Chapter 24

18.2K 413 24
                                    

"Ano ito Jacob?!" Inis na ibinagsak agad ni Arthur sa mesa ang isang envelope na ang laman ay ang mga schedules niya.Kakapasok niya lang sa opisina ng kaibigan.

"That's your schedules Art." Pilosopong sagot ni Jacob.

"Damn it Jacob!Tinatanong kita ng matino.'Wag kang pilosopo!" Malakas ang boses niya.

"Oh,nagtatanong ka lang pala eh.Bakit kailangan mo pang sumigaw Art.Have a seat first." Kalmanteng sagot nito kay Arthur. Umupo din naman ang naturang lalaki. Samantala si Jacob ay naka-cross legs naman na umupo sa kanyang swivel chair.

"Now tell me,bakit mo ako tinambakan ng ganito karaming projects and schedules Jacob?Papatayin mo ba ako sa pagod?" Tiim bagang na tanong niya kay Jacob.

"Di ba, yan naman ang gusto mo Art?Dapat matutuwa ka pa sa akin eh." Nakangesing sagot nito.

"Oo. Gusto ko yun. Pero,for pete's sake Jacob,wag namang ganito na halos wala pang isang oras ay mayroon na naman akong tatrabahuin.Kung ginusto ko ito nun,di na ngayon.Dati pa yun Jacob.Di na ngayon." Sobrang dami naman kasi ng schedules niya. Wala na siyang oras sa sarili at siyempre, para kay Catherine. Kaya galit na galit siya ngayon sa manager niya eh.Di naman kasi ganito to dati ang kaibigan.Ito pa mismo ang tumatanggi nun kasi wala na daw siyang pahinga.Pero ngayon,heto siya, tinatambakan ng trabaho.

"Ano ang pinagkaiba ng dati at ngayon ha,Art?" Sumeryoso ang mukha ni Jacob at tumayo ito. "Don't tell me na may pinagkakaabalahan kang iba?" Makahulugang tanong nito.

"None of your business Jacob.Just answer my question." Diniinan niya ang mga salitang binitawan.

"Nakalimutan mo na bang,part ako ng business mo Arthur?" Ngumisi ito.

"But not my personal life Jacob." Mabilis na sagot niya rito. "Wag mong ibahin ang usapan." Dugtong pa niya na nakakuyom ang mga kamao.Sa totoo lang,gusto niya ng suntukin ang kaibigan.

"Magkaibigan tayo Art.Kaya naman siguro,may pakialam ako sa tinatawag mong personal life.Dahil ba kay Catherine ang lahat ng ito Arthur? Kaya ba ayaw mong tanggapin kasi mawawalan ka ng time sa kanya?" Deretsong tanong nito. Kaya lalong pinigilan niya ang mga kamao.Gusto niya na itong pakawalan pero nasa matinong pag-iisip pa rin siya. Kokontrolin niya na lang muna ang sarili hanggang kaya niya pang kontrolin ito.

"Kapag sinabi ko bang oo Jacob,may magagawa ka?"

Kaya napahalakhak ang kausap ng nang-uuyam. "Man,malala ka na. Di ko akalain na ang isang Arthur Romero ay papatol sa kanyang alalay." Umiling-iling pa ito. Kaya napatayo na rin siya upang suntukin ito sana.

"Whoa Art!Susuntukin mo ako dahil lang dun. Kapag ginawa mo yan sa akin,sa palagay mo, di ka magugulo sa showbiz?At ano ang idadahilan ko kung bakit sinuntok mo ako,ha?Sasabihin kong dahil sa alalay mo? Sa palagay mo ba, di madadamay si Cath kapag nangyari yan? Think of it Art." Agad na saad ni Jacob ng makita nito na akma siyang susuntukin ni Arthur.

Kaya nung narinig niya ang pangalan ni Catherine ay parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. Tama naman kasi si Jacob.Madadamay lang si Catherine. Kaya kinalma niya na lang ang sarili.Alang-alang sa babaing minamahal.Sobrang asar na siya kasi kanina kay Jacob gawa ng idinamay pa rito si Catherine.

"Napatulala ka na diyan Art.Totoo kasi di ba? Ang tanong ko,anong mayroon sa inyo ni Catherine Arthur?Tama ba ang hinala ko na may namamagitan sa inyo?" Untag nito sa pagkatulala niya.

"Mahal ako ni Catherine at mahal ko rin siya Jacob.In short,nagmamahalan kami." Walang pag-aalinlangan na sagot niya sa kaibigan.

"What the f*ck Arthur?! Are you out of your mind?!" Sigaw ng manager. Nagulat din siguro ito sa sagot niya. "Ano, willing ka bang i-give-up ang career mo dahil lang sa babaing yun?!" Dugtong pa nito.

"Kung yan lang ang paraan para mapatunayan kong mahal na mahal ko siya Jacob,will I'm willing." Pagkasabi niya nun ay agad na siyang lumakad papuntang pintuan.Parang napatulala naman si Jacob sa sinagot ng kaibigan.

"By the way Jacob,cancel those schedules and projects." Nilingon niya muna si Jacob.

"Are you insane Art?Hindi na pwede yun kasi pinirmahan ko na ang mga yun. Makakasuhan ka,tayo." Naiinis na sagot ni Jacob.

"Then,problema mo na yun." Pagkasabi niya nun ay agad na siyang lumabas.Buo na ang pasya niya.Di na niya tatanggapin ang mga yun. Tatapusin niya na lang muna ang natitira pa niyang mga projects. Kaya niyang iwan ang lahat.Mapasaya niya lang si Catherine at pati siya.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Saan ka galing?" Salubong kaagad ni Catherine kay Arthur pagdating nito. Nakangiti pa siya.Di niya kasi alam na umalis ito kanina. Nakaidlip pala siya.

"Sorry sweetheart. Di na ako nakapag-paalam sayo kanina kasi nakaidlip ka eh.Hinalikan pa siya nito sa mga labi. "Galing ako sa office ni Jacob.May inayos lang." Hinapit siya nito sa baywang at dinala sa sofa.

Ipinantay ni Arthur ang mukha nito sa mukha niya at tiningnan siya sa mga mata.

"I love you sweetheart.Nakaka-miss ka." Sabi nito. Kaya ayun oh,kinilig na naman siya ng sobra.

"I love you too mahal ko." Sagot niya.Pakiramdam niya tuloy nangislap ang mga mata niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Naramdaman niya na lang na lumapat na pala ang labi ni Arthur sa mga labi niya.Nasanay na siya talaga na namnamin ang matatamis na mga halik ng kanyang sinisinta.At higit sa lahat,sanay na sanay na siya na sa tuwing maghahalikan sila ng nobyo ay kung saan-saang parti na ng katawan niya dumadako ang kamay nito.

Kumalas si Arthur sa paghalik sa kanya. Disappointed siya tuloy.Akala niya higit pa sa halik ang gagawin nila.

"Dress up sweetheart. Mamaya na nating gabi ipagpatuloy ito. Baka di pa ako makapagpigil at di tayo makakapunta ng party." Ngumiti ito at mabilis siyang kinintilan ng halik.

"Party?Saan?" Kunot-noong tanong niya.

"Birthday party ng kaklase ko nung college ako." Sagot nito.

"Bakit kasama ako?" Naguguluhang tanong niya.Di niya naman kasi kilala ang mga yun.

"Siyempre, ipapakilala kita sa kanila." Sagot naman nito.

Seriously, ipapakilala siya?

"Nakakahiya." Tipid na sagot niya.

"Bakit ka mahihiya sweetheart?" Takhang tanong nito. Alam ba nito kung ano ang ikinakahiya niya?Siyempre, ang magkasalungat na buhay nila ni Arthur.At sigurado siyang,masyadong sosyal ang mga naroon sa party.

"Ikaw na lang kaya mahal." Sagot niya rito.

"Ayoko.Gusto ko,kasama kita. At isa pa walang camera dun sweetheart. Alam kung yan lang naman ang inaalala mo eh." Pangungumbinsi nito sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya. Kung alam lang sana ni Arthur na ang inaalala niya ay yung, mga maaaring itanong sa kanya ng mga kaklas.Paano na lang kapag tinanong siya ng mga ito kung saang pamilya siya nagmula,kung ano ang trabaho niya?

Paano na lang?

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now