BII- 25 Vacation Leave

2.7K 133 21
                                    




Karylle POV

"K?" Echo called me, I glanced at him at tanging facial expression ko lang ang sumagot sa kanya.

"Is it true that you are filing a 14 days vacation leave?" nakakunot ang noo ni Echo, ngayon niya lang nabasa ang leave request ko sa email niya.

I need to fix something kasi saka malapit na din ang 7th birthday ng kambal. Simpleng birthday celebration lang sana ang gusto ko but Anne and the rest of the gang will sponsor their birthday party. 7 years old na daw kasi dapat daw bongga ang celebration.

"Yes, sana pumayag ka madami kasi akong aasikasuhin. Ngayon lang naman ako magli-leave kung okay lang sayo?" nawala na ang kunot ng noo niya, lumapit siya sa akin at umupo sa tapat ng table ko.

"Pwede ko ba malaman kung ano ang aasikasuhin mo?" he asked me politely. He's looking at me, in my eyes.

"Ahm, aayusin ko lang ang birthday party ng kambal. 7 years old na kasi sila, gusto ko kasing maging hands on sa preparation." I pleasantly answered.

"Bakit ang tagal naman? May iba ka pa bang gagawin? 2 weeks napakatagal naman. Hindi ko kasi kaya na hindi kita makita ng ganoong katagal." Tumayo siya at lumapit lalo sa akin. Hinanap niya ang kamay ko para hawakan ito. Agad ko naman itong iniiwas sa kanya pero pinigilan niya ito.

"Eh kasi may aasikasuhin din kami ni P-Peter." Sabi ko at automatikong nagiba ang itsura ng mukha niya.

"M-mahal mo na ba talaga siya?" diretsang tanong niya, I just nodded as an answer.

"B-bakit siya pa? You don't deserve him. I'm here I can give all that you need and besides I also love you." Malungkot na sambit niya.

"D-Diba sabi ko naman sayo, siya lang ulit ang nagpatibok ng puso ko. At saka hindi ako nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na malalaman ko din ang katotohanan about him. Na siya ang tunay na asawa ko." Biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. And then he looked at me with a lonesome eyes.

"O-okay K, you got my approval. You can have your 2 weeks leave." Sumilay ang ngiti sa labi ko, pero nawala din ito kaagad ng biglang padabog na umalis si Echo at lumabas ng opisina. Did I offend him with what I said? Ilang beses ko naman na kasi sinabi sa kanya na hanggang kaibigan lang ang tanging maibibigay ko sa kanya.

Binalewala ko na lang ang pag walk-out ni Echo, agad kong tinext si Peter at si Anne na approved na ang leave ko. Bukas na ang start non, excited na ako sa lakad namin bukas. Sana lang successful.

***

Walang nangyari sa first day ng leave ko, ginala na lang nila Anne at Vhong ang kambal at ako ito nagpaiwan na sa bahay at nagmumukmok. Naiinis ako kay Peter hindi siya tumupad sa usapan namin. Namuti na ang mata ko pero wala pa rin siya. Ni text or tawag wala akong nareceive from him buong araw! Hapon na pero wala pa rin siya, hindi ko alam if mag-aalala ako or maiinis ng todo sa kanya.

Isang lingo na lang birthday na ng kambal, balak kasi namin na umuwi ng Pagudpud kaya hinabaan ko ang leave ko after ng birthday ng kambal. Suhestiyon ni Anne yun baka daw kasi pag nakita ulit ni Peter ang lugar kung saan lumaki si Vice ay baka daw maalala nito ang nakaraan niya. Naniniwala daw kasi si Anne na baka nagka-amnesia lang daw si Peter. Ipapacheckup na sana siya nila Anne pero bigla naman siyang umalis noong nakaraan it was 3 days ago at hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik.

Sa totoo lang nahihirapan na ako sa setup namin ni Peter, pag umuuwi siya sa apartment niya hindi ko na siya nakakausap. Alam mo yung bigla na lang siyang susulpot na wala man lang pasabi. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magiging ganito. Minsan nasasaktan ako pero pilit ko na lang siyang inuunawa.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon