Chapter 16

22.5K 505 15
                                    

A/N:Si Benjamin Villafuente po yung nasa picture.

Nagpaalam si Catherine kay Arthur na magbanyo muna.Tapos na kasi ang shooting kaya pauwi na sila.

Papalabas na siya sana sa banyo ngunit may humarang sa kanya.

"Kamusta naman ang isang ambisyosang alalay?" Diniinan pa nito ang huling salita.Nagulat pa siya sa itinanong ng babaing kaharap niya. At yun ay walang iba kundi si Sierra.Silang dalawa lang kasi ang nasa banyo.Hindi niya alam kung ano ang isasagot rito. Kahit papaano ay nasaktan siya sa mga sinabi nito.

"Oh,bakit di ka nakasagot?Di ba tama naman ako na isa kang ambisyosa at ilusyunada?Dahil kahit kailan,hindi magugustuhan ng isang Arthur Romero ang isang kagaya mo. Ang isang alalay na kagaya mo." Sabi pa nito ulit.

"Ma'am Sierra?" Yun lang ang tanging nasambit niya. So tama pala siya sa hinala niya na mayroong tinatagong masamang ugali ang babaing ito.

Nasasaktan siya sa mga pinagsasabi into.Hindi siya manhid para di masaktan.Ok lang sana kung tawagin siyang alalay eh.Tanggap niya yun kasi yun naman talaga ang trabaho niya.Pero yung tawagin siyang ambisyosa at ilusyunada,dun siya nasaktan.Oo, nangarap siyang mahalin ni Arthur, pero di niya inakala na mahalin din siya ng lalaki.At beside, di niya ito inakit.Kasalanan niya ba kung minahal din siya ni Arthur?

"Tama, ma'am Sierra.Yan ang dapat mong itawag sa akin.Ito ang tandaan mo, wag ka masyadong ilusyunada.Hindi ka magugustuhan ni Arthur.Magiging hadlang ka lang sa kanya.Ako lang,ako lang ang nararapat sa kanya. Naiintindihan mo?" Idinuru-duro pa siya nito sa noo. Gusto niyang sumagot rito. Pigil na pigil niya ang mga palad na dumapo ito sa kaharap.Ayaw niya ng gulo.Ayaw niyang ma-iskandalo dahil kapag ginawa niya yun, madadamay lang si Arthur.Bakit ba siya papaapekto sa babaing ito? Alam niya namang mahal siya ni Arthur.

Tinalikuran niya na si Sierra upang lumabas na sana.Ngunit mabilis siya nitong nahawakan sa braso.

"Wag kang bastos!Sagutin mo muna ang tanong ko!" Mataas na ang boses nito. Sa halip na sumagot siya, ay ipiniksi niya na lang ang braso at tuluyan ng lumabas.

Hindi siya ganung tao.Yung papatulan ang mga walang magawa sa buhay.Yung mga tao na parang walang pinag-aralan.

Pinalaki siya ng nanay niya na may magandang asal. Palagi pa nga siya pinagsasabihan ng nanay niya na "Anak, kapag alam mong nadidihado ka na ng sobra, lumaban ka. Pero kung ang nagdidihado sayo ay alam mong walang kwentang tao,mabuti pang talikuran mo na lang.Baka pag pinatulan mo pa, ay magagaya ka lang sa kanya." Naiyak siya ng maalala ang nanay niya.Sobrang miss niya na ito.

Salamat sa ina niya dahil pinalaki siyang may magandang asal. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya nung malapit na siya sa kinaroroonan ni Arthur. Ayaw niyang makita nito na umiyak siya.

"Tara,let's go." Yaya sa kanya ni Arthur pagkarating niya rito.Ngumiti pa ito sa kanya ng matamis.Ngumiti din siya rito at sumabay na sa paglakad papuntang parking lot.Ayaw niyang isipin muna ang sinabi ni Sierra sa kanya kanina.Masaya na siya na kasama ang taong nagpapatibok ng puso niya.

Pagkarating nila sa parking na kung naka-park yung kotse ni Arthur,ay siya namang pagtawag ng familiar na boses.Bubuksan na siya sana ni Arthur ng pintuan.

"Hi Cath, hi Art." Bati nito sa kanila.

"Hello Jacob." Bati ni Catherine kay Jacob. Pilit pa siyang ngumiti.Ngunit si Arthur ay di man lang bumati sa kaibigan at manager na rin.

Naroon rin naman kasi si Jacob sa shooting eh.

"Cath,pwede ba kitang maimbitahan mamayang gabi?For dinner. Matagal na kitang niyaya pero di ka pa rin pumapayag." Oo nga matagal na siyang paulit-ulit nitong niyaya pero palaging naghahanap ng dahilan si Arthur para di siya makasama.

"No.Hindi pwede Jacob." Si Arthur na ang agad na sumagot.Nakita pa ni Catherine ang pag-asim ng mukha ng nobyo.

"Nah, not this time Art.Wag ka ng tumutol.Dahil di na ako papayag na tumanggi ka pa.Catherine and I are need to talk for some important things.And beside, kung lumabas man siya,wala ka ng pakialam dahil tapos na rin ang trabaho niya sayo." May mga pagdidiin ang lahat ng sinabi nito.

Napakuyom ng kamao si Arthur. Di niya kasi gusto ang sinasabi ni Jacob.

Pinisil ng pasimple ni Catherine ang kamay niya nung mapansin ito. Iminungkahi niya sa pamamagitan ng pagpisil na kumalma siya. Magkadikit kasi sila kaya di ito napansin ni Jacob ang ginawa ni Catherine.

Kumalma naman ang lalaki.

"Tingnan ko Jacob." Sagot ni Catherine. Napatingin tuloy si Arthur sa kanya dahil sa sagot niya.

"No Cath,this time,either you like it or not sasama ka sa akin.Tatawagan na lang kita mamaya.We have some important things to talk." At agad na itong tumalikod.

"So,sasama ka talaga sa kanya?" Naniningkit ang mga mata nito habang tinatanong siya. Alam niyang disgusto ang nobyo kung sakaling papayag siya.

"May importanting pag-uusapan daw kami eh." Kahit siya ay nagtataka kung anong importanting bagay ang pag-uusapan nila.

Di na umimik ang nobyo. Sa halip nag-ayos ito ng sarili at nagsimulang magmaneho.Batid niyang nagtatampo ito kasi makipagkita siya kay Jacob.

"Mahal ko." Paglalambing niya rito. Niyakap pa nga niya ito eh.

"Cathy,nagmamaneho ako.At isa pa pagod ako." Inalis ni Arthur ang kamay niya rito. Ay yari na. Tampoporot ang peg ng kanyang mahal.Alam niyang nagtatampo ito kasi kahit naman pagod ito at nagmamaneho ay naghaharutan pa rin sila. Pero ngayon, iba. Mamaya na nga niya susuyuin ito pagdating na lang sa Condo.Patuloy lang sila na nagbabyahe pauwi.Ngunit walang imikan.

Pagkarating nila ay malalaking hakbang ang ginawang paglalakad ni Arthur.Kaya nahihirapan tuloy si Catherine na habulin ito. Sobra naman kasi kung magtampo ang kumag na ito. Daig pa siya.

Nagpang-abot sila nung nasa lobby na sila.

"Ay ma'am,may naghihintay sa iyo.Ayun oh." Anang guard.Itinuro pa ang taong nakaupo sa sofa.

Agad namang napatigil si Arthur nung marinig ang guard.

Nagulat si Catherine sa sinasabing bisita. Tumayo ito at ngumiti sa kanya.

Tumabi naman agad si Arthur sa nobya.

"What are you doing here,Benjamin Villafuente?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Arthur sa kay Benjamin. Nagulat pa si Catherine dahil magkakilala pala ang dalawa.

"Binibisita ko lang ang maganda mong kasama Art." Sagot nito at tumingin pa kay Catherine. At ang masama pa ay kumindat pa ito na siya namang lalong ikinaiinis ni Arthur.Sinabi niya rin kasi dito na si Arthur ang amo niya nung una silang nagkita.

"Paano kayo naging magkakilala?" Nagtatagis ang mga bagang na tanong ni Arthur.

"Arthur, ano kasi____"

"What?!" Agaw nito sa sasabihin niya. Paano niya ba ipapaliwanag dito na nagkakilala sila nung nagtatampo siya sa kanya? Kahit di man pinapahalata ni Arthur pero nararamdaman ni Catherine na nagagalit na ito.

"Sa mall pare." Sagot ni Benjamin. "Inihatid ko pa nga siya dito eh." Dugtong pa nito.

"Inihatid mo siya?" Tanong nito at saka tumingin sa kanya. Napakagat labi tuloy siya sa mga masasakit na tingin sa kanya ng nobyo. Alam niyang nagseselos ito.

Naku! Nalintikan na. Di pa nga sila nagkaayos,nadagdagan pa.What a wonderful day?

"Oo pare, mabuti nga inihatid ko pa yan eh.Naku kung di lang maganda yan, di ko ihahatid yan." Sagot nito. Naiinis na si Catherine kasi parang nang-aasar na si Benjamin.

Nakita niya na naman na napakuyom si Arthur. Nagpipigil lang ito.

"Sige pare Art,alis na ako.Gusto ko lang kasi makita ang kagandahan ni Catherine.Bye Cath." At mabilis na itong tumalikod.Parang nanadya talaga si Benjamin.Ano ba ang nangyayari sa araw na ito?Napakamalas naman.

Agad ring tumalikod si Arthur sa kanya at iniwanan siyang nakatulala.

Alam niyang galit na ito.Kaya kailangan niyang habulin ito at suyuin.

Ayaw niya ng ganito.

Hindi niya na naabutan si Arthur sa elevator.

Ano kaya gagawin niya para mawala ang galit ng kanyang mahal?

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now