46- Define Love in Hongkong

5.5K 159 16
                                    

When the PONY meets the TEASER *Coming this April*

Hope you will also support me like what you did here. Tnx a bunch ♥

♥♥♥

Alam na ng lahat about our relationship, kinausap na din ako ni Joan na manager ko about it kasi nakarating na din ito sa press at pinaguusapan na din sa mga entertainment news sa New York at social network. She was bit disappointed kasi may babalikan pa akong project paguwi ko sa states with Christian pero ngayon baka hindi yun matuloy dahil sa balita na may boyfriend na ako.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng twitter ni Christian at ang daming mga nadismaya na mga fans namin.

"K, it's not that I'm against about your relationship with Vice but you still have a career na babalikan pa sa New York at malapit ka ng makakuha ng madami pang projects but they want Christian for you." Sabi sa akin ni Joan.

Andito na kami sa Hongkong, kakatapos lang namin magshow sa makalawa ay lipad na namin pa Pilipinas. Hiniling ni Joan kay Vice na masolo muna ako para kausapin. Kaya andito kami sa room namin ni Joan siya pa rin ang kasama ko coz up until now I'm not yet in good terms sa mga tatlong babaita.

Ramdam ko na to kanina pa lang umaga, sinabihan kasi ako ni Christian na magbasa ng twitter at facebook pati instagram ang dami na pala naming picture ni Vice na kumakalat na sa social network.

"Joan, I'm really sorry. Boyfriend ko si Vice since nagsisimula pa lang ako sa Pilipinas. Nagkaroon lang kami ng problema dati at ngayon bumalik na siya hindi ko kayang mawala siya ulit. I hope that you can understand me." Sabi ko habang nakayuko. I can't look straight to her, nahihiya ako.

Naramdaman ko na lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Maybe he can wait, wag muna ngayon K." she said, para naman akong sinampal sa sinabi niya.

I looked at her na may mga malungkot na tingin.

"No Joan, I'd rather choose a simple life where no one can judge us rather than have this fame but I can't have him. Sorry Joan." Nakita kong marahang umiling si Joan.

"I understand you K, but please think about it. Wag lang kayo masyado magpakita ni Vice sa labas. Kasi kahit papaano may nakakakilala na sayo. Hindi ka na simpleng tao na lang na pwede ka magpunta kung saan-saan. Just be careful kung ano ang pinapakita niyo sa labas" pagkasabi nito ni Joan ay tumayo ako at niyakap siya.

"Thanks Joan, matagal akong nangulila sa kanya. Kaya hindi mo ako masisisi if ganito ako ngayon. Mahal na mahal ko siya."

***

Pagkagising ko nagtataka ako bakit wala ng tao sa kwarto namin ang aga naman nila magising when I looked at my watch 9am na pala. Wala naman kami trabaho ngayon pero alam ko mag gagala kami kasama lahat ng crew sa Disneyland.

Makaligo na nga at baka lahat sila nasa baba na hindi naman kasi ako nainform what time ang punta namin sa Disneyland. Hindi na din kami nakapagusap ni Vice kagabi after namin magusap ni Joan ewan ko ba bigla akong inantok. Ang aga ko na natulog late pa ako nagising.

Pagbaba ko ng lobby wala sila, nagtanong ako sa mga staff ng hotel if nakita nila ang mga kasama ko. Sabi lang nila ay kanina pa daw nila ito nakita morning pa lang.

Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid ng lobby at saktong nakita ko si Christian na kakalabas lang ng elevator. Sinalubong ko si Christian.

"Chris, asan na sila?" agad na tanong ko.

"Nasa Disneyland na, binalikan lang kita sa kwarto mo pero andito ka na pala. Ang hirap mo daw gisingin kanina eh." Nagtaka naman ako parang wala naman akong maalala na ginigising ako kanina.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon