Chapter 31

18.6K 467 44
                                    

Ng makabalik na sila ng Manila ay parang naging mahirap na sa kanila ang magkasama palagi.

Halos wala ng oras si Arthur para kay Catherine. Tinotoo pala ang sinabi nito na tinanggap ni Arthur ang lahat ng mga projects.

Kaya heto siya ngayon naghihintay na makauwi ang nobyo. Bibihira na lang kasi siyang isama nito eh.Ayaw daw kasi ni Arthur na pati siya ay mapagod din.

Bagay na hindi niya naman tinutulan.Ayaw niya na rin kasing dumagdag pa sa pagod ng nobyo.

Naaawa siya sa sa lalaking minamahal kasi naghihirap ito ngayon sa trabaho sa kadahilanang umuwi sila ng Laguna.Ang bakasyon nilang iyon ang kapalit.

Napabuntong hininga siya habang nakaupo sa sofa.Hinihintay niya kasi ang kanyang mahal. Alas 11 na ng gabi pero wala pa ito.Hanggang sa nakatulugan niya na ito.

Napaunat siya ng braso.Nakatulog pala siya.

Teka,asan na ba siya?
Nasa kwarto na?

Ng akmang babangon siya may naramdaman siyang mabigat na kamay na nakapulupot sa baywang niya.Napangiti siya ng mapagtanto kung sino ito.Binuhat siguro siya.

Tinitigan niya ito. Umangat ang ulo niya at nangalumbaba habang nakatitig sa mahimbing na pagtulog ni Arthur. At the same time, naawa siya rito.Na kung tutuusin,di na nito kailangan ang magpakahirap sa showbiz dahil mayaman naman ito.

Hindi talaga siya magsasawa na pagmasdan ang gwapong mukha nito.

Tiningnan niya ang oras. Ala una na pala ng madaling araw.Anong oras kaya ito nakauwi?Tanong niya sa isipan niya. Inaalala niya rin kung nakahapunan na ito.
"I love you mahal ko." Bulong niya rito.

Gumalaw si Arthur. At unti-unting dumilat ang isang mata.

"Dinig ko yun sweetheart." Nakangiti pa ito sa kanya at saka hinigpitan ang yakap nito sa kanya.

"I love you too.Tulog pa tayo." Namamaos pa ang boses nito. Marahil ay dahil sa inaantok pa ito.

"Ok. Goodnight mahal." At saka inayos niya na ang sarili para makatulog ulit.

"Wala bang kiss?" At inginuso pa nito ang mga labi.

"Pagod ka Arthur.Kaya matulog na tayo." Iningusan niya ito.

"Sabi ko sweetheart, kiss lang.So,paano ako mapapagod?May balak ka pa yatang may iba pa tayong gagawin ah." Ngumiti ito ng pilyo.Kaya heto siya. Parang namula sa hiya.Kiss nga lang naman kasi ang hinihingi.Paano mapapagod si Arthur?Ah basta. Ang alam niya basta kiss,dun na ang punta nun.

Tinalikuran niya ang lalaki.Di na siya sumagot.Pero napansin niya na lang na nakayakap na si Arthur mula sa likuran niya.

"I'm sorry sweetheart. Sobrang busy talaga ako.Sana maintindihan mo ako at wag kang magsawang maghintay sa akin.Ginagawa ko to para sa kaligayahan natin.Gagawin ko ang lahat,kapalit ng malaya nating relasyon sweetheart. I love you." At hinalikan pa siya sa gilid ng tainga niya.

Gusto niyang mapaiyak tuloy.Ganun siya kamahal ni Arthur?

"Salamat Arthur.Salamat sa pagmamahal mo. Mahal na mahal din kita. At naiintindihan kita.Kaya wag kang mag-alala." Humarap na siya rito at nginitian ito ng matamis.

At siyempre,mawawala ba ang kiss na hinihingi ni Arthur?

Pero talagang hanggang kiss lang dahil alam niyang pagod ang boyfriend.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Nagpapahinga si Arthur sa kanyang dressing room dito sa network.Mayroon kasi siyang sariling dressing room eh.Studio kasi ang taping niya sa isang game show.

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now