Chapter 37

19.9K 496 21
                                    

"Anong ginagawa mo rito Arthur?" Sita kaagad ni Benjamin sa kanya pagka-pasok niya sa office nito.

"Benjamin, alam ko na alam mo kung nasaan si Cathy.So please, tell me." Deretsong sagot niya.

"Para ano pa Arthur?Sa palagay mo, papayagan pa kitang makalapit sa pinsan ko?!" Nakangising tanong nito sa kanya.

"Benjamin,mahal ko si Cathy.Kaya kailangan ko siyang maka-usap.Kailangan naming mag-usap.Papatunayan ko sa inyo na mahal ko siya talaga." Malungkot na sabi niya sa kausap.

"Alam mo Art.Narinig ko na yan sayo dati eh.Sa kapatid ko.Pero di ba, ipinagpalit mo rin siya sa showbiz?" Sa sinabing ito ni Benjamin ay bigla siyang naiinis.

"Hindi ganun ang pagkaintindi niyo Benjamin.Hindi ko ipinag-palit ang kapatid mo sa career ko.Sabi ko sa kanya, hintayin niya ako.Pero iniwan niya ako." Tiim-bagang na sagot niya rito.

"Well,kung ganun,pwede ka ng umalis Art." Tumayo pa ito.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung saan si Cathy,Benjamin." Pagpupumilit niya.

"Kung talagang mahal mo si Cath,bakit hindi mo lilinawin ang isyu niyo ng Sierra na iyon?" Seryosong tanong ni Benjamin sa kanya.

"Aayusin ko yan pag-nalaman ko na kung nasaan si Cathy." Sagot niya naman.

"Bakit hindi na ngayon? Gago ka talaga pag-umibig Art." Nag-smirk pa ito.

"Hindi lang gago Benjamin,nababaliw pa.Baliw na ako sa pinsan mo na lahat ay kaya kong talikuran para sa kanya." Madamdaming sagot niya kahit pa nakakabakla.

"Kahit career mo?" Mapang-asar na tanong nito.

"Di ba sabi ko lahat?Oo.Iiwan ko na pati showbiz Benjamin.Nakapag-paalam na ako kay Jacob." Seryosong sabi niya.

"Eh de wow Art.Ganun mo talaga ka-mahal si Cath?" Nakangiti na si Benjamin.

"Higit pa sa buhay ko Benjamin." Sabi niya.At doon na tumawa ng malakas si Benjamin.

"Whoa!Nakakabakla pare.Pero ok.Sasabihin ko sayo basta may mga kondisyones."

"Ano? Gagawin ko ang lahat ng gusto mong conditions.Basta ituro mo lang sa akin kung nasaan si Cath." Kunot-noong sagot niya.Wala kasi siyang idea kung ano?

"Man,ganun ka talaga ka-inlove sa pinsan ko?" Tinapik pa siya sa balikat.

"Wag ng maraming salita Benjamin.Ano na?!" Naiinip na tanong niya.

"Masyado pa ring mainit ang ulo mo Art.Pero sige.Heto na.Una,lilinawin mo muna ang isyu mo kay Sierra.Gusto ko,magpatawag ka ng press conference bukas mismo.Pangalawa,..." Ngumisi muna si Benjamin sa kanya na para bang nahihiya. "...tulungan mo akong makalapit sa pinsan mo. Tulungan mo ako Art k-kay...Jychel." Seryosong sabi nito na halos nabubulol pa.Napatawa naman nga malakas si Arthur.

"Takte ka pare.Akala ko ba naman ay wala ka ng damdamin kay Jychel.Ano to,trade?" At isa pang tawa ang pinakawalan niya.

"Wag mo akong pagtawanan Art.Seryoso ako.O baka gusto mong di ko na sasabihin sayo kung nasaan si Cath." Banta nito sa kanya. "Kahit kailan ay di ko nakalimutan ang pinsan mo." At huminga ito ng malalim.

"Alam ko naman yun pare." Si Arthur. Tinapik niya rin sa balikat si Benjamin. Na-miss niya ang ganitong pag-uusap nila ng kaibigan.Yung nagkakaintindihan sila at nagbibiruan.

"Dalawang kondisyones lang yan Art.Simple lang.At kapag nagawa mo ang mga iyan ay makaka-punta ka sa party ng pamilyang Sameel.Welcome party for Catherine." Ng marinig ang pangalan ng nobya ay parang bigla siyang nabuhayan ng dugo. Gusto niya kasi itong mayakap at mahalikan.Gusto niya ng iparamdam ang matamis niyang pag-ibig dito.

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now