BII- 8 Forget me not

3.5K 139 19
                                    


Tumigil na kami ni Vice dito na daw kami sa apartment niya. Hile-hilerang bahay ang nakikita ko with the same size and color. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan bumaba after that siya naman ang bumaba para tanggalin ang helmet ko.

"Wait lang girl ipapasok ko lang tong motor." I just nodded at pinagmasdan lang siyang magbukas ng gate may maliit siyang parking lot sakto lang sa motor niya after that niyaya na niya akong pumasok.

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng bahay niya, it's a studio type apartment, pinaupo niya ako at tahimik lang ako na nagmamasid sa kabuoan ng bahay niya. Nagpunta siya sa kusina at inilapag doon ang pinamili namin sa 711 aside from ice cream, bumili din siya ng empi lights inom daw kami. Ayun daw kasi ang pampatulog niya.

"Nagugutom ka ba? Meron pa akong natirang pagkain dito from my lunch." He asked me, lumapit ako sa kanya.

"Hindi busog pa ako, ikaw kumain ka muna." Nilabas niya ang sopas sa ref niya at ininit yun sa microwave.

"Oo kakain muna ako, bawal ako uminom ng walang laman tiyan ko." Tinulungan ko siya, hinanap ko ang pitsel niya at nagtimpla ako ng iced tea. Hindi na ako masyadong umiinom ngayon, just for the sake na mas makasama ko si Vice ng matagal. Pumayag na din ako na maginom kami.

Umupo ako sa tapat niya, kumakain na siya ngayon. I can't help but to stare at him habang tignan ang bawat kilos niya. Hindi ko matanggal ang mga ngiti sa labi ko.

"Gusto mo? Tikman mo luto ko to." Alok niya sa akin.

"Sige nga patikim, pwede ba subuan mo ako?" inilapit ko ang mukha ko sa kanya, kahit parang ayaw niya akong subuan wala na siyang nagawa siguro dahil malapit na ako sa kanya.

"Masarap ba?" tanong niya.

"O-oo walang pinagbago, masarap ka pa din magluto." I murmured while I'm chewing the sopas. Nagulat ako ng subuan niya ako ulit, pakiramdam ko nanginginig ang mga baba ko.

Ganito kasi ang Vicey ko, mahilig siyang subuan ako pag kumakain kami. Pinigilan kong maiyak, gusto ko makita niya lang ako na masaya.

After niyang kumain kinuha na niya ang ice cream sa freezer niya at binigyan ako. Buko pandan ang binili niya favorite daw niya kasi yun, actually favorite ko din yun. Favorite naming dalawa.

"Ano pa lang trabaho mo girl?" tanong niya sa akin, while we are busy eating our ice cream.

"Executive secretary ako sa Makati."

"Chuchal." Maikling reply niya.

After that hindi na siya nagsalita inubos namin ang ice cream, at nagsimula na siyang ilagay ang alak at juice sa sala doon daw kami pumwesto. May binili din siyang pulutan namin, mixed nuts at clover.

Sa sahig siya umupo habang ako dito sa sofa.

"Oh akin unang tagay ah." Aniya, at ininom na ang unang shot. Binuksan niya ang tv at naghanap ng pwede naming panoorin.

Napansin ko naman ang isang picture frame sa gilid ng tv niya. Kinuha ko ito, it's him with another guy.

"Sino to'?" usisa ko sa kanya.

"Jowa ko girl." I fake a smile, parang dinaganan ng pison ang puso ko. I sigh at binalik ang picture frame kung saan ito nakalagay.

"Nasaan siya ngayon?" I can't help but to ask so I can know more about them.

"Ah wala siya ngayon nasa abroad, siya ang kasama ko dito sa house. Baka next month pa balik niya." Aniya, at sabay abot sa akin ng tagay ko.

I slowly nodded, ang sakit. Ininom ko ng straight ang alak at sabay inom ng iced tea.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon