Chapter 8

23.6K 662 25
                                    

A/N: Please vote and comments po.
Thank you!

*****************

Nasa backstage si Catherine habang si Arthur ay ini-interview.

Nanunuod siya sa telebisyon na narito sa backstage. Kaya naririnig at nakikita niya ang pag-iinterview sa amo. Kahit sina Jacob at yung mga make-up artists ni Arthur ay narito rin.

Ang interview ay tungkol sa intriga na nililigawan nito si Sierra.

"Totoo bang nililigawan mo si Sierra?" Tanong ng host ng talk show.Ito na yung pang-huling interview kay Arthur. Dalawa sila ni Sierra ang ini-interview siyempre.

Nagsigawan ang mga audience.Ang lahat ay nag-hihintay ng sagot ni Arthur. Lalung-lalo na ang baklang host na nag-iinterview.Kinikilig pa ito.

Parang ayaw ni Catherine marinig ang sasabihin ni Arthur. Bakit takot siyang malaman ang isasagot ng amo?Malamang,dahil alam niya sa sarili na mahal niya si Arthur.

Nakita niyang ngumiti si Arthur tapos humarap kay Sierra at tumingin sa mga mata nito tsaka sumagot.

"Well,..uhm." Nag-clear throat muna si Arthur. Na halos naman ikapuno ng tili-an sa studio.Hinihintay ng lahat ang sagot niya.

"Siguro naman po,di naman big deal kung totoo o hindi man yun. Wala naman po sigurong maaapakang tao di ba?Basta sa ngayon po,wala po muna akong sasabihin.Malay natin." Sagot niya.Malay natin? Yun yung malaking words na pumasok sa kukuti ni Catherine.

Bakit masakit sa pakiramdam ang mga naririnig niya?Bakit gusto niyang magselos sa simpleng sagot ni Arthur? Kahit pa alam niyang part of a showbiz lang ito.

Natapos na ang interview at lumabas na sina Arthur at Sierra sa backstage.

*******************

Nakasakay na sila ngayon sa kotse na kung saan si Arthur yung nagda-drive.

Nasa backseat siya kasi sumama pa ang epal na si Sierra. Kaya ito yung nasa front seat katabi ni Arthur.Paano ba naman,nagdadahilan ang babaing ito na walang kotse ngayon.Kaya ayun,nagpa-awa effect kay Arthur.

Naiinis na siya talaga sa Sierra na ito. Ewan ba niya pero mabigat ang kalooban niya dito.Pero alam niya naman ang dahilan niya.Kasi nga nagseselos siya. Nagseselos siya kahit alam niyang wala siyang karapatan.

Kung di sana umepal ang babaing ito, eh de sana siya ang katabi ni Arthur.

Masayang nagki-kwentuhan ang dalawang nasa unahan niya.Samantalang siya ay naririndi na at di na kumikibo.Halata naman kasing nilalandi ni Sierra ang amo eh.Kung may karapatan lang siya siguro na magalit o magselos,malamang sa ngayon siguro,kalbo na ang babaing kinaiinisan niya.

Nagngingit-ngit ang kalooban niya kapag naririnig ang tawanan ng dalawa.Kaya napapangiwi na lang siya.

"Are you okay Cathy?" Tanong ni Arthur sa kanya. Nakita pala siya nitong ngumiwi sa salamin.

Tumango lang siya.Parang di siya makapag-salita kasi ang sama ng loob niya kay Arthur. Sana lang mayroon siyang karapatan sa amo na magalit kapag may nilalanding babae.Kaso wala eh.At malabo yun.

Umiwas siya ng tingin sa amo. Kahit anong saksak niya sa kukuti na wala siyang karapatan na maiinis pero di niya talaga mapigilan eh.At kahit siya, nabe-bweset na rin sa sarili.

Pagkadating nila sa restaurant ay agad na pinagbuksan ni Arthur si Sierra ng pintu-an.

Kaya lalo siyang nainis. Pa-importante kasi masyado.Sarap ngang itulak.

Pagka-ganito na para lang siyang tanga na walang makakausap ay mas nanaisin niya na lang na umuwi.

Oo,tama,uuwi na lang siya kesa naman maging chaperon at maging saksi sa pagmamahalang peke ng mga kasama.Bakit peke?Pakitang tao lang kasi.Kasi nga pumapatok ang tandem nila kapag kunwaring nagde-date sila.

Bagay na kinaiinisan niya sa mga artista. Puro kasi peke ang lahat kapag artista ka eh.Kahit pagtawa,kailangan peke rin.Ayan tuloy,sumasakit na naman ang bangs niya.Waaahhh!

*******************

Akmang tatalikod na siya ng bigla siyang tawagin ni Arthur. "Saan ka pupunta?" Nakasimangot na tanong ng amo. Kaya sumimangot din siya tuloy.Bakit, siya lang ba ang marunong sumimangot?

Sinenyasan ni Arthur si Sierra na mauna ng pumasok sa loob ng restaurant. Sumunod naman ito. Dito na kasi sila dumiretso after nung interview. Gabi na eh.

"Ah-eh.Uuwi na po sir." Na diniinan pa niya ang pagkakasabi ng sir.

"At ano naman ang gagawin mo doon?" Magkasalubong na ang mga kilay ng amo. Kaya alam niya ng galit ito.

"Magluluto---ah mali---ay kakain po." Hindi niya kasi maisip kung ano ang idadahilan.Alangan naman idahilan niya na nagseselos siya di ba? Haller?!

Kung sana magkapareho lang ang antas ng pamumuhay nila ng amo, matagal niya na sigurong sinunggaban ang damdamin niya para kay Arthur.

"What?! Stop fooling me Cathy!" Tumaas na ang boses ni Arthur.

Napatalon naman siya sa lakas ng boses ng amo. Halos pumutok pa nga ang eardrum niya eh.

Alam niyang totoong galit na ito sa kanya.Napaisip siya tuloy kung anong nagawa niya.Di ba uuwi lang siya? Problema nito? Kung makasigaw naman.

"Eh kasi po Sir,baka makaistorbo ako sa inyo." Sagot niya na hindi maitatago ang lungkot doon. "Awts!Ano po ba sir?!" Nagulat siya nung pinitik ni Arthur ang mga labi niya.At isang pitik pa ulit.Nakakarami na to ah.

"Isang sir pa." Banta ng amo sa kanya. Oo nga pala pinipitik ang mga labi niya ng lalaking ito kapag sir ang itawag niya dito.

Hinablot ni Arthur ang kanang kamay niya at kinaladkad siya sana.Ngunit mabilis siyang pumiksi.Kung maka-kaladkad naman kasi.

"Catherine!" Isang banta ang narinig niya mula dito.Pero di siya papa-antig dito.Eh sa ayaw niya nga pumasok di ba?

"Uuwi na nga po a---"

"No!You stay here and eat with us!" Matigas na utos nito. Kaya lalo din siyang magmamatigas.

"Sa bahay na lang ako kaka---"

"I said you stay here with me." Putol ulit nito sa sasabihin niya. "Sa bahay ka kakain?Tapos magluluto ka?At ano, masusunog na naman ang condo ko?Napakatigas talaga ng ulo mo Catherine." Pagkasabi nun ay agad na namang hinablot ang kamay niya. Pakiramdam niya tuloy para silang lover na may LQ.

Pero wala na siyang paki-alam.Aalis talaga siya sa lugar na ito. Lalo kasi siyang nainis sa sinabi ng amo na masusunog ang condo.So,yun pala ang concern lang?Yung letseng condo na yun?

"Aalis ako,sa ayaw at sa gusto mo sir.Now,let me go! A-at mag-enjoy na lang kayo ng dinner ni Sierra." Hindi niya alam kung bakit parang tutulo ang mga luha niya habang sinasabi ang mga bagay na yan.Halos pumiyok pa siya. Ano ito, ganun ba talaga kapag nagseselos?

Hinarap siya ni Arthur at tiningnan sa mga mata.

Nakita niyang umiba ang ekspresyon ng mukha nito. Naging kalmante na ito.

"Please Cathy." May pakikiusap ang tono nito.

Pero ewan kung anong masamang hangin ang pumasok sa utak niya.Hinila niya ang mga kamay niya at mabilis na tumakbo.

Narinig pa niya ang tawag ng amo. Kahit siya, nagtataka kung anong ka-dramahan ang ginawa niya sa buhay ngayon.

Basta ang alam niya ay nasaktan lang siya dahil sa condo pala concern ang amo at hindi sa kanya.Akala niya kasi nun ay sa kanya.

Tumatakbo pa rin siya. Ni hindi nga lumingon sa kinaroroonan ni Arthur kahit tinatawag siya nito.

Wala na, matindi na talaga ang nararamdaman niya sa amo. Kaya heto, matindi din ang emote niya ngayon.

My Amazing Alalay (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora