42- So many questions

4.5K 152 14
                                    

Dahil sa mas madami ang nagrequest na pahabain ko pa to'

I will probably do it up until Chapter 50 so I can start with When the PONY meets the TEASER. Okay ba kayo doon mga ka ses?

I tried to update kahit masama ang pakiramdam ko lakas niyo kasi sa akin eh. Hehehe.

Thanks sa mga patuloy na sumusuporta, nagvote, nagcocoment kahit hindi na ako nakakareply, mga nag-aadd/follow salamat at sa mga new readers ko. Salamat ng sobra.

Sana hindi kayo magsawa na suportahan ako.

♥♥♥

"Sabi ko get a room." Singhal niya sa akin.

"Ah talaga. Let's go Chris. Let's get a room." Inis na inis na hinila ko si Christian palabas ng bar.

"K, wait. Vice was just joking." Pagpigil niya sa akin ng medyo makalayo na kami sa bar.

"Hindi nakakatuwa ang biro niya Chris. Eh ano kung makipaglandian siya sa iba't ibang mga babae wala akong pakealam, eh ano kung nagsasayaw tayo anong pakealam niya don diba?" medyo nataasan ko ng boses si Christian parang umakyat ang alak bigla sa utak ko. Binitawan ko si Christian at nagsimulang tumakbo. Hinagis ko ang wedge ko ang hirap kaya nasa buhanginan na ako.

The sounds of the sea made me remember a lot of things. A lot of painful memories. 

"K, saan ka pupunta?" sigaw ni Christian sa akin but I won't bother looking back.

I keep on running. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta alam ko gusto ko mapag-isa. I still can't accept na after niya akong saktan, masasabihan niya ako ng ganon. Nang maramdaman ko ang pagod ay agad akong naupo at nag-indian sit.

I can see the calmness of the sea, para sinasabi nito na kumalma na din ako. Tears started to fall. Ang dami kong tanong sa isip ko bakit ba kasi siya bumalik para ba saktan ako ulit? Para ipakita at ipadama ulit sa akin ang sakit na naranasan ko noon?

I felt someone sit beside me.

"K." I can feel that he's catching his breathe. "Ang bilis mo naman tumakbo hindi kita mahabol." I looked at him hawak niya ang sandals ko.

"Sana hindi ka na lang sumunod Chris." Humihikbing sabi ko.

"I can't let you go alone here." He said tinignan ko siya, patuloy pa din ang mga patak ng luha sa mga mata ko. I can see the reaction of Christian sobra siyang nag-aalala ngayon.

"Bakit ba kasi siya andito Chris? Para ba saktan ako ulit?" hinawakan ko ang bibig ko feeling ko kasi sasambulat ang malakas na hikbi sa bibig ko.

Umiling siya. "I don't know K, but for sure naman may dahilan siya bakit ka niya pinuntahan dito. Hindi siya lilipad dito papunta sayo if there's no reason." He leaned my head to his shoulders para patahanin ako.

"I'm trying to forget him Chris, pero mahirap eh. But everytime I will remember the time na ipagtabuyan niya ako, doon ko narerealize na hindi naman niya ako minahal. Diba when you truly love someone, diba dapat kaya mo siyang panindigan? Kaya mo siyang ipaglaban?" umiiyak pa din ako kahit Christian is trying to help me calm.

"Tama ka doon, pero hindi rin porket hindi ka niya ipinaglaban hindi ka na niya minahal. Maybe he's just afraid. Baka natakot siya. Remember K, ikaw ang unang babaeng minahal niya. He maybe dunno how to handle it." Para akong sinampal sa sinabi ni Christian. Pero hindi ko pa rin maintindihan.

Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Christian, he's brushing my hair. Nakatingin lang ako sa mga alon na papalapit sa amin. Kailangan ko muna siguro kumalma para makapag-isip ako ng mabuti.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon