Chapter 9

23.2K 642 28
                                    

Hindi niya alam na sa isang mall pala siya dinala ng mga paa niya.Tss! Ang gusto niya lang naman talaga ay yung makauwi na sa condo at doon mag-emote ng toda max.

Pero heto siya ngayon sa isang mall at nagwi-window shopping. Wala naman kasi siyang pera kasi ipinadala niya na sa inay niya ang buong sahod niya.Pambili ng gamot.

Kahit anong gawin niyang pag-aliw sa sarili dito sa mall ay di pa rin maalis-alis sa isip niya ang dalawa.Sina Arthur at Sierra. Ano na kaya ang ginagawa ng dalawa?Nagtatawanan pa rin ba?Heto na naman siya sa iniisip niya.

Kung pwede na nga lang sinabunutan ang sarili niya ay kanina pa niya ginawa.

Bakit kasi apektado siya masyado?Eh ano naman kung nagde-date yung amo niya?

"Urgh!" Naiinis na sabi niya habang ang mga kamay ay inihilamos niya sa mukha.

Kaya di niya napansin na may nabangga na siyang tao.

"Ay miss,I'm sorry." Hinging paumanhin ng nabangga niya na ang totoo siya naman talaga ang nakabangga.

Pagtingin niya sa taong naka-bangga sa kanya ay halos matumba pa siya.Siyempre joke lang.Isa kasi itong ipinaglihi yata sa isang greek goddess.

Gusto niyang mapa-OMG dahil sa kagwapuhan nito. Pero mas pinili niya ang magtaray-tarayan effect. Baka akalain ng isang ito ay ang bilis niyang kumikiringking sa mga gwapo.

Bakit ba kasi napapaligiran siya ng mga nagagwapuhang lalaki sa mundo?Una,siyempre si Arthur my labs niya, tapos si Jacob. At ngayon ay dumagdag pa ito. De kaya ay nasa fairytale land siya o de kaya'y nasa planetang Adonis?Waaahhh!Meron bang ganung planeta?Ano ba tong mga naiisip niya?Erase,erase.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Hey miss,I said I'm sorry." Iwinagayway pa nito ang mga kamay para mapansin niya.At ngumiti pa ito na lalong nagpagwapo sa taong ito. Pero mas gwapo pa rin si Arthur niya no.Ano ba yan,Arthur na naman?

Biglang bumalik ang diwa niya.

"Ah...it's ok.Actually it was my fault.So I'm sorry." Sagot niya.Di ba sabi niya magtataray siya? Pero di niya pa rin nagawa kasi likas na mabait talaga siya.

Ngumiti na naman ang nabangga niya.

"Apology,accepted.By the way,I'm Benjamin Villafuente." Nakipag-kamay ito sa kanya. Na inabot niya naman.
"Benjamin Villafuente?" Naisitinig niya pala yun. Familiar kasi ang pangalan.Kaya kumunot ang noo niya.

"Yes miss.Why?" Tanong nito sa kanya.

"Ah...ah.Wala.Familiar ka kasi." Ngumiti siya. Iniisip niya pa rin kung saan niya ito nakita.

"Marami lang kasing naglipanang mga gwapo na kagaya ko.Kaya familiar ako sayo." Sagot nito at saka kumindat.Grabi pala ang hangin nito. Sa isip niya.Hindi na siya sumagot.Sa halip ay ngumiti lang siya.

"And what is your name miss if you don't mind?" Tanong nito.

"I'm Catherine Supladico." Kahit naiinis siya sa kaharap ay formal pa rin siyang nagpakilala.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"What's your order?" Tanong sa kanya ni Benjamin. Natagpuan niya na lang ang sarili niya na sumama dito sa restaurant. Dahil marahil ay gusto niya lang magpalipas ng oras at kakalimutan saglit ang lalaking naging dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa mall at may isang estranghero na kasama.Unang beses niyang sumama sa di niya kilala ng lubusan in short, stranger. Ewan ba niya,pero kampante siya sa taong ito.Mukha naman kasing mabait at katiwa-tiwala ang mukha kahit pa mahangin ito.Di naman siguro kidnapper ito at lalong di naman siguro rapist ano?

My Amazing Alalay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon