13- Ampalaya day

6.4K 176 16
                                    



Anong ganap sa Valentines Day?

 

Ito ang araw kung saan ang may mga jowa or mag-asawa ay masayang mag-cecelebrate, magde-date kung saan-saan tahimik man or maingay na lugar. Eto ang araw para sa kanila, masaya.

Pero para sa mga sawi, ang February 14 ay nawawala sa kalendaryo nila. Ang susunod sa February 13 ay February 15 agad. Masaya pa din kasi araw ng sweldo yan!

 

Sulat ni Karylle sa diary niya, maaga pa naman kaya naisipan niya umpisahan sulatan ito, Mamaya na lang ulit kung meron pa ulit kaganapan after ng araw na ito. After the morning routine, pumasok na siyang mag-isa, ayaw niya kasi masanay na lagi silang sabay ni Vice pumasok nakakahiya na kasi siya. Hindi pa ito gising ng umalis siya and she don't want to bother him kaya nauna na siya. Medyo mabigat ang pakiramdam niya ngayon mukhang magkakasipon pa yata siya.


"Hi Renely Good morning. Ang aga mo ah." Bati ni Karylle pagdating niya sa kasamahan sa reception.


"Opo ate hinahatid kasi ako ng Itay bago siya pumasada sa bayan." Ito ang bagong kasama niya isang college student tuwing Friday up to Sunday lang ito andito since may klase ito during normal days kaya pagstart ng Monday sila na ni Coleen ang magkasama sa morning shift.


"Sige gagawa muna ako ng tea sa pantry medyo masama kasi pakiramdam ko. Nag-almusal ka na ba?" tanong niya, may dala kasi siyang sandwich.


"Opo tapos na ate." Anito, dumeretso na siya sa pantry at nilagyan ng mainit na tubig ang mug niya at ibinabad ang tea bag dito.


Medyo guminhawa ng slight ang pakiramdam niya after niya uminom ng tea, paglabas niya ng pantry ay ang dami ng guest na nakapila kadalasan ay mga couples mapa teenager hanggang sa matanda. Hindi na nila namalayan ang oras dahil sa daming tao, humupa lang ang mga bagong guest ng after lunch.


"Sige Ren kaw muna ang maglunch break ako na muna dito." Pumayag na din ito dahil sa sobrang gutom, sumaglit ulit si Karylle sa pantry para kumuha ulit ng mainit na tubig para sa tsaa niya.


"Hi manang!" nagulat siya sa tumawag sa likod niya. Sino pa ba edi si Vice?


"Hi." Malamyang sagot niya, nginitian niya lang ito at dumeretso na sa labas. Wala kasing tao sa post niya kaya nagmamadali siya.


"Kumain ka na?" tanong ni Vice, sinundan pala siya nito.


"Kakain pa lang ako may dala akong tinapay." Mahina pa rin ang boses niya ayaw niya kasi aksayahin ang boses niya matagal pa siya dito kalahati pa lang ng araw niya pagod na pagod na kaagad ang  pakiramdam niya kasi.


"Bakit ganyan ka ngayon may parang iba?" napuna kasi ni Vice ang pagiging low energy ni Karylle ngayon.


"Masama kasi pakiramdam ko. Hi Sir/Mam good afternoon how can I help you." Biglang dami na naman ng tao at nagiisa lang siya, hindi na siya kinulit ni Vice at umalis na ito. Buti na lang at natapos na si Renaly sa lunch niya dahil sunod-sunod ang nagche-checkin at checkout.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon