BII- 16 Truth Really Hurts

3.2K 146 19
                                    


"Bakit ka ba iritado marse?" puna sa akin ni Poo andito kami ngayon sa dressing room. Padabog ako magbaba ng mga gamit ko kanina pa. Paano naman si Karylle kanina ko pa tinetext at tinatawagan hindi man lang sumagot.


"Wala" singhal ko kay Poo, nakita ko naman siyang napaurong palayo sa akin.


"Pati ako damay sa init ng ulo mo? Makalabas na nga." Nakita kong inirapan pa ako ni Poo bago siya lumabas. Nagayos na lang ako at lumabas na din, kami na kasi ang next na sasalang.


Nairaos ko naman ang performance namin isinantabi ko muna ang inis ko. After our performance agad akong bumaba sa stage at sa paglalakad ko may biglang kumalabit sa akin.


"Petra." Maarteng sambit ng nasa likod ko. Paglingon ko nakita ko si Kakai ang officemate ni Karylle.


"Oh hi, andito ka pala sino kasama mo?" agad na tanong ko sa kanya.


"I'm with my officemates, saka si Karylle kasama ko." Nakangiting sabi nito, nakita ko na naman ang malalaking ngipin niya para kasi siyang si Bugs Bunny eh. Agad na tumaas ang kilay ko ng marinig ko na kasama niya si Karylle.


"Pwede ba maki-join?" agad naman niya akong hinawakan sa braso ko at hinila papunta sa table nila.


"Sure naman let's go." Dito pa lang sa malayo nakikita ko na si Karylle na ang saya-saya pang nakikipaghuntahan. Samantalang replayan ako kahit isa hindi magawa.


"Friend, si Petra oh." Hyper na bungad ni Kakai pagdating namin sa table nila. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Karylle pagkakita niya sa akin. Sinamaan ko nga siya ng tingin, agad din niyang binawi ang tingin niya sa akin. Guilty much ang lowla eh.


"Hi guys." I said while smiling to them.


Pinaupo ako ni Kakai sa tabi ni Karylle.


"Petra eto pala ang boss namin, si Sir Echo." Tinignan ko ang katabi ni Karylle, ang lapit nila sa isa't isa ah. Nagkamay kami at nakita ko ang tingin ni Karylle sa kamay namin ng boss nila.


"Hi Petra, you're a good comedian you really made me laugh." Papuri ng boss nila sa akin.



"Salamat Sir. Hi Karylle" binati ko siya pero hindi siya makatingin sa akin bagkus ay kumuha siya ng maiinom niya.


"H-Hi" nauutal na bati niya sa akin. Nilapit ko ng bahagya ang upuan ko sa kanya.




"B-bakit hindi mo sinabi na andito ka?" bulong ko sa kanya pinigilan ko ang inis ko. Kahit ngayon pa lang ay gusto ko na siyang sabunutan sa asar ko. Kaya pala hindi nagtetext may kasamang iba.



Iba rin tong babae na to eh, tomador eh. Kumuha na naman ng alak, magsasalita na sana ako ulit pero nagulat ako ng hawakan ng boss niya ang kamay niya at sinuway siya na tama na muna ang pag-inom. At eto pa lumapit pa siya lalo kay Karylle at inakbayan ito.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon