Chapter 22

21.7K 446 29
                                    

"May masakit pa ba sayo?" Tanong ng nobyo. Kanina pa to nangungulit sa pagtatanong eh.Unli lang ang peg?Nasa sasakyan na sila.Papauwi na.

"Wala na nga. Ang kulit mo Arthur." Naiinis na siya rito sa kakasagot.Na kahit yung totoo ay masakit pa ang siko niya dahil naitukod niya ito kanina.Ayaw niya lang kasi na mag-alala ang nobyo. Kaya kahit masakit,sasabihin niya na lang na hindi.

"Are you sure?" Tanong ulit.Isa na lang,bibigwasan niya na ito.

"Haaaiiissssttt!Ang kulit." Tiningnan niya pa ito ng masama.

"Wag kang magagalit sweetheart. Masisi mo ba ako kung sobrang nag-aalala ako?" Nakangiting sagot nito sa kanya. Inismiran niya ito.

"Teka,bakit ka nga pala nakamake-up kanina?Si Nica ba ang may gawa nun?" Sumeryoso na ito.
"Naku patay kang bakla ka." Sa isip niya.

"Ah...oo." Nag-aalangang sagot niya rito.

"At pumayag ka naman?" Nakasimangot na tanong nito.

"Pinilit niya lang ako." Sagot niya. Pakiramdam niya tuloy,nilaglag niya si Nica.Totoo naman di ba?

"Give me my phone." Sabi nito na inilahad pa ang palad nito. Nasa kanya kasi ang phone ng lalaki.Alam niyang tatawagan nito ang bakla.Naku lang.

"Ah mahal. Wag mo ng pagalitan si Nica. Hayaan mo na yun. Natuwa lang yun sa akin.Kaya napagtripan ako." Pangungumbinsi niya rito.

"Napagtripan?Samantala ang mga mata ng mga tao dun ay nasa iyo na?" Salubong pa ang mga kilay nito.

Sabi na nga niya eh.Adik talaga to.

"Nagseselos ka mahal?" Nakakalokong ngiti ang ginawa niya habang tinatanong ito. Kahit pa alam niya namang nagseselos ito pero nagawa niya pa ring tanungin ito.

"Sa palagay mo Catherine, natutuwa ako?" Walang emosyon na tanong nito. "Bakit ka nga pala nadapa?" Dugtong pa na tanong nito.Nakakairita na ang lalaking ito ah.Dinaig pa ang isang host sa talkshow.

"Pinatid ako ng love team mo." Naiinis niyang sagot.Paano,naalala niya yung ginawa ni Sierra. Sinadya ng babaing yun na patirin siya para mapahiya.

"Ano?!" Nagulat pa siya ng biglang magpreno si Arthur. Muntikan na naman siya mangudngod.Ang lakas ng boses ng lalaki.Ano ba ang problema nito?Kanina pa mainit ang ulo nito ah. "Si Sierra?Sinadya ka niyang patirin?" Magkasalungat pa ang kilay nito. Nakita niyang napatiim-bagang ito. Naku naman!Bakit pa niya sinabi rito?Alam niyang magagalit ito.

"Sabi ko,akala ko,sinadya niya akong patirin." Pagpapalusot niya rito. Ayaw niyang magsumbong rito eh.

"Hindi ako bingi para di marinig ang sinabi mo Catherine." Sabi pa nito.
"Dinig mo naman pala eh.Bakit ka pa nagtatanong?Adiktos din to eh." Bulong niya.Humarap pa siya sa labas para di masyadong marinig ang binubulong niya.

"Ano yun?" Si Arthur.

"Wala.Magmaneho ka na nga lang Arthur." Naiinis na sagot niya rito.Dakdak kasi ng dakdak eh.

" 'Yan ang mahirap sayo Catherine eh.Binabalewala mo yung pagmamalasakit ko sayo.Nag-aalala lang naman ako sayo dahil mahal kita. Di mo ba naintindihan yun?" Mahinahon ngunit pigil na pigil ang inis na sabi nito.

"Naiintindihan ko yan Arthur.Pero wag naman masyadong ganyan!" Naiinis na sagot niya rito. Uminit na rin ang ulo niya. "Naiintindihan?Naiintindihan mo ba ang takot at kaba ko kapag may nangyayari sayo na masama?Naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko kapag nagseselos ako Catherine? Naiintindihan mo ba na sa tuwing magseselos ako,ay gusto kong manuntok ng tao.Ng taong nakakadikit sayo pero di ko magawa?" Wika nito. Kaya kahit siya ay nagulat din.Ano ba ang gustong palabasin ng lalaking ito? Na bulag siya? Na di niya nakikita ang pagmamahal ng lalaki sa kanya?

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now