Chapter 23

19.4K 434 48
                                    

Inis na ibinalibag ni Arthur ang kanyang mobile phone at ang susi ng kotse pagkarating niya ng condo.

Nagsisi siya kung bakit di niya napigilan ang kasintahan.Nagtatampo kasi siya sa babae.Paano ba naman,parang balewala lang kay Catherine ang pinapakita niyang pagmamahal rito. Selos at takot kasi ang nararamdaman niya.Baka kasi mawala sa kanya ang dalaga kapag di niya ibinuhos dito ang pagmamahal niya.Di naman siya galit eh.Talagang nagtatampo lang siya. Kanina, gusto niya itong habulin at pigilan.Pero di na niya ginawa dahil masama ang loob niya. Gusto niya lang naman sana iparamdam na mahal na mahal niya lang ito kaya ganun na lang siya kapag umasta.

Maya't-maya pa ay dinampot niya na ang phone niya.Tatawagan niya ang kanyang minamahal.Di niya kasi matitiis ito.Siya naman kasi ang may kasalanan eh.Alam niyang galit ito sa kanya.

Nakailang dial siya ng phone ng nasabing babae ngunit nagri-ring lang ito. Walang may sumasagot.Kaya lalo siyang na-guilty.Baka ayaw lang talaga sagutin ang mga tawag niya dahil galit ito sa kanya.

Gusto niya na itong makita at makauwi na. Namimiss niya na kasi ito kahit ilang oras lang silang nagkahiwalay.Ganyan niya ka-mahal si Catherine.

Nagpasya siyang umalis na lang.Baka nandun lang yun sa mall na malapit dun sa binabaan nito kanina.Hahanapin niya ito.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Kahit nayayabangan si Catherine kay Benjamin,pero panay naman ang tawa niya rito. Marami kasing alam na kalokohan ang kasamang lalaki.At mantakin niya yun, para na silang magkaibigan.Ang ibig niyang sabihin,parang matagal na silang magkakilala dahil nagkikwentuhan na sila. Although may isisingit talaga na kayabangan ang lalaking ito, ngunit natatawa naman siya rito.

"How's your parents?" Sumeryoso na ito sa pagtatanong sa kanya.

"Uhm!Nanay lang ang mayroon ako." Malungkot na sagot niya.

"Ah..." Tumango-tango ang lalaki na para bang naintindihan ang ibig niyang iparating. "Where is he?I mean your dad?" Dugtong pa nito.

Umiling-iling muna siya bago sumagot rito. "Di ko alam eh.Wala akong alam." "Ah ganun ba? Pero sigurado akong foreigner siya ano?" Tanong nito ulit.

Tumango lang siya tanda ng pagsang-ayun.Dahil sa makulit ang lalaki,nagkwento rin siya rito kagaya nung nagkwento siya kay Arthur.

"Eh ikaw,where's your dad?Wala ka kasing binanggit sa akin eh." Usisa niya rito pagkatapos niya magkwento.

"He's gone." Sagot nito na lumungkot pa ang mukha.

"Oh,I'm sorry." Yun lang nasabi niya.Di niya kasi alam na patay na pala ang ama nito.

"It's ok." Sagot nito.

Maya't-maya pa ay may tumawag kay Benjamin.Ng-excuse muna ito sa kanya at lumayo ng kaunti.

"I have to go.Tara,let's go.Sorry pero di na kita maihahatid ha." Yaya nito sa kanya pagbalik sa pwesto nila. Tapos na rin kasi sila na mag-snack eh.At may tumawag pa rito. Baka business.

"Ok lang." Sagot niya rito. Ayaw niya rin kasi itong ihatid siya.At ang gusto niya lang ay di muna uuwi sa condo ni Arthur. Masama pa rin kasi ang loob niya sa lalaki.Gusto niyang pupunta muna sa pinsan niyang si Jane.Doon muna siguro siya.Ang tagal niya na ring di nakadalaw sa pinsan. At sigurado siyang magugulat ito pagbinisita niya ngayon.

"Paano yan, mauna na ako." Pagpapaalam ni Benjamin sa kanya.

"Ok. Thank you ha.Ingat!" Pagpapasalamat niya.

"You're welcome Cath." Kumindat pa ito sa kanya. "See yah next time." Dugtong pa nito habang humahakbang na paalis.

Sinundan niya na lang ng tanaw ang lalaki.

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now