat ng mga mata.Bigla siyang napabalikwas ng maalala ang nangyari sa kanya.

Inikot niya ang tingin sa paligid na kinaroroonan niya.

Nasa isang silid siya? A-at nasa kama pa?Nakita niya rin ang mukha ng dalawang nakabantay sa kanya ngayon.Wala na ang isa. Dalawa na lang ang nakabantay sa kanya.

"Nasaan ako?! Saan niyo ako dinala?!Mga hayop kayo!Anong gagawin niyo sa akin?!" Sigaw niya sa mga ito. Tumayo siya para lapitan ang dalawa at paghahampasin sana ang mga ito pero biglang bumukas ang pinto.

"Nandito na si boss." Abiso ng taong bumukas ng pintuan.
Boss?Bigla siyang kinabahan.Sino naman kaya ang boss ng mga ito?

Nakatingin lang siya sa pintuan.Inaabangan niya na papasok ang sinasabi nilang boss dahil makakatikim talaga ito sa kanya.

Habang inaabangan niya na bumukas ulit ang pinto,di niya mawari ang nararamdaman.Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

At finally, bumukas ang pinto.

"Good afternoon boss." Bati ng dalawa.

Pero siya, di nakaimik.Parang natulos siya sa kinatatayuan niya.Nanlalaki pa ang mga mata niya ng makita kung sino ito.

"Benjamin?!"

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now