Chapter 18

20.8K 500 34
                                    

Hi guys!I'm back.Tagal ng UD ano?Hahaha!Sana matapos ko na to agad para dun naman ako focus sa "His Way of Revenge" Gusto ko na kasing matapos to kaagad.But I think mga 15 chapters pa.Ang haba din pala nito. He he he! *wink*

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Makinig ka kasi muna sweetheart." Pagpapakalma sa kanya ng lalaki.Paano,nahahalata ng naiinis na siya.

"Ayoko.Nakakainis ka kasi Arthur eh.Ginawa mo naman akong mukhang pera niyan." Nagulat naman ang nobyo sa sinabi niya.

"Ganun pala ang pagkaintindi mo nun Catherine? Look sweetheart, di yun ang gusto kong iparating sa____"

"Stop it Arthur!" Putol niya sa sinasabi ng lalaki.Eh kung dramahan niya kaya ito ng bongga.Bigla siyang may naisip na kalokohan.

"Kung talagang desidedo ka na wag na akong pagtrabahuin sayo bilang alalay,eh de maghanap na lang ako ng ibang trabaho.Magpapahanap ako kay Jacob.Total,magkikita din naman kami mamaya eh." Bigla niyang naisip si Jacob. Tama nga magkikita pala sila. Nalimutan na niya.

Nakita niyang natahimik si Arthur.Parang nagpipigil ng galit. Buti nga sa kanya. Napatawa siya sa loob.Mukhang effective yata ang drama niya.

"Cathy." Ang tanging nasabi ng nobyo. Kaya lalo siyang nainis. Akala niya pipigilan at papayag na agad ito.Eh kung totohanin niya kaya?

"Diyan ka na nga." Tinalikuran niya na ito. Dinampot niya ang purse niya na lagayan ng phone at nagrampa na papuntang pintuan.

"Cathy wait.Saan ka pupunta?" Habol pa siya ng nobyo.

"Kay Jacob.Magpapahanap ng mapagtrabahuan." Angil niya rito.

Ng akmang bubuksan niya na ang pintuan,nagulat na lang siya na niyapos na siya nito mula sa likuran.Napangiti siya ng lihim.O di ba,winner ang drama niya sa buhay?

"I'm so sorry sweetheart.Sige na nga, pumapayag na ako.Basta wag ka lang makipagkita kay Jacob." Paglalambing ng nobyo. Kunwaring kinalas niya ang mga braso nito na pumupulupot sa baywang niya.

"Ano ba Arthur?Bitawan mo nga ako." Siyempre, kailangan mas kapani-paniwala ang acting niya.Di siya magkakaroon ng maraming award sa drama nung nag-aaral pa siya kung di siya magaling no.Acting pa more!

"Sweetheart, ok na nga. Wag ka ng magtampo at umalis oh." Hinagod pa nito ang likuran niya. Ay letse naman!Makakatanggi at magagawa pa ba niyang magdrama kung kinikilig na naman siya. Kung bakit kasi magaling mang-uto ang lalaking ito?

Humarap siya rito. "Talaga?" Nakangiti na siya.

"Oo na nga. Pasalamat ka, mahal kita." Sagot ni Arthur.At saka siyempre, hinalikan na naman siya nito. Hinding-hindi talaga siya magsasawa sa halik nito.

"So, bati na tayo ulit?" Tanong kaagad ng nobyo pagkatapos ng mahabang halikan.

Kung minsan gusto niyang mag-isip na baka bakla ang jowa niya.Masyadong korni kasi ito. Pero kahit korni,bentang-benta naman ito sa kanya. Mahal niya eh.

"Oo, basta payagan mo ako." At saka kinuha niya ang phone niya.

"Huh?Saan?" Takhang tanong ni Arthur.

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now