Chapter 14

21.9K 551 19
                                    

A/N:Sa gustong maging friend at maging ka-tsikahan ako?You can comments anytime.Re-replyan ko kayong lahat. *wink*

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Buckle up." Nakangiting paalala sa kanya ni Arthur pagkasakay nila ng kotse.Kagagaling lang nila ng shooting.

Simula nung naging official na sila ay palagi ng nakangiti ang lalaking laman ng puso niya. Palaging masaya at masigla na ito.Di kagaya dati na laging mainitin ang ulo.

"Hey sweetheart." Untag nito sa kanya.Paano, nakaawang lang ang mga labi niya na nakatitig kay Arthur. Napansin niyang si Arthur na ang naglagay ng seatbelt niya.

Kasabay nun ay ang paghalik nito sa kanyang mga labi ng lalaki.Nasanay na siya sa palaging paghalik sa kanya nito.Na ingat na ingat at punung-puno ng pagmamahal.Pero di sila umaabot sa puntong,pag surrender ng Bataan niya.Nirerespeto naman kasi siya ni Arthur. At ito ang ipinasasalamat niya sa lalaking mahal niya.

Hindi naman sila ganito kapag sa public.Sekreto lang ang kanilang relasyon na kung saan, ginusto niya na rin dahil ayaw niya ng maraming intriga.Walang nakakaalam.Tanging silang dalawa lang.

Kumalas na si Arthur sa pagkakahalik sa kanya at saka pinisil pa nito ang baba niya. Nakangiti na naman ang lalaki.

"May nakakatawa ba?" Pagsusungit niya rito at saka inirapan ito.

"Wala.Masaya lang ako.Dahil..." Binitin na naman ang sasabihin nito at ngumiti ng pilyo.Palaging ganito ito sa kanya.Palaging binibitin ang sasabihin.

"Ano?" Pinanlakihan pa niya ito ng mata.

"....dahil ang galing mo ng humalik.Good teacher ba ako?" At tumawa ito ng malakas.Kaya dumapo na ang kamay niya sa hita ni Arthur.Hinampas niya ito.

"Hey!Wag diyan.Baka iba ang matamaan mo diyan.Sige ikaw din.Baka pagsisihan mo kung bakit ginising mo yan." Tatawa-tawa pa ito. Alam niyang namula siya.

"Bastos!" At tinalikuran niya ito. Tumingin siya sa labas ng kotse.Di pa ito pina-andar ni Arthur.

Narinig pa niya ang nakakalokong tawa ng lalaki.

Naramdaman niya na lang na kinuha na ni Arthur ang kaliwang kamay niya.

"I love you sweetheart." Sabi nito.Nawawala tuloy ang inis niya rito. Bakit ba kasi ang bilis mawala ng inis niya rito kapag nag-I love you na ito sa kanya?

Unti-unti siyang lumingon kay Arthur para sana sagutin ito ngunit di na siya nakapagsalita dahil sakop na ni Arthur ang labi niya. Mabilis lang ang halik na iyon pero nawala na naman siya sa normal na pag-iisip.

Nagpwesto na ng maayos si Arthur at ini-start na ang kotse.

Maya't-maya pa ay narinig niya na itong kumakanta.Ini-on pala nito ang stereo ng car.

Oh,her eyes,her eyes
make the stars look like
they're not shining
Her hair,her hair falls
perfectly without her
tryin'
She's so beautiful
and I tell her everyday

My Amazing Alalay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon