33- Diba?

3.8K 125 32
                                    

Sorry kung laging masakit.

Part kasi ito ng buhay.

Walang forever!

♥♥♥

“Pota naman K! Huling nakita kita umiiyak ka tapos ngayon nagkita ulit tayo umiiyak ka na naman.” Galit na galit na singhal ni Vhong sa kaibigan.

Lumuhod si Vhong sa harap nito para yakapin si Karylle, ganito din ang itsura ni Karylle noong bata pa sila noong nadapa ito dahil sa binubully ng mga kapitbahay nila. Doon nagsimula ang pagkakaibigan nila, the time that he helped her to get up at binigyan ng assurance na starting that day siya na ang tagapagtanggol niya sa mga umaapi sa kanya.

Ganitong-ganito din ang itsura ni K noon nakaupo at nakasubsob sa mga tuhod niya. Pero iba na to ngayon, ibang dahilan na bakit umiiyak ang kaibigan. Hindi na lang itong simpleng pangbu-bully. Ibang usapan na to’ hindi na lang isang sugatang tuhod ang pinaguusapan dito. Damang-dama niya how broken her friend right now.

“Sige iiyak mo lang, ilabas mo lahat ng sakit. After that pasensyahan na lang K. Isasauli na kita kay Yael.” Hindi na kaya ni Vhong makita pa na ganito ang kaibigan kahit wala siyang karapatan panghimasukan ang buhay nito mas pipiliin niya pa na mabalik na lang ito kay Yael. Si Yael na nangako sa kanila na hindi na siya sasaktan muli.

Nabigla si Karylle sa sinabi ni Vhong.

“Hindi V-vhong o-okay lang ako.” Pilit na sinabi ni Karylle kahit deep inside ay hindi totoo ito.

“Taena K, kung mahal ka niya hindi ka niya hahayaan na masaktan ng ganito. Lalaki ako kung mahal ko ang isang babae hinding-hindi ko hahayaan na masaktan sila ng dahil sa akin. Ganyan ba ang sinasabi mo na mahal na mahal ka? Tignan mo ang sarili mo, anong nangyayari sayo?” napasubsob ulit si Karylle sa mga tuhod niya. She just want to cry and cry. Ayaw na niya ng nararamdaman niya. Ang sakit sakit sobra.

Mabuti na lang at sumama ulit si Vhong dito sa Ilocos para sa tugtog nila Jugs and Teddy, bukod sa gusto niya ulit makita si Karylle ay sakto lang ang pagdating niya. Dahil alam niyang hindi okay si K at tama ang hinala niya.

“Vhong”

“Kuys” tawag nila Billy at Yael. Kanina pa nila hinahanap ito na sabi ay may kukuhain lang sa kotse.

“Karylle.” Gulat na gulat na sabi ni Yael, agad niya itong nilapitan.

“What’s happening to you babe?” sobrang nag-aalala na sambit nito. Vhong gave way at umalis ito sa tapat ni Karylle.

Lalong lumakas ang hikbi ni Karylle when she heard Yael’s voice.

Andito din ang taong nagbigay sa kanya ng sobrang mga hinanakit sa nakaraan pero eto siya ngayon, ang tao na umaalo sa kanya sa panahon na naramdaman na naman niya ang sakit sa taong minamahal niya ngayon.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon