10- AnneKulit

5.7K 143 4
                                    



Nakalipas ang ilang lingo umalis na rin si Jhong, naging parang matalik silang mag-kaibigan sa ikli ng panahon na nagkasama sila. Parang naging magkapatid sila sa close nila sa isa't isa noong andito pa si Jhong, lumipad na ito kahapon pabalik sa Hongkong  gusto nga sana ito ihatid ni Karylle pero hindi siya pinayagan ni Vice mag day off kasi kulang pa sila sa receptionist kailangan pa maghire ng dalawa pa para dalawa sila sa umaga at dalawa din sa gabi malapit na kasi mag summer at paniguradong doble ang magiging guest nila.


Unti-unting gumagaan ang pakiramdam niya lalo na may nasasabihan siya sa mga napagdaanan niya, inis na inis nga si Jhong tuwing may malalaman siya na masama na ginawa ni Yael dati kay Karylle, gusto niya nga itong makita at makasapak man lang  daw para maiganti si Karylle sa pang-gagago nito dito.


Medyo naninibago si Karylle ngayon dahil walang Jhong na bumabati sa kanya sa umaga at sumusundo sa kanya sa bahay ni Vice at naghahatid pagkatapos nila maglakad sa tabing dagat tuwing gabi.


Ngayon mag-isa siyang naglalakad papuntang resort. Hindi pa kasi gising si Vice nauna na siya nag-inom na naman kasi ito kagabi, simula ng maghiwalay sila ng boyfriend niya ay gabi-gabi ito kung maginom kasama ng mga kaibigan niya minsan ay iba't ibang lalaki sa resto bar ng resort.


"Hi Karylle good morning. Bakit mukhang busangot yang mukha mo? Inaway ka ba ni Vice?" bungad ni Coleen pagdating niya sa post niya.


"Hindi ah, hindi nga kami masyado nagkikita kasi lagi naman siyang wala pag nauwi ako ng bahay, heartbroken kasi ang lola mo." Sagot niya, mukha naman alam ni Coleen din ang tungkol doon.


"True yan girl nakikita ko nga siya lagi nasa restobar, ganun talaga yun pag heartbroken lilipas din yun. Hehe sa sobrang tagal ko na dito ilang beses ko na nakita yun na ganon." Ani Colleen.


"Ayos na din yun para hindi kami masyado nagkikita at hindi niya ako natatarayan. Sige gora ka na kaya ko na dito." Pagtataboy nito kay Coleen.


"Teka naalala ko sabi ni Buern since malapit na ang Valentines at madaming guest for sure madami tayong promotions so may mga changes sa prices ng mga rooms pupuntahan ka na lang niya dito to discuss it. Saka maghi-hire na yata sila ng seasonal na receptionist so hindi na tayo mahihirapan humingi ng off. Excited na ako." Balita ni Coleen, si Buern kasi ang Supervisor nila. Ang tatlong kaibigan ni Vice ay mga Supervisor sa iba't ibang department ng resort ni Vice.


"Sige salamat sa information ingat ka sa paguwi ah kita kits later." Paalam ni Karylle, umalis na din si Coleen. Nagsimula na siya sa pagaayos ng mga naiwan na gawain ni Coleen chineck kung okay lahat ng mga check-ins ganon kasi sila ni Colleen nagtutulungan para sure na walang aberya sa trabaho nila mahirap na pag si Vice ang kumuda nakakatakot talaga. One time kasi pinagalitan si Coleen ni Vice dahil sa isang nagreklamo na customer talaga naman na tameme silang dalawa.


"Hi girl." Nagulat naman siya sa lakas ng boses ng taong nasa harap niya.


"Hi mam good morning how can I help you?" agad na bungad ni Karylle habang nakangiti.


"Where is Vice?" tanong nito, mukhang namumukhaan naman ito ni Karylle.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon