35- Talulot

4.2K 133 18
                                    

As promised medyo maikli.

Pagoda much kasi ang ses niyo.

Advance happy birthday kavisa-kases mikpot.

Tagay na…

♥♥♥

“K-Karylleee” sigaw ni Vice, napaupo siya at kumirot ang ulo niya sobrang sakit.

“Meme, relax. Nanaginip ka.” Ani Buern nagulat siya dahil ang tahimik tapos bigla na lang sisigaw si Vice, inalalayan niya ito at inayos ang dextrose medyo nahigit niya kasi ito.

Halos dalawang araw na kasi si Vice dito sa hospital, muntik na kasi itong malunod noong nakaraan. Lasing na lasing ito at bigla na lang sumugod sa dagat at balak yatang magpakalunod.

“Bakit andito ako?” takang tanong niya ng makita ang lugar ng maalimpungatan na siya. Nasa isang kulay puting kwarto siya at may nakalagay na dextrose sa kamay niya.

“Ikaw kasi muntik ka na malunod, buti nakita ka ni Mang Edgar ng nagronda siya sa dalampasigan.” Inilibot niya ang buong mata sa loob ng isang  puti na kwarto. Sila lang ni Buern ang andito.

Meron kasi siyang isang tao na inaasahan na sana ay andito, para kasing totoo ang napanaginipan niya. Muli na naman siyang nasaktan.

“Anong gusto mong kainin meme? Para makabili ako sa labas, for sure lafang na lafang ka na ilang araw ka na walang kain tapos puro dextrose ka lang.” tanong niya kay Vice, nanahimik na naman kasi ito. Ang laki pa ng pinayat nito.

Wala itong alam gawin kundi ang magmukmok at mag-lasing. Mabuti na lang at ang tatlong kaibigan ay maasahan kaya sila muna ang nag-aasikaso sa resort.

“W-wala akong gana.” Mahinang sambit nito.

“Meme, kailangan mong kumain tignan mo sarili mo ang payat mo na sobra. Baka matuluyan ka ng mag ka sakit niyan.” Umupo ulit si Buern sa tabi nito at hinawakan ang kamay ni Vice.

Napabuntong-hininga si Buern dahil malungkot na naman ang itsura ni Vice.

“Ang tanga ko ba? Ang bobo ko ba? Dahil pinakawalan ko siya.” nakatulala na tanong ni Vice.

Halos ilang buwan na ang nakakalipas simula ng magpasya si Vice na iwanan si Karylle. Kagustuhan yun ng puso niya, pero ang puso niya din ang nagdudusa ngayon. Sariwa pa rin ang gabi na yun kung saan ilang beses nagmakaawa ito sa kanya pero hindi siya nakinig. Hinayaan niya na mawala ang taong nagturo sa kanya paano magmahal ng totoo. Yung tao na hindi na kailangan ng suhol, ng pera para maging masaya ang relasyon nila. Presensya niya lang ay sapat na.

Nitong mga nakaraan na lingo sobra na siyang nangungulila kay Karylle. Kaya nitong mga nakaraan ay sobra niyang nilulunod ang sarili sa lungkot at alak, kasalanan niya kasi bakit siya nag kakaganito.

Duwag kasi siya.

Hindi niya pinaglaban ang babaeng pinakamamahal niya.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon