Chapter 12

21.8K 609 18
                                    

A/N:Pasensiya na po kayo sa UD na ito. Wala ako sa katinuan nung isinusulat ko ito. Whahahaha! Kaya ayun,kung anu-anong eksena ang naiisip ko.Di bale babawi ako next UD.Baka sakaling magaling na ang utak ko niyan.hahaha!
Lovelots-Ang baliw na Author. *wink*

"I said,you stay." Ulit ng amo kasi di na siya nakapagsalita.Panira naman ng moment ang lalaking to.Sa isip niya yan.

"At bakit?" Kunwari lang ang pagtataray niya na yan. Siyempre no,di siya magpapahalata.

"Dito ka matutulog." Sagot ng kaharap.

Kaya nanlaki tuloy ang mga mata niya. "Ano?"

Kaya ayun,todo ngisi na naman ulit ang amo.

"Diyan ka na nga." Tinalikuran niya na ito. Kanina pa siya kasi pinagtitripan eh.

"Ano ba Arthur?!" Nagulat pa siya ng bigla siya nitong hinila pabalik sa kama.Ano ba talaga ang gusto ng lalaking ito. Sarap ng pokpokin.

"Bakit mo ba ako inihagis sa kama?Kung makahagis ka naman diyan." Nakahiga na siya sa kama.

"Sabi ko naman,dito ka matutulog eh.Halika ka nga." Kinabig pa siya nito. Gosh!Nakakaramdam na naman siya ulit ng kakaiba.

"Matutulog lang ha?" Iningusan niya ito habang yakap-yakap pa siya nito.

"Yes.Unless..." Sadyang ibinitin pa ang sasabihin.Tsaka idinikit ang bibig sa tainga niya at bumulong. "....may iba ka pang gustong gawin." May kung anong kiliti siyang naramdaman nung naramdaman niya ang init ng hininga nito sa taenga niya. Kaya nailayo niya ng kaunti ang mukha ni Arthur.

"Manyak ka talaga.Kanina ka pa nanamantala ha."

"Eh?Nagpapasamantala ka rin naman kasi." Kumindat pa ito sa kanya.

"Aba't,ako pa ngayon,ha?" Lumayo siya dito at tumagilid.Nahihiya na siya kasi.

"Hey!Binibiro lang kita." Naramdaman niya na lang na yumakap sa kanya ang lalaki.Nagsisitayuan tuloy ang mga balahibo niya.Bakit ganito ang nararamdaman niya kapag dumidikit ang mga katawan nila?

Ayaw niyang humarap dito.Ayaw niya kasi yung makikita ng isang ito ang epekto sa kanya ng mga ginagawa nito. Ngunit nagulat na lang siya ng pihitin siya nito paharap sa kanya.

Pinandilatan niya ito. Nakangiti pa rin si Arthur. Shete lang.Ang gwapo talaga ng mokong na ito. Kaya nakakaadik.

"I miss you." Mahina lang ang pagkakasabi ni Arthur ng mga katagang ito ngunit batid niyang sincere ito sa mga sinasabi.Teka,bakit puro I miss you lang ang sinasabi ng amo? Sana I love you na lang.

Pero bakit namimiss siya nito?

"Para ba yan sa akin o para kay Sierra?" Naitanong niya tuloy.

Lalo namang lumapad ang pagkangiti ng amo.Kakainis!Bakit naisip pa niya ang babaing yun?

"Hahaha!Nagseselos ka ba kay Sierra?" Ang bruhong ito, pinagtawanan pa siya. Kaya kumuha siya ng unan at inihampas dito.

"Bakit naman ako magseselos,aber?"

"Ayaw mo lang aminin na nagseselos ka talaga." Walang humpay pa rin ang tawa ng amo.

"At bakit naman ako magseselos?May relasyon tayo,may relasyon lang?Kapal mo ah.Bakit mahal ba kita at mahal mo rin ba ako para magselo_____"

"Oo." Sagot kaagad ng amo? Ha?Ano daw? Alin yung sinagot ng amo sa mga tanong niya?Bakit niya kasi di napigilan ang bunganga?Napakunot noo tuloy siya and of course,speechless siya.

Napakalapit na naman ng mukha ni Arthur sa kanya.

"Oo. Mahal kita Cathy." So truelalo pala ang iniisip niya? Puwede na bang magbigti sa mga naririnig niya?Lalo siyang di nakakibo.Di siya kasi makapaniwala.Gusto niyang magpasampal para magising.Grabi naman kasi ang panaginip niya.Naku, baka tumalon-talon na siya sa kama kung di panaginip ito.

"Hey,ganyan ka ba kapag sinabihan ka ng mahal kita, di makakibo?" Pinisil pa nito ang matangos niyang ilong.

"Ha?Pakiulit nga?" Di pa rin siya makaget-over sa narinig.Kaw kaya ang pagsabihan ng taong matagal mo ng inaasam na mahalin ka,ng mga katagang mahal kita?

"I said,I love you." Ulit nito.At saka siya kinintilan ng halik sa noo.Gusto niyang tumili ng bonggang-bongga ngunit di niya ginawa no.Natahimik lang siya. Kasi baka pagnagsalita siya di na niya mapigilan ang sumigaw.Kilig na kilig na siya eh.

Nanatili lang siyang tahimik.Di niya kasi alam kung ano ang isasagot eh.Ganun din ang amo. Tumahimik na ito matapos magsabi sa kanya ng I love you.Di niya alam kung ano ang iniisip nito.

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now