Chapter 29

16.4K 446 15
                                    

"So,anong pinagkakaabalahan mo sa buhay iha?" Tanong kaagad ng mommy ni Arthur sa kanya pagkaupo nila sa dining table.Di alam ni Catherine kung ano ang isasagot.

Tumingin siya sa kay Arthur na humihingi ng saklolo.Tumangu-tango lang ang kasintahan na ang ibig sabihin ay ipagtapat na lang sa ina nito ang totoo.

Kaya kahit nahihiya at kinakabahan man siya sa maging reaction ng mommy ni Arthur,sabihin niya na lang ang totoo.At least hindi siya magsisinungaling.

May mga dalawang kapatid pa pala si Arthur. Puro mga babae ito. Kambal pa.Sina Venice at Victoria na narito rin sa may round table ng dining kasama ang ama nila. Pinakilala na rin siya. Ang gaganda nga ng mga ito. Nakakabatang mga kapatid ito ng nobyo.

"Uhmmm...t-tita ano po k-kasi eh." Nauutal na sabi niya.Nahihirapan talaga siyang sabihin.Ano kaya ang reaksiyon ng mga magulang ni Arthur kapag nalaman nitong isang alalay lang siya?Sobrang kabado na siya. Bakit kasi di na lang ang nobyo ang magsabi eh?

"Sige, sabihin mo iha. Ano yun?" Nangingiting sabi ng mommy ni Arthur.

"Tita..." Napalunok muna siya at saka pumikit habang kumukuha ng bwelo. "....alalay lang po kasi ako ng anak niyo." Mabilis lang niyang nasabi ang mga katagang yan. Pagkasabi niya nun,agad siyang dumilat.

Nakita niya na lang na nagtatawanan na ang lahat.Pati ang mga naka-uniform na mga maids ay nakikitawa rin.

Kaya hiyang-hiya siya. Pakiramdam niya,sumisikip ang balat niya sa mukha.Tumingin siya kay Arthur na tumatawa rin.Ang walang hiya niyang boyfriend, very supportive.Hindi man lang siya inalalayan sa mga sagot niya.Tiningnan niya ito ng masama at pinanlakihan ng mga mata.

Pero kinindatan lang siya nito. Kaya ayun,gigil to the max siya rito.

"Hahaha!Sorry iha ha.Pinakaba pa kita." Natatawa pa ring wika ng tita Esmeralda niya.Yun yung sinabing pangalan kanina ni Arthur sa kanya eh. "Alam na namin yun.Sinabi na ni Arthur kahapon pa nung ipinaalam niya sa amin na isasama ka niya." Dugtong pa nito. Alam na pala nila, tapos tinanong pa siya. Uso ba sa pamilyang ito ang confirmation?

"Gusto lang kasi naming malaman mula mismo sayo iha. Don't worry,tanggap namin kung sino man ang mamahalin ng anak namin. Ang mahalaga ay mahal siya nito at di iiwan." Binigyan pa ng mga diin nito ang huling sentence.

"Mom naman,mahal na mahal ako niyan ng sweetheart ko.Kaya di niya ako iiwan no.Di ba sweetheart?" Inakbayan pa siya nito at kiniss sa noo.

"Sweetheart? Yuck!Ang baduy ng endearment mo kuya." Halos sabay pa na kantiyaw ng kambal.

"Kayong dalawa.Tumigil muna kayo sa pang-aasar kay kuya niyo." Baling ng mommy sa kambal. "Ngayon nga lang naisipang umuwi ng kuya niyo eh.Kung di pa dahil kay Catherine, di pa yan uuwi.Kaya,salamat iha dahil dumating ka sa buhay ng anak ko." Siya naman ang binalingan.

Yung daddy nila ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nila.
Bakit kaya 3 years na di nakauwi si Arthur? Sa isip niya.Isa pa ito sa gusto niyang itanong sa boyfriend. Ang dami niya ng gustong itanong rito.

"Salamat po sa pagtanggap sa akin tita." Seryosong pagpapasalamat niya.Ang swerte na nga niya sa boyfriend, ang swerte pa niya sa pamilyang ito.

"Naku, welcome na welcome ka rito iha." Nagulat pa siya ng biglang magsalita ang daddy nila.

At hanggang ngayon pala ay nakaakbay pa rin ang boyfriend niya sa kanya.

Masaya silang nagsalu-salo ng tanghalian.Marami din silang napagkwentuhan.Tungkol sa buhay ni Arthur.

"Alam mo iha. Naku, yang boyfriend mo, bata pa yan ay gusto ng mag-artista.Pangarap niya kasi yun. Kaya nagawa nga niyang lumabag sa amin eh." Pagkekwento ng mommy nito.

"Mom!" Agad na saway ni Arthur.Pero parang di ito narinig.Kaya nagpatuloy ito sa pagkwento.

"Gusto kasi namin na ang mga businesses na lang ang aasikasuhin niya. Pero matigas talaga ang ulo.Nilabag kami kahit tinakot na namin siya na itatakwil at tanggalan ng mana. Pero nagpatuloy pa rin siya. Mas pinili pa niya ang pangarap kesa amin." Malungkot na kwento nito. "Sabi niya kasi,mabubuhay niya naman ang sarili niya. Kaya ayun,tiniis namin siya kahit hirap na hirap siya sa showbiz. Di pa siya sikat nun.Kaya di pa niya nabibili ang nais. Pinaimbistigahan siya namin. Kahit awang-awa kami sa kanya, di namin siya tinulungan.Nalaman din namin, na nagtataxi na lang ito dahil nagtitipid.Pero di pa rin siya sumuko sa pangarap niya.Determinado talaga siya. Hanggang sa unti-unti siyang nakilala sa showbiz.Hanggang sa naging matagumpay nga siya.Akala namin nung umuwi siya muli rito gusto niya lang na magyabang.Pero hindi pala. Dahil umuwi siya rito na broken at luhaan.At..."

"Ma,enough!" Putol ni Arthur sa sasabihin pa ng ina.

Ano daw yun? Umuwing luhaan at broken? Pero bakit?Lalo siyang naguluhan.Mayroong hindi yata sinasabi sa kanya ang boyfriend. At ang lahat ng iyon ay gusto niyang malaman.Gusto niyang malaman ang lahat-lahat tungkol sa taong minamahal.

Pero paano niya malalaman kung ang boyfriend niya mismo ang ayaw na malaman niya?

"Excuse us po.Magpapahinga na po kami mom,dad.Napagod din kami sa byahe eh." Si Arthur.Agad na tumayo ito at hinawakan na siya sa kamay.

"Let's go sweetheart." Yakag nito sa kanya. Mabuti na lang dahil tapos na rin silang kumain.Nag-excuse na rin siya at agad na silang tumalikod.

"Kuya,sa guestroom mo dalhin si Ate Cathy ha.H'wag sa room mo!" Pahabol pa na pang-iinis ng kambal at saka nagtawanan ang mga ito.


A/N: Hahaha!Natatawa ako kasi nagkakamali ako mag type ng mga characters ko.Kaya paulit-ulit ko itong binasa bago pinost.
Thanks again.And enjoy reading. I know,maiksi lang ang UD ko ngayon.

My Amazing Alalay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon