BII- 28 Ang Nakaraan

3.2K 127 37
                                    



Maaga siyang nagising ginanahan siya na lumabas ngayon dahil maliwanag na ang kalangitan, ilang araw na rin kasing masama ang panahon. Laman ng balita ang salanta na ginawa ng Bagyong Luping dito sa Norte. Mabuti na lang dito sa Batanes ay hindi malala ang naging salanta pero ang Ilocos Norte ang lugar na talagang dinaanan ng bagyong ito. Marami ang nabalitang nawawala at namatay, bukod sa bagyo ay sinabayan pa ito ng malakas na lindol kaya nagkaroon ng tsunami.

Ngayon na lang niya ulit nakita ang labas ng bahay niya, makalat dahil sa mga dahon at mga punong nasira. Nagiisa lang ang bahay niya dito sa lugar niya ang susunod na kapitbahay niya ay halos tatlong daang metro pa ang layo kaya talagang siya lang ang maglilinis lahat ng mga kalat na ito.

Malapit ang purong batong bahay niya sa karagatan, naglakad na siya papunta sa dalampasigan para maglayag papunta sa paborito niyang isla. Nasa mood kasi siya magpinta ngayon, kadalasan ng mga gawa niya ay doon niya ito ginawa. That little island is like his own sanctuary.

Mabuti na lang at naitali niya ang bangka niya sa isang matatag na puno kaya hindi ito nasira at natangay ng alon. Tinanggal na niya ang tali ng bangka niya at sumakay na dito. Tahimik ang dagat kaya hindi mahirap maglayag ngayon, narating na niya ang isla kung saan siya magpapalipas ng ilang oras.

Naglakad siya papunta sa mabatong parte ng dalampasigan, meron ditong mga malalaking puno kung saan gumawa siya ng duyan, minsan kasi ay mas gusto niya pa dito gugulin ang buong araw niya. Tahimik kasi itong lugar na ito bihira ang may pumupunta dito at parang dito mo matatagpuan ang sinasabi nilang peace of mind.

Lumanghap muna siya ng sariwang hangin at pumikit, nagiisip kasi siya ng maari niyang ipinta ngayong araw. Ang mga nagagawa niyang paintings ang bumubuhay sa kanya meron kasi siyang kausap na taga Maynila kung saan ito ang bumibili ng mga gawa niya.

"Kaya ko to." Malakas na sigaw ni Coco sabay mulat ng mga mata niya. Kinuha na niya ang gamit sa pagpipinta sa dala niyang backpack at nagsimula na.

Isang oras na din ang nakakalipas pero wala pa siyang nauumpisahan medyo hirap siya kumuha ng ideya ngayon, ilang papel na din ang nalamukos niya sa inis dahil walang pumapasok na kahit man lang anong ideya sa utak niya.

Kinuha niya ang kaha ng yosi sa bag at nagsindi ng yosi at napagpasyahan na maglakad-lakad muna baka sakaling may maisip na siya.

Laking gulat niya ng may makita siyang nakadapang tao sa dalampasigan. Agad siyang tumakbo papalapit dito.

Isang lalaki ang nakita niyang walang malay, lumuhod siya at hinawakan ang braso nito and rolled his body para makita ang itsura nito para malaman niya na rin kung buhay pa ito.

Ang daming pasa nito sa mukha, pati na rin sa mga braso nito. He checked his pulse, buhay pa ito.

Hindi niya alam paano ito napadpad dito pero mukhang isa itong biktima ng nakaraang tsunami.

Inalog-alog niya ito para magising pero walang nangyayari, hindi na niya alam kung anong gagawin kaya inisip na lang niya ang nakikita sa tv pag may nalunod na tao.

He position his hands in the center of his chest and he firmly push it down for few times. Nang walang nangyari he tilted his head and lift his chin, inilapat niya ang labi sa labi nito to blow some air.

After few minutes, naramdaman niya ang pagbilis ng paghinga nito. Iniangat niya ang ulo niya at nakita itong nauubo.

"Hey!." Ani Coco ng makita niyang iminulat ng lalaki ang mga mata nito.

"Na-nasaan ako? Si-Sino ka? Pengeng tubig." Hinihingal na sabi nito habang patuloy sa pagubo.

"Teka lang." agad siyang tumakbo pabalik sa bag niya para kumuha ng tubig.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon