Chapter 10

23.8K 637 10
                                    

A/N: Please do some vote and comments.
Thank you.

"Hey,something's bothering you Arthur?" Tanong sa kanya ni Sierra.Kanina pa siya kasing di mapakali at panay ang tingin sa phone niya.Di niya masyadong maintindihan ang kini-kwento sa kanya ng kaharap.Nasa kay Catherine ang isip niya.

"Huh?Nothing." Nagkibit balikat lang siya. "Excuse me." Dugtong pa niya.Tumayo siya at lumabas saglit sa restaurant na kinaroroonan nila ngayon.

I-dinial niya kaagad ang phone number ng alalay.

Pero out of coverage naman.Gusto niya lang kasing masiguro kong nakauwi na ito.

Nakailang dial na siya pero di talaga ito nagri-ring.Tini-text niya na rin ito kasi sobrang nag-aalala na siya at kinakabahan din siya.Baka ano na ang nangyayari sa alalay.

"F*ck!Answer it Catherine!" May panggigil na ang boses niya.Naiinis na siya.

Hindi niya alam kanina kung nagseselos ba ang alalay o galit ito sa kanya.

Pakiramdam niya nagtatampo sa kanya ito. Kaya kailangan niyang suyuin.

Ayaw niyang ganito ito sa kanya. Di siya sanay na nakikita niya itong nasasaktan.Tama, nasasaktan ang alalay niya ayun sa mga nakikita niya dito kanina.

Mahal din ba siya ng alalay?Kasi siya,matagal ng tinatago ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito.Bigla siyang napangiti sa iisiping yun. Kaya kailangan niya talagang suyuin ito.

Nag-try pa siyang mag-dial ulit,pero ganun pa rin. Nakailang mura na ba siya?

Kaya napagpasyahan niya na lang na hanapin si Catherine.Kaysa naman mawawala siya sa katinuan sa kakaisip dito.

Babawi siya sa babaing nagpatibok ng kanyang puso.Ngayon niya lang ulit maramdaman ang magmahal.Kaya dali-dali siyang bumalik sa loob ng restaurant para magpaalam kay Sierra.

"I need to go." Pagpapaalam niya kaagad dito.Kumunot naman ang noo ng naturang babae. "Magpasundo ka na lang sa driver mo." Bilin niya pa dito kasi baka yun ang inaalala ng babae.

"But you didn't eat yet." Sagot nito sa kanya. "Anong problema?" Dugtong pa nito.

"I need to find Catherine." Sagot niya dito.Kaya tumawa si Sierra.

"Ang alalay mo?What about her?Nawawala ba siya?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

Tumango lang siya.Gusto niyang mainis dito sa paraan ng pagtanong nito.

"Oh c'mon Arthur, she's big enough para alalahanin mo pa siya." Hinawakan ang kamay niya ng babaing ito. Ngingiti-ngiti pa ito. "And beside, she's not your responsibility. She's just your alalay." Maarte na sabi nito. Hindi na niya kaya ang pinagsasabi ng kaharap.

"She's very important to me.Special siya sa akin Sierra.Dahil ma____" Di niya na naituloy ang sasabihin dahil may biglang nag-flash.At sigurado siyang isang camera yun.
"Shit." Bulong niya.Nakuhanan na naman sila ng picture. At sigurado siya na bukas ay nasa news na ito. Nakahawak pa kasi si Sierra sa kamay niya. Kaya timing sa pag-capture ng picture. Kaya lalo siyang nainis.

"I'm sure bukas ay nasa news na ito. Kaya pwede ba, umupo ka na para di na lumaki ang isyo." Nakangiti pa rin sa kanya ang babae. Kaya wala na siyang magawa kundi ang maupo at makipagplastikan ng ngiti.Ayaw niya na kasi ng maraming intriga pa.

Pinilit niya na lang na kumain.Pero ang isipan niya ay naroon kay Catherine. Maya't-maya nga niya tinitingnan ang phone baka nag text na ito. Ngunit wala pa rin. Kaya lalong nag-panic siya.

"Pwede na ba kitang maihatid Sierra?" Tanong niya rito. Kating-kati na siya kasi na maka-alis dito para mahanap na si Catherine. Ang arte kasi ng babaing kasama niya ngayon.Kung anu-anong dessert ang ino-order nito. Halata niya naman na may gusto sa kanya ang ka-loveteam niya. Di siya manhid para di niya maramdaman.

Tumayo na siya para di na makatanggi ito. Mabuti na lang at tumayo din ito. Inalalayan niya pa.Siyempre,part of his job kaya niya ginagawa ito.

"Thank you." May paglalambing na pagpapasalamat nito sa kanya. Ngumiti lang siya at lumabas na ng restaurant.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Pagkahatid niya kay Sierra ay agad siyang umuwi ng condo.Ngunit wala dito ang babae. Kaya nagpasya siyang umalis upang hanapin ito. Baka nga nasa mga mall.

Pero di niya talaga nakita.Sobra-sobrang kaba na ang bumabalot sa kanya ngayon.At guilty siya kasi siya ang dahilan ng pagtatampo nito. Nakailang text na siya ng pa-ulit-ulit na mensahe at tawag,pero negative pa rin.

Kanina,tiningnan niya ang mga gamit ng alalay baka kasi naisipan nitong lumayas,pero nandun pa naman lahat sa condo.

"Catherine,where are you?" Kausap niya sa sarili habang ang mga kamay ay inisuklay niya sa buhok sa sobrang inis.

Saan ba niya hahanapin ang alalay?

Naisipan niyang umuwi na lang.Baka umuwi na ito.

Ngunit bigo siya. Dahil wala pa rin si Catherine. Pinagtatadyakan niya ang bawat bagay na makita sa loob ng condo niya.

Naghalo na kasi ang pag-alala niya at ang pagkagalit sa sarili.Siya kasi ang dahilan eh.

Maghihintay pa siya ng kaunti.Kapag di pa dumating ang alalay ay gagawa na siya ng paraan para mahanap ito. Kahit gumastos pa siya ng napakalaki.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"See you next time Catherine." Paalam ni Benjamin sa kanya. Pinilit siya kasi nito na ihatid.Alangan namang tumanggi siya eh wala naman siyang pamasahe.Di kasi siya nakadala ng wallet dahil kasama niya naman si Arthur eh.Naglakad nga lang siya kanina papuntang mall.Paano pala pag umuwi siya ng deretso kanina, eh wala pala siyang pamasahe.

"Thank you." Paalam niya dito.Kumindat at ngumiti lang ang naturang lalaki.At saka pinaharurot na ang kotse.Agad naman siyang pumasok at sumakay ng elevator patungo sa unit nila.

Nag-doorbell siya.Agad naman itong bumukas.

"Catherine." Bulalas ng amo niya. Agad siyang niyakap nito ng mahigpit. "Thanks God,you're back.I'm sorry." Nagulat pa siya sa salubong ng amo at sa ginawang pagyakap sa kanya. Gusto niyang humiwalay dito at tanungin kung bakit? Pero di na niya ginawa kasi,sa ngayon ay sasamantalahin niya muna ang pagkakataong ito. Kaya niyakap niya rin ito ng mahigpit.

Na-miss niya ng sobra ang amo kahit ilang oras lang silang di nagkita.

Tumulo ang mga luha niya sa di maipapaliwanag na dahilan.

Basta sa ngayon,masaya siya.

"I miss you." Si Arthur.Kaya speechless tuloy siya.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

A/N: Next chapter is SPG! Waaaaahhhhh....
Hahahaha!
SPG nga ba kaya?

My Amazing Alalay (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora