Chapter 33

17.1K 472 37
                                    

A/N: Five-Six chapters more pa siguro bago matapos to.Pasensiya na sa mga A/N ko.Ginagawa ko kasing diary ang bawat chapter.lol!

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Anong ibig sabihin nito Benjamin?!" Inis na inis niyang sinugod si Benjamin.Gusto niya itong pagha-hampasin.Akala niya pa naman mabait ito sa kanya.

"Whoa!Chillax Cath." Si Benjamin habang pini-pigilan ang mga kamay niya na akmang ha-hampas rito.

"Anong balak mo ba, ha?Bakit kailangan mo pa akong ipadukot at ipakaladkad?!" Sigaw niya.Nagtu-tubig na ang mga mata niya dahil sa galit, sa takot at sa pagkalito kung bakit siya nito pinadukot.

"Kinaladkad ka nila? Sinaktan ka ba nila?" Tanong ni Benjamin na parang naiinis.Lumingon ito sa mga tauhang dumukot sa kanya. "Sinaktan niyo ba siya?!" Galit na sigaw ni Benjamin sa mga tauhan. "Mga gago!Sabi ko ka-usapin niyo siya ng maayos.Di yung kaladkarin niyo!" Pagkasabi niyan nito ay agad na lumapit ito sa mga tauhan.Takot naman ang nakikita ni Catherine sa mga ito. Takot sila kay Benjamin?

"Sa palagay mo ba, sasama ako sa kanila ng ganun kadali lang Benjamin?" Agaw niya sa atensiyon.Sino ba naman kaya ang matinong babae na sasama na lang basta-basta sa mga ka-lalakihang di naman ka-kilala?

Napalingon naman si Benjamin sa kanya at napabuntung-hininga na lamang.Lumapit ulit ito sa kanya.

"Let's go down." Yakag nito sa kanya kasabay ng paghawak ng kamay niya. "Dito ka na nila dinala sa kwarto dahil tulog ka pa daw." Dugtong pa nito.
Paanong di siya makaka-tulog eh tinakpan ang ilong niya ng panyong may gamot? Gusto niyang isa-tinig yan. Pero walang may lumabas sa mga labi niya.Nanatiling naka-tikom lang ito.Kasi hanggang ngayon ay kina-kabahan pa rin siya.Di niya pa kasi alam ang tunay na dahilan kung bakit siya bigla na lang pina-dukot ni Benjamin. Pakiramdam niya tuloy ay nasu-suka siya.

"Ano ba talaga ang pakay mo Benjamin?" Nanginginig na tanong niya.

"Mag-uusap lang tayo.Malalaman mo rin ang lahat mamaya." Sagot nito. Kaya napakunot-noo siya.

"Mag-uusap lang tayo?Bakit kailangan mo pa akong ipa-dukot?Pwede naman tayong mag-usap sa ibang lugar ah." Naiinis na tanong niya.

Tumawa muna ng pagak si Benjamin bago siya nito sinagot. "Alam ko kasing di ka rin pa-payagan ng boyfriend mo.Napaka-seloso. At isa pa may gustong kuma-usap sayo. Kaya tara na at wag ka ng maraming tanong." At hinila na siya palabas ng kwarto.Nagpatianod naman siya.Bumaba sila sa hagdan at dinala siya nito sa sala. Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay.Oo, bahay ito.Napaka-laking bahay.

"Maupo ka muna habang wala pa sila." Itinuro pa ni Benjamin ang malaking couch.
Sila? Sino kaya ang mga iyon?

Di niya tuloy mawari ang nararamdaman niya.Kina-kabahan at natatakot kasi siya. Ano ito?

Sinenyasan naman ni Benjamin ang mga tauhan na naka-sunod sa kanila kanina pag-baba na umalis na.

Sumasakit na ang ulo niya. Nahihilo na rin siya. Dagdagan pa ng sikmura niya na parang masusuka na siya.Hindi niya talaga kasi maisip kung ano ang mga kaganapan ngayon.Naguguluhan siya.

"Ano ba talaga ito Benjamin?" Halos mangiyak-ngiyak na tanong niya.

"Cath,ang alam ko,today ay ya-yakapin mo na ang panibagong yugto ng buhay mo. Kaya be ready." Ginagap pa nito ang kamay niya.Tinabihan siya nito sa couch.

"A-anong ibig mong sabihin?" Naka-kunot-noong tanong niya. Ano ba kasi talaga ang mayroon?Napa-hilamos tuloy siya sa mukha niya.

"Kahit kailan ba Cath di man lang sumagi sa isipan mo na kung ano ang pakay ko sayo? Hindi mo ba tinatanong sa isipan mo kung bakit palagi tayong nagkikita?Napa-isip ka ba? Natanong mo na ba sa sarili mo na kung bakit sa palagi nating pagkikita at mga banat ko sayo ay di kita niligawan?Cath,..." Hinawakan nito ang baba niya at pilit na pinaharap siya ni Benjamin dito dahilan upang magpantay ang mga mukha nila.Nakatungo kasi siya eh.Kasi ba naman,gulung-gulo na siya sa mga pinagsasabi nito. "....maganda ka at mabait.At kahit sino sigurong lalaki ay magkakagusto sayo. Pero napansin mo bang may balak akong ligawan ka?Di ba wala?Ang mga pambobola ko sayo lalo na sa harap ni Arthur ay isang pang-aasar ko lang sa kanya." Dugtong nito.Tama nga ito. Ni hindi niya naramdaman na may gusto ito sa kanya o binalak siyang ligawan.

"Bakit?" Maang pa rin na tanong niya.

"Alam mo bang palagi kitang sinusundan?" Sa halip na sagutin ang tanong niya ay ito ang nasabi nito.

Stalker.

At tama nga.Di siya nagkamali noon na ito nga yung natatandaan niyang palagi siyang nililigtas.So siya nga ito.Itinanggi lang nung tanungin niya ito noon.Pero bakit?

"Nagsimula lang yun nung narito ka na sa Manila.Marami ka pang dapat malaman Catherine. At yung sa party, naalala mo ba kung bakit alam kong may allergy ka sa hipon?" Tanong nito sa kanya.Kahit gulung-gulo ang isipan niya ay napatitig siya sa mukha nito. Napakagwapo ng lalaking ito. At hindi niya alam kung bakit nagkahiwalay sila ni Jychel.Habang nakatitig siya sa mga mata nito, hindi niya maalala kung kanino niya nakita ang ganitong mga mata.

"O-oo.Natatandaan ko ang sinabi mong yun.Pero bakit alam mo?" Marami na siyang Bakit na nai-tanong rito?

Sumeryoso naman ang mukha nito na tila ba humu-hugot ng mga sa-sabihin.Titig na titig ito sa kanya na para bang hirap na hirap sa mga susunod na sa-sabihin sa kanya.

Kaya nagka-sukatan sila ng tingin.At heto na naman siya.Nakikita na naman niya ang mga mata ni Benjamin na di niya maalala kung kanino niya ito nakikita.Dahil sa gusto niyang maalala,napa-pikit siya. At sa kanyang pag-pikit ay unti-unti niyang naki-kita ang mga matang iyon.

Shit!

Napa-mura siya sa isipan ng ma-alala na niya.

Ang lakas tuloy ng kabog ng dib-dib.Pakiramdam niya ay may mga dagang nag-uunahang magsi-takbuhan dun ng mapag-tanto niya na ang mga matang iyon ay naki-kita niya sa....

Kanya.

Pero bakit? Bakit magka-pareho sila ng hugis ng mga mata?Di lang pala mata.Pati pala ang mga labi nito.At ang hugis ng mukha nila. Bakit ngayon niya lang napansin ito?

Pakistani ang mother nito di ba? Di ba foreigner din ang ama niya?Patuloy pa rin siyang naka-pikit.Gusto niyang may maalala.
Nagpa-buntis lang naman ang ina niyan sa Pakistani na mayaman.

Naalala niya na. Narinig niya ito minsan sa kapit-bahay nila noon.Napa-daan kasi siya at alam niyang siya ang pinag-uusapan.Kung ganun,pareho sila ng lahi?

Napa-dilat siya agad ng mga mata.

Naka-kunot ang noo niya.

"B-benjamin,...m-may alam ka ba sa b-buhay ko?..." Kanda-utal-utal na tanong niya. Ewan niya ba kung bakit niya nai-tanong yan.

"Cath,..k-kaya ko nalaman na allergy ka sa hipon dahil ay..." Ito yung naisagot ni Benjamin sa kanya. Yung tungkol sa hipon.

"Ay ano?" Di na siya nakapag-hintay ng sagot nito. Kahit pa na kina-kabahan siya ng sobra sa di niya alam na dahilan.

"D-dahil nasa d-dugo natin yan. Cath,...m-magpinsan tayo." Halos mabulunan pa ito.

Boom!

Pakiramdam niya tuloy ay may bombang sumabog sa harapan niya.

Paano nangyari yun? Paano sila naging mag-pinsan?Kaya ba kahit sa pag-uugali ay pareho sila?

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now