Chapter 4

27.7K 694 12
                                    

"Love is just a word,until someone comes along and gives it meaning"

" Si-...ah Arthur..." nalilito pa rin si Catherine sa pagtawag sa bossing niya.

"Yes." maiksing sagot ni Arthur.Habang si Catherine naman ay iniikot ang paningin sa loob ng condo.Hila-hila pa niya ang maleta niya.Naglalakad sila papunta sa ituturong kwarto ni Arthur, na magiging kwarto niya daw.

"Ah talaga bang tayong dalawa lang ang nandito?Wala ba tayong makakasama?"

"Catherine,bakit ba napakakulit mo?May nakita ka pa bang iba dito?" nilingon niya ito na nakasunod sa likuran niya.Kulit talaga ng babaeng ito.

"Eh kahit po,ipis,daga,o butiki man la-...Arayyy!" nagulat siya ng maramdaman niya ang sakit sa ulo niya.Kinutusan siya ni Arthur.

"Hindi lang kita kukutusan kung di ka tumigil sa nonsense question mo Catherine." kahit na pigil niya ang tumawa.Paano ba kasi naisip ng alalay niya ang mga ipis at mga daga na yun.Isip bata din pala ito.

Tumahimik naman si Catherine.Baka kasi ma-take two pa siya ng gwapo niyang amo.

Nakarating na sila sa magiging kwarto niya.Magkaharap lang pala ang kwarto nila ni Arthur.

"Ito ang magiging kwarto mo Catherine." binuksan nito ang pinto.Gandang-ganda naman si Catherine sa magiging kwarto niya.

"Wow,ang ganda naman si-... Arthur.Talaga bang magiging kwarto ko po ito?" nakangiting tanong niya kay Arthur.

"Dinala ba kita dito kung hindi?" masungit na sagot ni Arthur.Nakasimangot pa ito. Parang inosente kasi sa mundo ang alalay niya eh.

Hindi na nagsalita si Catherine.Nakita niya kasi ang reaction ng bossing niyang moody.

"Ayusin mo muna ang mga gamit mong dala tapos katukin mo ako sa kwarto.Tuturuan kita ng mga gamit kong dinadala kapag may taping ako." tsaka tumalikod na ito. Di man lang inantay na makasagot si Catherine.Napailing na lang si Catherine habang sinusundan ng tanaw ang papalabas niyang amo.

"Suplado na,masungit pa ang pagmumukha." bulong niya.

Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit niya,pumunta na siya sa kwarto ni Arthur at kumatok.

"Come in." si Arthur.Pumasok naman siya.Naiilang pa siyang lumapit kay Arthur na nakaupo sa night table nito. Nagco-computer.Nginitian niya ito.

Deadma naman si Arthur sa ngiti ng alalay niya.Baka kasi makasanayan niya ito.Oo, nagagandahan siya sa alalay niya,pero hanggang doon na lang yun.

"Come here." tiningnan niya si Catherine at tumayo.Lumapit naman ng kaunti ito sa kanya.

"This is may closet." binuksan niya ito. "Ito yung mga damit, pants,lahat ng mga dadalhin ko para sa shoot ay nandito.Ikaw ang kukuha niyan dito at ikaw din ang mag-aayos."

Tumango lang siya. Parang di kasi siya makapagsalita.Sobrang lapit ni Arthur sa kanya eh.Naamoy niya tuloy ang pabango nito.Pasimple niyang inaamoy ito.

Marami pang itinuro si Arthur sa kanya. May mga time pang magkadikit ang mga balat nila, nagkatitigan.Kaya lalo namang naiilang si Catherine sa amo. Ganun din si Arthur.May kung anong boltahe kasi siyang nararamdaman kapag magkadikit din sila. Naamoy niya rin ang mabango niyang alalay.Kaya,pati siya,halos di maka-concentrate sa tinuturo.Nakakaakit kasi ang alalay niya.

"Ok, tapos na Cathy.Puwede ka ng lumabas." pagtataboy niya kay Catherine.Cathy na lang ang tinawag niya dito.Pero parang nagugustuhan niya namang Cathy,ang itawag niya sa babaeng ito.Pinalabas niya na kasi baka di pa siya makapagpigil sa sarili sa nararamdaman ng kanyang katawan.Oh yes,he is just a man.Ayaw niyang matukso.

Tumalikod naman agad si Catherine.Nakahinga na rin siya ng maluwag dahil,di na siya kadikit ng amo. Natatakot kasi siya.Natatakot siyang baka di niya mapigilan ang sarili.Gusto niya ng pagalitan ang sarili niya.

Si Arthur naman ay napapailing na lang habang sinusundan ng tanaw ang alalay niya.Nakikita pa niya kung paano ito maglakad.Daig pa ang isang model kung rumampa.Ang ganda kasi ng katawan ni Catherine.Ang matatambok na puwit nito at ang maliit na bewang na kumikembot kapag naglalakad.Gusto niya ng suntukin ang sarili dahil,parang namamanyak siya sa alalay.First time in his life na napagnasahan niya ang P.A.Tsk!

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now