BII- 22 May Nagbabalik..

3K 149 26
                                    





"Echooo.." Karylle yelled. "Please stop..  You don't have the right to talk to Peter that way. Kahit hindi ako sigurado na siya ang asawa ko, igalang mo na lang siya bilang tao. Makakauwi ka na sir, salamat sa paghatid mo sa akin." Natakot ako bigla kay Karylle, ngayon ko lang siyang nakitang nagalit. Ang sama ng tingin niya sa amin ni Echo.



Pumasok na siya sa loob ng bahay at naiwan kaming dalawa ni Echo dito sa labas.


"Narinig mo yun? Makakaalis ka na." Inis na sabi ko, naghalukipkip ako at tinignan ko siya ng makahulugan.


"I will leave, but it doesn't mean that I will give up. I love Karylle and I will do anything so she will also fall for me. So ngayon pa lang pwede ka ng bumalik sa boyfriend mo at tantanan mo na silang mag-anak." Aroganteng sabi nito at gumanti rin siya ng titig sa akin. Nagsusukatan kami ng paningin, gusto ko siyang sapakin ngayon makaganti man lang sa mga mapanakit na salita niya sa akin.



"Shut up." Sinigawan ko siya sabay walk-out. Wala na ako masabi hindi ko kasi alam paano pa ipagtatangol ang sarili ko.


Feeling ko wala akong laban. Hindi naman kasi talaga ako si Vice eh.


Pagpasok ko sa bahay ay wala si Karylle si Nanay Milagros ang naabutan ko.


"Andon na siya sa kwarto." Ani Nanay, tumango lang ako at umakyat na sa kwarto ni Karylle naabutan ko siyang lumabas ng cr. Umiiwas siya ng tingin sa akin sinundan ko na lang siyang papasok ng kwarto niya.


"Myloves." Mahinang sambit ko.


Pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Tahimik siyang naupo sa kama.



"Bakit hindi ka pa umuuwi?" mahinang tanong sa akin ni Karylle.


Lumapit ako sa kanya at tinabihan ko siya hinawakan ko din ng sobrang higpit ang kamay niya.


"I'm here to spend time with you, with the twins." I said softly, I tried to get her eyes to look at me pero ayaw niya talaga akong tignan.


"Akala ko kasi nakalimutan mo na kami." Ramdam ko ang tampo sa sinabi ni Karylle.


Inihilig ko ang ulo niya sa balikat ko and I gently brush her hair with my fingers.


"N-never mangyayari yun. Miss na miss na nga kita eh." Inayos ko ang pwesto namin at iniharap ko siya sa akin. Iniangat ko ang baba niya para magtagpo ang mga mata namin.


"N-natatakot ako Peter." Malungkot na sabi ni Karylle, hinaplos ko ang pisngi niya at tinignan siya ng mataman.


"I'm here, andito lang ako. Hindi man tayo madalas magkita, hindi ako mawawala kumukuha lang ako ng tyempo." I tried to be calm, ayaw ko kasi marinig kong anong kinakatakot ni Karylle. Baka kasi napapagod na siyang mag-antay sa akin.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon