Chapter 21

20.3K 498 19
                                    

A/N: Ang chapter na ito ay pandagdag eksena lang ito. Wala akong maisip eh.Kaya basahin niyo na lang kung gusto niyo.Pero siyempre my connect din to sa next chap.Bwahahaha!Thank you!

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Ay, ang ganda mo pala talaga girl!Winner! Lalo kang gumanda ng bongga!Daig mo pa ang isang artista diyan na makapal ang make-up kaya gumanda lang." Bulalas ng baklang make-up artist matapos niyang make-upan si Catherine.Siya si Nico,pero dahil sa bakla nga ito ay Nica na lang ang tawag ng mga ito.Kanina pa siya pinipilit kasi na i-try daw na lagyan siya ng make-up.Pinagtripan siya nito.

Oo alam ko.Matagal na.

Pero di yan ang sinabi niya. "Di naman." Sagot niya rito.Pilit siyang ngumiti at tiningnan ang reflection sa salamin.Nakaharap kasi sila dito.Kahit siya ay namangha din sa kagandahan niya.Nasa make-up room sila.Nauna na kasi sina Arthur na lumabas eh.Sa isang building ang shoot nila.

"Anong hindi, ha?Ang ganda-ganda mo nga eh.Sigurado kapag lumabas tayo,maraming mga boylets ang mapatulalets sayo girl." Sabay ipit ng imaginary hair nito sa tainga.

"So,ibig sabihin pupunta tayo dun sa set na nakaganito ako?" Gulat na tanong niya. Siguradong matutunaw siya sa sobrang hiya kapag nangyari nga.At saka sigurado din siyang,maiinis si Arthur sa kanya.

"Naman girl.Naku! I'm so excited. Tara,gora na tayo at irampa ang kagandahan natin este sayo lang pala." Napapalatak na wika ni Nica.

"Teka,hindi pwede Nica.Nakakahiya." Ngunit wala na siyang nagawa nung hilahin na siya palabas.Ano ba kasi ang pumasok sa isipan ng baklang ito?

Nang makarating sila sa set ng shooting, halos ayaw pa niyang lumapit.Pero mabilis siyang kinaladkad ng bakla. Naiinis na nga siya eh.Parang wala siyang mukha na maihaharap tuloy sa mga tao.Lalung-lalo na ng magsilingunan ito sa kanya. Halos takpan pa niya ang mukha niya.

Nakita niya si Arthur na nakasalang sa isang scene. Kaya di pa siya napansin nito.

Agad na lumapit sa kanya si Jacob na naroon din ng mga sandaling iyon.

"Hi Cath.Lalo kang gumanda." Nakangiting bati nito sa kanya.Hinagod pa ng tingin ang kabuuan niya.Pilit siyang ngumiti rito. Naiilang at naiinis pa siya rito gawa nung nagtapat ito sa kanya. Siguro,kung di ito nagtapat sa kanya maaari pang nakaipagbiruan na siya rito ngayon.Pero di na mangyayari yun. Lalung-lalo ng sinabihan siya nito na tigilan na kung anong mayroon sila ni Arthur.

Umiwas siya ng tingin rito ng magtama ang mga mata nila. Paano pa ito nakakaharap sa kanya matapos ang mga kaganapang iyon?

Lumayo siya ng kaunti rito at tumingin sa kinaroroonan nina Arthur. Ngayon niya lang pala napansin na di si Sierra yung ka-eksena nito.Isa ding babae ito. Bale ito yung third party sa pelikula.

Napapangiti siya ng maalala ang kanilang matatamis na alam niyo na.

Hinanap niya si Sierra kung nasaan.Ng mapansin niya ito, malapit lang din pala sa kanya ang nasabing babae.Nahagip pa ng paningin niya kung paano siya suriin ni Sierra.Mula ulo,hanggang paa. Sinabayan pa ng nakakainsultong ngiti.Ano ba ang problema ng babaing ito sa kanya?

My Amazing Alalay (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora