BII- 36 Unexpected Meeting

2.5K 106 46
                                    

Again mga ses. Thank you for patiently waiting...

Your always missing in action ses ---> Shairaluane ^_^V



  -VK♥ VK♥ VK♥-  


Masarap gumising na alam mo na kumpleto na kayo, ng pamilya mo. I love seeing Vice beside me sleeping quietly.

Umalis na muna ako sa pagkakayakap niya at dumeretso ng banyo, I will prepare our breakfast muna. Mamayang hapon ang kasal nila Coleen at Billy, excited na ako para sa dalawa.

Halos muntik na rin na hindi matuloy ang happy ending ng dalawang to, ganoon siguro talaga —darating talaga siguro sa punto na may pagdadadaanan talaga tayong pagsubok, susubukin tayo hanggang saan tayo kakapit. Susubukin para malaman kung hanggang kailan tayo maniniwala na kung sino man ang kasama mo sa simula ng laban na ito dapat siya pa rin ang kasama mo hanggang sa dulo.

Masaya ako sa mga kaibigan ko dahil bumubuo na rin sila ng kanya-kanya nilang pamilya. Si Anne ready na rin magkababy, naging hadlang kasi ang work niya ang pagkakaroon ng baby at masaya ako na naiintindihan naman ito ni Vhong.

Ako naman, masayang masaya kasi kahit wala pang 100% assurance na si Vice talaga si Peter alam ng puso at damdamin ko na siya, siya ang nag-iisang asawa ko.

Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko, nakakainis kasi to si Vice. He's giving me new memories to cherish.

Katulad na lang kagabi, nag dinner kaming dalawa sa dagat sa isang malaking balsa. Kaya pala nawawala siya for few hours before dinner andon pala kinukuntsaba ang mga tao sa resort to prepare our romantic dinner.

Andon lang kami hanggang midnight, watching the moon and the stars, pinaguusapan ang magiging kinabukasan namin kasama ng kambal.

Ganon naman talaga kami ni Vice dati pa, bago pa siya mawala. Palagi namin pinaguusapan ang pwedeng mangyari sa kinabukasan naming apat, na gusto niya makatapos ng pag-aaral ang dalawa sa kung ano mang gusto nilang kurso. Pagkatapos kami dito pa rin kami sa resort. Dito na kami tatanda, which is yun ang din ang gusto ni Peter, ni Vice. Gusto niya dito na lang kami sa Pagudpud.

"Ay tutchang na nalaglag." nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin, ni hindi ko naramdaman na may tao pala sa likod ko. Nalaglag tuloy ang siyanse na hawak ko habang nagpriprito ng itlog.

"Good morning myloves, I love you, ilove you so much." he whispered, naamoy ko ang bagong toothbrush na hininga niya. Iniharap niya ako sa kanya and wrapped his hands softly around my waist sabay dampi ng mga labi niya sa akin. Napapikit naman ako, nakukuryente pa rin ang pakiramdam kahit sa simpleng halik na yun.

"Good morning din I love you too. Hindi muna kita ginising magluluto muna sana ako ng breakfast."

"Daya naman eh, gusto ko kasi ikaw sana ang breakfast ko." He said while biting his lips. Napangiti ako ng kimi.

I poke his forehead. "Grabe ka, ginawa mo na nga akong midnight snack kagabi eh. I'm so pagod kaya." Maarteng sambit ko, tipong kakalas ako sa pagkakahawak niya sa akin pero mas lalo niya lang hinigpitan ito.

"Hala! Ako kaya pinagod mo." Nakangusong sagot nito and kiss me again. Inilayo ko ang mukha niya at kunyaring bumusangot. Arte lang.

"Ay kapal, muntik na nga tayong malaglag sa balsa grabe ka! Buti nga walang tao sa paligid. Kundi nakakahiya."

Sabay kaming tumawa ng malakas ng maimagine ko ang nangyari kagabi, feeling ko kasi may lindol sa balsa kagabi, grabe si Vice. Akala ko tataob talaga kami.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon