2- Ang nakaraan

6.4K 146 9
                                    

*Flashback*

 

“What is the meaning of this?” nagulat silang dalawa ni Yael sa sigaw na yun, agad na nagising at napaupo si Karylle at hinila ang kumot para matakpan ang buong katawan niya.

 

Kinukusot naman ni Yael ang mga mata niya. “Hi babe, sorry sobrang nalasing ako kagabi hindi na kita natawagan.” Bungad ni Yael kay Nikki. Galit na galit ang mukha ni Nikki at hindi ito maintindihan ni Yael, si Nikki ang girlfriend ni Yael.

 

Lumingon si Yael sa direksyon kung saan nakafocus ang paninign ni Nikki, laking gulat niya na andito nga pala si Karylle. Kasama kasi nito ito kagabi sa inuman kasama ng mga tropa nila. Si Nikki, Yael at Karylle ay matalik na magkakaibigan simula ng mga bata pa lang sila. Pero hindi ito lubos maisip ni Nikki na magagawa ng dalawa na lokohin siya.

 

“Iho hindi na kami nakapagsabi na ngayon ang dating namin” nanlaki ang mga mata ng Lolo ni Yael ng makita ang itsura ng dalawa na nasa kama nito. Napatingin na lang ang lolo nito kay Nikki na iyak ng iyak ngayon.

 

“Lolo, Nikki wala pong nangyari sa amin. Wag po kayo magisip ng masama please.” Sabat ni Karylle hindi na siya naghintay na tanungin pa siya dahil alam niyang malaking kasalanan ang makita silang ganito ni Yael. Sakto naman kasi na walang pantaas na suot si Yael. At nagtataka siya bakit ba kasi wala siyang damit.

 

“Karylle! Alam kong mahal mo si Yael pero I never imagined na gagawin mo sa akin ‘to. Akala ko tanggap mo na lahat. Na ako ang mahal ni Yael?” mahinahon naman ang boses ni Nikki pero mahihimigan pa rin dito ang galit.

 

OO! Simula pa lang bata sila ay si Yael na talaga ang mahal niya pero hindi siya binibigyan ng pansin nito at alam lahat ito ni Nikki, she even asked Karylle if okay na nanliligaw sa kanya si Yael noon. At dahil mahal niya din ang kaibigan na si Nikki ay hinayaan na lang niya at tinaggap ang pagkatalo. Ano ba naman siya na mas maganda si Nikki sa kanya. Ni minsan ay hindi siya nakarinig na maganda siya dahil nga simula pa lang bata ay nakasalamin na siya at braces hindi siya mahilig mag-ayos ng sarili niya at hindi siya lapitin ng lalaki pero kahit ganoon madami siyang kaibigan na lalaki.

 

“Babe, lasing lang si Karylle kagabi. Suka siya ng suka so ihahatid ko sana siya sa kanila but she fell asleep. Papalitan ko na sana siya ng damit pero I guess nakalimutan ko, lasing na din kasi ako at antok na antok oo hinubad ko damit niya kasi nga nasukahan niya yun. So please don’t think na may nangyari sa amin. Ikaw mahal ko please.” Paliwanag ni Yael. Kumuha ito ng damit pantaas at nagbihis na.

 

Binigyan naman ng lolo ni Yael ng masusuot si Karylle.

 

“Nikki totoo ang mga sinasabi ni Yael. Please listen to him. Sorry please patawarin mo ako.” madami pa sana sasabihin si Karylle pero sinabihan na siya ng lolo ni Yael na magbihis na.

 

Siya naman pagdating din ng lola ni Yael. Galing ang mga ito sa America para kamustahin ang business nila dito sa Maynila at bisitahin din ang apo na nagiisa dito sa Pilipinas.

 

“What’s going on here apo?” tanong ng Lola ni Yael pagpasok pa lang ng kwarto ni Yael pero mukhang alam na nito ang komosyon na nangyayari sa paglabas pa lang ni Karylle sa banyo na suot ang damit  at shorts ni Yael.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon