Chapter 35

19.3K 439 17
                                    

Sa kagustuhan niya na makalayo sa bahay ng sinasabing ama niya ay dinala pa rin siya ng mga paa niya sa condo ni Arthur.

Mabilis niya itong narating. Pakiramdam nga niya ay di na lumalapat ang mga paa niya sa lupa.

Kung ano man ang dahilan kung bakit dito pa rin siya dinala ng mga paa niya yun ay siguro gusto niyang sumbatan ang nobyo.

Galit siya kay Arthur.Galit siya kasi di man lang sinabi sa kanya na alam na nito kung sino ang ama niya.Sinabi niya naman kay Arthur kung gaano niya gustong makilala ang ama niya di ba?

For her,masyadong unfair sa kanya ang nobyo. Kasi ang buhay niya ay alam lahat nito, pero ang buhay ni Arthur ay di niya pa lubusang alam. Katulad na lang sa kapatid ni Benjamin na ito pala ang ex-girlfriend.Kaya lalong sumiklab ang galit niya rito. Gusto nga niya itong sampalin.

Di na siya nag-doorbell.Pumasok na siya agad.

Agad niyang nakita si Arthur na nakangiting sasalubong sa kanya.

"Sweetheart, mabuti dahil naka-"
Pak!

Isang malakas na sampal ang isinalubong niya rito. Kaya nagulat si Arthur na siyang dahilan ng pagputol ng sasabihin nito.

"Totoo bang may alam ka kung sino ang ama ko?!" Sigaw niya agad dito.Gigil na gigil nga siya eh.Para namang agad na namutla si Arthur.

"S-sweetheart let me-"

"Talaga palang alam mo?!" Putol niya sa sasabihin ng nobyo.

"C-catherine, nagawa ko lang naman yun dahil...mahal kita. Ayokong mawala ka sa akin.Kaya inilihim ko sayo ang...lahat." Garalgal ang boses na paliwanag ni Arthur.Ito na nga ba ang kinatatakutan niya.Yung malaman ni Catherine ang tungkol sa bagay na ito. Sana kung naunahan niya lang ito sa pagsabi,sana hindi na nagagalit sa kanya ngayon ang nobya.Balak niya na kasi sanang ipagtapat ngayon.Kaso naunahan lang siya. At alam niya na kung sino ang nagsabi nito sa girlfriend niya.

"Mahal ba ang tawag diyan Arthur?!" Halos pumiyok pa siya. "Ang sabihin mo, selfish ka!Napaka-selfish mo Arthur!" Pinaghahampas niya ito. Hinayaan naman siya ni Arthur sa ginagawa niya.

"Cathy,...mahal kita, mahal na mahal. Na kahit ano gagawin ko.Basta maging akin ka lang.Binalak ko naman talagang sabihin sayo ngayon eh.Kaso naunahan lang ako.Oo, inaamin ko,nung una,naduwag ako na sabihin sayo ang totoo. Kasi...natatakot ako na kapag nalaman mo ang totoo,baka...iiwanan mo ako.Na baka...sila ang pipiliin mo. Cathy,...galit sila sa akin.Galit ang pamilyang yun sa akin na ngayon ay pamilya mo na rin. Galit sila dahil ang buong akala nila ay ipinagpalit ko si Krizza sa career ko na hindi naman." Si Krizza yung kapatid ni Benjamin na ex-girlfriend ni Arthur.

"Totoo naman di ba? Totoo naman na mahal mo yung career mo!Arthur, pinagkatiwalaan kita. Buong buhay at pagkatao ko,ibinigay ko sayo!Wala akong tinira ni katiting kasi mahal na mahal kita.Pero sinayang mo.Maliit na bagay lang yun. Alam mo naman kung gaano ko ka-gusto na makilala ang ama ko di ba?!" Pinunasan niya muna ang mga luha niya at nagpatuloy. "Pero makasarili ka.Sarili mo lang ang iniisip mo. Napaka-unfair mo! Bakit Arthur, bakit lahat ng may kinalaman sa buhay ko ay inaalam mo?Pero yung sa sarili mong buhay ni isa wala kang kinekwento sa akin.Di ba unfair ang tawag diyan.Kung di pa nga sinabi ng mommy mo ang lahat,wala akong alam sa buhay mo.Kahit pa sa kay Krizza na iyon,wala akong alam!" Patuloy na sigaw niya rito. Gusto niyang isumbat ang lahat.

Tahimik naman si Arthur na nakikinig sa kay Catherine. Wala siyang masabi kasi may pagkukulang din naman siya.Oo, napaka-unfair nga niya sa nobya dahil wala siyang kine-kwento rito tungkol sa buhay niya.At ngayon ay nagsisi at nasasaktan siya para sa nobya.Ayaw niyang nakikita si Catherine na umiiyak.

My Amazing Alalay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon