Chapter 19

21.3K 474 23
                                    

Nakaupo si Catherine sa sofa habang nanunuod ng telebisyon.

Umaga na kasi.Siguro baka tulog pa si Arthur. Di na sila nakapag-usap ng maayos kagabi kasi nga nagdahilan siya na inaantok na siya.Kahit nagtatanong si Arthur kung ano ang pinag-usapan nila ni Jacob,di niya ito nasasagot ng wasto.

Ayaw niyang sabihin dito ang totoo. Baka mag-away pa ang magkaibigan.Hanggang ngayon kasi,di niya pa rin lubos maisip ang mga sinabi ni Jacob sa kanya. Ganun na ba talaga ang charm at ang beauty niya para makakaakit ng mga kilalang tao?Inaamin niya naman na maganda siya eh.Hindi siya bulag para di yun makita sa tuwing humaharap siya sa salamin.At nung nag-aaral pa siya, naging beauty queen kaya siya ng campus. Kaya papalit-palit din siya ng boyfriends nun.Oo, mapaglaro siya nun.Dahil gusto niya lang talagang maranasan ang magmahal.Pero wala eh.Kung kailan nagmahal na siya ngayon,parang may poproblemahin pa siya yata.

Napabuntong hininga siya. Biglang napako ang tingin niya sa isang news.Ke-aga-aga eh puro showbiz ang balita.Nagsasawa na siya. Kaya ayaw niya sa showbiz eh.Kuntento na siya sa tahimik niyang buhay.Pero ngayon,parang gugulo na yata.
Mr.Eduardo Sameel,natagpuan na nga ba ang matagal ng hinahanap na anak?Ang The Heirs niya?Abangan ang live interview after the break. Anang isang host sa telebisyon.Naging interesado siya tuloy.Gusto niya kasi yung mga ganung kwento.Bagay na pinangarap niya rin nung bata pa siya o wala pang muwang sa mundo.Inisip niya nun na sana paglaki niya ay makilala niya ang kanyang ama at iaahon siya nito sa kahirapan.Kung minsan gusto na nga niya paniwalaan ang sinasabi ng inay niya na isa siyang prinsesa.

Sino kaya yung Eduardo Sameel?Di niya naman kilala yun. At higit sa lahat,di naman artista yun.

"Hi,good morning sweetheart ko." Sabay abot ng isang bouquet ng mga Bulaklak.Ang gaganda nito.Hinalikan siya agad ng lalaki pagkatanggap niya ng nasabing mga bulaklak. Umupo ito sa tabi niya at malambing na niyakap siya.

"Thank you mahal ko." Nakangiting pasasalamat niya.Masayang-masaya siya. "I love it.Kagaya ng pagmamahal ko sa nagbigay."

"I love you too, sweetheart." Isiniksik pa ni Arthur ang sarili sa kanya.Langit talaga ang nararamdaman niya dito sa lalaking ito. Kaya paano pa niya pagdududahan ang pagmamahal ni Arthur na ibinibigay sa kanya?Pero ng may naalala siya.

"Teka,saan mo to kinuha?" Tanong niya rito. Napansin niya ring nakabihis ito.

"Sa flower shop of course sweetheart." Nakangiting sagot nito.

"Huh?Maaga kang umalis?" Akala niya kasi tulog pa ito.

"Yes.Para mabili ko yan ng fresh pa.Parang ikaw.Fresh na fresh." At inamoy-amoy pa siya nito sa leeg.

"Dumadali na naman iyang kamanyakan mo Arthur ha." Inilag niya ang leeg niya rito. Paano,nararamdaman niya ang init ng mga labi nito. Kaya nagkaroon tuloy siya ng kakaibang pakiramdam sa katawan.Mamaya niyan,matangay pa siya. At isa pa, nahihiya siya rito. Di pa kaya siya nakaligo.Samantala ang lalaki ay bihis na bihis na.

"Sweetheart naman eh.Ayaw mo bang hinahalikan kita?" Nasa tono ito ng pagtatampo.Pero di na niya pinansin ang sinasabi ni Arthur dahil nabaling na sa TV ang atensyon niya.

"Bakit sa ibang channel ka nanunuod?" Sita sa kanya ni Arthur nung mapansin na hindi pala ang station nila ang pinapanuod niya.

"Bakit,may masama ba?" Inirapan niya ito. Ano naman kung sa ibang channel?Masyadong loyal naman ito. Ito kasi yung mahigpit na kakumpetensiya ng network nila Arthur.

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now