Epilogue

38.2K 830 163
                                    

Six years after...

"Bernie,Bernice stay here!Stop running around!" Sigaw ni Catherine sa mga makukulit na kambal.Oo, kambal ang anak nila ni Arthur.Babae at lalaki ang mga ito.Takbo ng takbo kasi ang mga ito sa garden.Nandito sila kasi sa rancho ng pamilya ni Arthur sa Laguna.Nagbakasyon sila rito.

Limang taon at limang buwan na ang kambal.Parang kailan lang kasi.

"Sweetheart, wag masyadong i-stress ang sarili sa kambal.Hayaan mo silang mag-enjoy muna." Mula sa likuran ay niyakap siya ng kanyang mahal na asawa.

"Eh?Baka madapa mahal ko." Humarap siya sa asawa at ipinulupot ang braso sa batok ni Arthur.

"Ayan ka na naman.Napaka-over protective mo naman sweetheart sa dalawang iyan.Ayaw mo kasing kumuha ng tagapag-alaga eh.Kaya napapagod ka tuloy.Wala ka ng time sa akin." May himig tampong sabi ng asawa.

"Asos! Pinagseselosan mo ang mga anak mo?" Nakangiting tanong niya. "Alam mo namang ayoko no.Anak natin ang mga iyan eh.Kaya ikaw lang at ako ang may karapatang mag-alaga diyan.Maliban sa mga makukulit nating magulang,pinsan at mga kapatid mo,mahal ko." At lalo pa niyang idinikit ang mukha niya sa asawa.Kunting-kunti na lang magpang-abot na ang mga labi nila. "Kaya wag kang mag-alala kayang-kaya natin yan."

"Kahit pa lumabas na ang kapatid nila? Kaya mo pa rin kaya sweetheart?" At kinapa ni Arthur ang maliit na umbok ng tiyan niya.Buntis na naman kasi siya ng apat na buwan.

"Kasalanan mo. Binuntis mo ulit ako.At kapag kambal na naman ito, naku Arthur,talagang di na kita bibitawan habang umi-iri ako." Napangiti siya bigla kung paano niya sabunutan si Arthur noon sa tuwing umi-iri siya sa kambal.Dalawa ba naman ang inilabas niya ng normal.Mabuti na lang si Arthur noon ay di iniinda ang pananakit niya noong nanganganak siya.

"Ok lang sweetheart. Alam ko naman na sa kabila ng mga sakit nun ay kaligayahan naman ang kapalit kasi lalabas na naman ang bunga ng pagmamahalan natin." Akmang ilalapat na ni Arthur ang mga labi nila ng....

"Gross/Hep hep!" Sabay-sabay pa na sigaw ng mga nasa likod nila. Kaya naudlot tuloy ang balak na paghalik ni Arthur sa kanya.Napatawa na lang siya ng lihim.

"Di ba kayo nahihiya sa amin?Pakiramdam niyo kayo lang ang tao rito?" Si Jychel.

Kahit kailan talaga. Sa isip ni Catherine.

"Kaya nga." Sabat naman ng kambal na mga kapatid ni Arthur.

"Bakit nandito ka buntis? Nasaan ang pangit mong asawa?" Sita kaagad ni Arthur sa pinsan na si Jychel.

"Inutusan ko munang mambabae habang buntis pa ako." At ngumiti ito ng pilyo.

"Sira!" Si Catherine.

Nagtawanan naman ang lahat.

"Sweetheart, puntahan ko muna ang kambal ha.Baka pawis na pawis na ang mga iyon." Paalam ni Arthur sa kanya habang parehong nakatingin silang lahat sa kambal na naghahabulan pa rin.

"Best daddy ever!" Pahabol pa na tukso ni Jychel kay Arthur habang lumalakad ito papunta sa kinanaroroonan ng kambal.

"Bakit ang asawa mo Jychel,di ba ganito?Di pa nga yan lumalabas parang ayaw ng padapuan sa langaw!" Sigaw pa ni Arthur.

Kaya napapailing na lang siya. Ang swerte niya talaga sa buhay.Lalo na sa asawa.

Marami silang napagdaanan,pero nalampasan naman nila. Si Sierra, di na humabol pa kay Arthur.Baka na-realize na. Si Jacob,ay nagwagi naman na mabawi si Railey.Alam niya na rin ang kwento ng mga ito.Si Benjamin at Jychel,masaya na rin sa ngayon.Si nanay niya,daddy at tita Merly niya ay nagka-ayos na rin alang-alang sa kanya. At ang mga anak niya ay spoiled sa lahat.Kahit pa sa pamilya ni Arthur.Lalo na sa tita Merly niya na kaunting iyak lang ng kambal ay talagang ibinibigay ang gusto.Itinuring niya itong tunay na mga apo.Ang nanay niya ay sa sariling bahay na rin nila ni Arthur nakatira.Ito kasi ang katuwang niya sa buhay.

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now