BII- 21 If kind of Love

2.8K 138 28
                                    



"Anyare marse?" bungad sa akin nila Poo at Moo pagdating nila dito sa hospital. Andito lang ako sa waiting area nakaupo, tulala at sobra akong naguguluhan.


Coco tried to kill himself.


"Ang h-hirap." Itinukod ko ang mga siko sa binti ko at sinapo ko ang mukha ko ng mga palad ko. Naramdaman kong umupo sa magkabilang gilid ko si Poo at Moo at hinagod nila ang likod ko to calm me.


Gusto ko magwala..


Gusto ko magalit sa sarili ko....


Bakit ang hirap ng sitwasyon ko ngayon? Si Coco na naging kasama ko sa mahabang panahon. Hindi lang isang partner ang turing ko sa kanya, isa ko na siyang pamilya, kaibigan.


Pero simula ng makilala ko si Karylle, binulabog niya ang utak at puso ko. Bawat tibok ng puso ko, sinasambit nito ang pangalan niya.


Why it's so hard to decide right now? Dahil nilalamon ako ng konsensya ko, ng papunta kami dito sa hospital ni Coco. He keeps on murmuring that he will die if I will leave him. Na para bang utang ko na ang buhay niya, na pag hindi ko siya sinuklian maari niya ulit gawin ang ginawa niya kanina.


Hindi ako mamatay tao, I saw it. I know that he can do it again and I don't want to be in that situation na ako mismo ang magiging dahilan sa pagkitil niya ng buhay niya. Never in my life I imagined that Coco will do it.


"Marse anong nagyari kay Coco?" Poo asked again.


"H-he tried to kill... himself." I exclaimed.


"Oh my gee.." gulat na reaksyon ni Moo.


"H-hindi ko na alam gagawin ko." Nanlulumong sabi ko.


"W-wag mo na lang ituloy ang relasyon niyo ni Karylle marse." Ani Moo. Umakyat ang dugo sa ulo ko ng marinig ko to. Tumayo ako at kinuwelyuhan ko si Moo.


"A-anong sabi mo?" nanggagalaiti ako sa galit. "Mawala na lahat sa akin ngayon, wag lang si Karylle." Inalis ko ang kamay ko sa kwelyo niya ng makita ko na natatakot na si Moo sa akin.


I was so mad, all I could do was stand there and grit my teeth after that I punched the wall. I'm such a mess right now, I'm so lost. Ang mga kaibigan ko na akala ko ay makakaintindi sa akin, pero sila pa pala ang hindi alam ang sinasabi nila.


Nagmamahal lang ako. Nang isang tunay na babae.


"S-sorry marse." Moo said in between sob. He tried to touch my back pero pinigilan ko siya.


"Marse, wag ka naman magalit kay Moo. He's just trying to give you an advise. Pero Moo, mali naman kasi ang sinabi mo. Inlove na kasi si Peter kay Karylle. Diba dapat masaya tayo para sa kaibigan natin na sa wakas natagpuan na niya ang true love niya. Para kasi sa akin, pag ang bakla nainlove sa babae true love yan. Pero pag ang lalaki nainlove sa kapwa lalaki, tawag don. If kind of love, I will love you if you will do the things my way, if you give me gifts.. In short. Pag tayo nainlove sa kapwa natin lalaki. It is a conditional love." I stared at Poo, parang ngayon lang siya nagka sense sa lahat ng panahon na magkasama kami.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon